Nakatitig ako sa kesame habang iniisip ang pinag usapan namin ni rien sumasagi rin sa isipan ko si rhian

Tama ba ang desisyon ko?...

Pero maka tutulong ito para mawala na ng tuluyan ang nararamdaman ko para kay rhian, hindi naman sa ginagawa kong panakip butas si rien kasi sinusubukan ko rin makawala sa damdamin na matagal ko ng dinadala at tinutuon ang atensiyon sa babaeng may gusto saakin at mahal ako.

Napa buntong hininga na lang ako at bumangon sa pagkaka higa tinungo ko ang cr at tumingin sa salamin

Inirapan ko naman ito at nag mumog na lang sa sink

Lumabas na ako ng kwarto at patakbong tinungo ang dinning area ng maka rating ako sa dinning area ay wala manlang akong makita ni kahit isa na naka upo sa upuan

Mukhang kakain akong mag isa ah.

Naka ayus at may mga pagkain naman na ang naka handa kaya umupo na lang ako at nag simulang kumain

Tahimik akong kumakain ng may maramdaman akong presinsya sa likod ko, hindi ko naman ito pinansin at nag patuloy lang sa pagkain

"Ma-ma'am" tuluyan na akong napa tingin sakaniya ng tawagin niya ako imposible naman kasing iba ang tinatawag niya dahil kaming dalawa lang naman ang naririto

"Bakit?" Tanong ko habang nag tataka siya pala ang maid na si Carlyle kaedaran ko lang siya at halatang may gusto saakin, naalala ko naman ang nangyari nuong 23 years old pa lang ako

Umuwi kasi ako dito nuon kasi dinalaw ko lang sina lolo at lola dalawang araw lang naman ako dito

Flashback♤

Nandito ako sa luob ng kwarto ko naka tayo ako habang ang katawan ko naman ay napapalibutan ng tuwalya dahil kakatapos ko lang maligo

Malapit na sana ako sa walk in closet ko ng biglang bumukas ang pinto ng kwarto ko na ikina talon ko sa gulat iyon din ang dahilan ko bakit bigla na lang natanggal ang tuwalya sa katawan ko

Agad kong pinulot ang tuwalya ko at pinulupot pabalik sa katawan ko, tinignan ko naman ng masama ang nasa pintuan

Si Carlyle.

"Bakit hindi ka manlang kumatok bago pumasok?" Masamang tingin ang ipinukol ko sakaniya habang siya naman ay tulala paring naka tingin sa ibaba ko

"A-ang l-laki" nauutal na aniya lalong sumama ang tingin ko sakaniya "anong kailangan mo at bakit hindi ka manlang kumatok?" Naiiritang tanong ko sakaniya

"Carlyle!tigilan mo ang katitingin sa ibaba ko at kalimutan mo na iyon!, sa susunod ay kumatok ka muna bago ka pumasok!" Sigaw ko na ikina talon niya sa gulat napa yuko naman siya at tumango tango

"Labas" dali dali naman itong lumabas at sinarado ang pinto ng kwarto ko, napa buntong hininga na lang ako at lumapit sa pinto at ni-lock ito

♤END OF FLASHBACK♤

"A-ako po muna ang inatasan ni manang na mamalengke at..at sabi ni lola mhilia na samahan niyo raw po ako para may kasama po ako" mahabang lintaya nito sumalubong naman agad ang kilay ko

"Hindi ako p-samahan mo na siya, apo. Hindi siya masasamahan ng ibang maids dahil maraming gawain sa mansion" pag putol ni lola na bigla na lang sumulpot kasama si lolo at ang dalawa kong pinsan na naka tayo

Naka ngisi saakin si maureen habang si myca naman ay naka busangot

"My, may lakad po ako" sagot ko na lang umiling iling naman siya "Samahan mo na si Carlyle" aniya nito mag sasalita pa sana ako ng mag salita naman si myca

"Sa-sasama po ako my" aniya nito napa tayo naman ako sa inuupuan ko "t-teka a-ano, may date kami ni rien, my" iyon na lang ang nasabi ko para hindi na matuloy ang sinasabi ni lola

"Apo, masyado pang maaga para mag date kayo at hindi naman kayo mag tatagal ni Carlyle sa palengke" aniya nito napa tango tango naman si maureen napa buntong hininga naman ako

"My, sasama po ak-wag na apo, hindi ba't may lagnat ka?kumain kana at mag pahinga sa kwarto mo pagkatapos" napa busangot naman si myca at naupo na sa upuan

Umupo na rin sina lolo at lola pati na rin si maureen

"Ija, mag handa ka na para sa pag alis niyo at ikaw naman, apo. Dalian mong kumain para maka alis na kayo ni Carlyle" tumango naman si Carlyle at umalis na habang ako naman ay tumango lang sa sinabi ni lola at binilisan na ang pagkain

Ng maubos ko na ang nasa Plato ko ay agad akong tumayo pinalapit naman ako ni maureen sakaniya kaya lumapit naman ako

"Good luck, I know Carlyle likes you" agad akong lumayo sakaniya at sinamaaan siya ng tingin narinig ko naman ang mahinang tawa nito

Napa irap na lang ako at nag paalam na kina lola na aalis na ako na tinanguan naman nila

Published: DECEMBER 28 2023

OBSESSION BY MS.CASTILLO [OBSESSION SERIES: 1] (COMPLETE✓)Where stories live. Discover now