"Wala akong ginagawa roon kundi matulog at kumain. Na-bore ako! Nagpa-discharge ako kaninang hapon. Ginamit ko ang kotse mo. Hindi ito kasama sa winasak nila dahil nakaparada iyan sa harap ng building." Nilingon nito ang isang lalaking nakatayo sa may unahan ng sasakyan. Pamilyar ito kay Aurora.

"Natatandaan mo si Detective Magbanua, Aurora? Nag-alok si Detective na samahan ako sa pagsundo sa iyo..."

"How are you, Miss Zuñiga?" bati ni Samuel Magbanua.

Aurora eyed the detective. In his early forties. Naka-jacket ng itim. Hindi kataaasan, marahil ay nasa limang talampakan at anim na pulgada lang. Gayunman ay brusko at malaki ang katawan.

"Kung sana ay kaya kong sabihing mabuti, Detective. Sa airport sa Laoag ay nagtangka uli ang mga tauhan ni Gregor na kidnapin ako—"

"Ano ang sinasabi mo, Rory? Bakit ka kikidnapin?" naguguluhang tanong ni Doreen.

"Ipaliliwanag ko sa sasakyan, Doreen." Muli niyang binalingan si Magbanua. "It was pure luck that I escaped... again." Hindi niya kailangang ikuwento ang malaking aso na tumulong sa kanya. Nilingon niya si Lukas. "Si Lukas. Siya ang tumulong sa akin upang makauwi ako..."

Lukas shook hands with Doreen and the detective. Ilang sandali pa ay nasa sasakyan na sila at binabaybay na ang kahabaan ng EDSA. Lalong nasindak si Doreen nang ikuwento ni Aurora ang nangyari sa kanya mula nang mag-landing ang eroplano niya sa Laoag International Airport at ipasyang magtuloy sa San Isidro upang sorpresahin si Gregor. At ang muling pagtatangka ng mga ito kanina naman habang pabalik sila sa Maynila.

"Si... si Gregor ang mastermind sa panloloob at pagpatay sa tatay mo at sa iba pa?" hindi makapaniwalang sabi ni Doreen, nilingon sila ni Lukas sa backseat. "Sigurado ka?"

"Narinig ko siyang kausap ang mga tauhan niya, Doreen. It was an inside job. Hindi ko nakilala ang kausap niya subalit natitiyak kong isa sa mga tindera natin. Babae ang kausap ni Gregor! At iyon ang dahilan kung bakit niya ako ipinahahabol sa mga tauhan niya. And I also saw Marva."

"Pati ang kapatid niya'y kasabwat!"

"Nakaalarma na ang pulisya sa Bangui at Laoag at Pagudpud, Miss Zuñiga, kaninang umaga pa. Kailangang mahuli natin ang Gregor na ito," ani Detective Magbanua na siyang nagmamaneho, sinulyapan sila sa rearview mirror.

"Ang taong nagtangkang kidnapin ako sa airport ay nakauniporme ng pulis, Detective," aniya. "May tsapa siya."

Napakunot-noo ang detective. "Hindi kaya gumamit lang siya ng uniporme ng pulis?"

"Na hustung-husto sa katawan niya?" Aurora said sarcastically. Nilingon si Lukas na nanatiling tahimik at nakiking lang sa kanila. Ang braso nito ay nakaakbay kay Aurora, possessively.

"Where are we staying?" tanong ni Doreen. "Hindi tayo maaaring tumuloy sa bahay. Bukod sa wasak ang maraming gamit ay natatakot akong nakaabang lang sa atin ang mga masasamang-loob."

"Lukas offered his condo," sagot ni Aurora. "Bukas ay papapalitan natin ang mga kutsong nasira, ganoon din ang mga kasangkapan." Sinulyapan nito si Detective Magbanua. "Ihatid mo na lang kami sa Makati, Detective. Pagkatapos ay iuwi mo na lang muna ang sasakyan. Magko-commute kami bukas ng umaga."

"You, ladies, can stay at my condo for as long as you want. It has three bedrooms."

"Oh, well..." Doreen seemed to have lost for words. Pero nasa tinig nito ang pasasalamat. "Hindi ako mapapanatag sa bahay hangga't hindi nagagawan ng paraan para sa security measures. Dahil hangga't hindi nila nakikita ang mga alahas ay may palagay akong hindi sila titigil."

PHR GOTHIC ROMANCE: The Wolf & The BeautyWhere stories live. Discover now