"If I give up on you, I give up on me... If we fight whats true, will we ever be? Even God himself, and the faith I knew... Shouldn't hold me back. Shouldn't keep me from you. Tease me, by holding out your hand. Then leave me, or take me as I am." Buong-buo ang boses ng kumanta nito.

Unti-unti akong napalingon sa banda. Tahimik ang mga tao habang kumakanta ang matangkad at naka all-black na bokalista sa harapan.

Napatayo ako nang nakita ko kung sino ito. Napatayo at nalaglag ang panga... Nakapikit lang siya habang kinakanta ito kaya siguro hindi niya ako napapansin pero nang tinignan ko yung drummer, yung nasa keyboard, at ang dalawang guitarist - nakatitig silang lahat sakin na parehong laglag din ang panga.

Tinignan ko ulit yung bokalista. Mas lalo siyang tumangkad. May nakita akong kumikinang sa kaliwang tenga niya at agad kong na recognize na earing yun. Nagpa-pierce siya. Mas lalong defined ang muscles niya at mejo pumuti siya kumpara sa mejo moreno niyang balat noon.

"Siya yung tinutukoy ni Grace na magaling mag ano?? OH EM GEE! I think I'm in love!" Sabi ni Belle.

And then it struck me. Masakit aminin pero masakit din tanggihan at balewalain ang pagkakadisappoint ko. May iba na siya. BAKIT AKO NADIDISAPPOINT? HINDI KO ALAM! MAGSAMA SILA KUNG SINO YUNG BAGO NIYA AT WALA AKONG PAKEALAM.

Tinignan ko si Grace na tiling-tili sa harapan katabi ang tatlo pang babae. Naisip ko yung pag fo-foreplay nila ng makinis, matangkad at kulot na si Grace na nasa harapan with her plunging neckluine.

"Excuse me... CR lang ako." I may vomit.

"Uy, Rosie!" Pigil ni Callix sakin.

"Teka lang, Callix. Saglit lang." Sabi ko nang di lumilingon.

"CR lang din ako." Sabi ni Karl nang napansin ang nasusuka kong mukha.

"Sh1t, Karl! Anong gagawin ko?" Nagpanic ako bago makarating sa CR.

"B-Bakit?" Tanong niya.

"SI JA--- yun!" Sabi ko.

Hindi ko na maitsura ang mukha ko nang sinabi ko yun kay Karl.

"Si Ja---? Ano? Ja? Jatooot? WHAT!? Siya yun! OMYGOD! Really?! Kaya pala ang daming babae dito, Rosie. Kasi dito siya tumutugtog?"

"Karl naman! Ang ibig kong sabihin ay ba't siya nandito? Taga-bukid siya!! Ba't siya nandito! Oh my gosh, Karl, iuwi mo na ako! Dali! Iuwi mo na ako." Hinila ko ang kamay niya.

"Tapos ano? Anong sasabihin ko kay Callix? Magdududa na naman yun na may something tayo. Kadiri. Tsaka hayaan mo na! Mukhang ma da-divert na ang atensyon ni Belle sa kanya, sa wakas!"

Napasinghap na lang ako, "Please, Karl! Please! Tulungan mo ako."

"No, Rosie. Suggestion lang ah? Siguro dapat mong harapin yung ex mo. Kung makaasta ka parang may feelings ka pa eh." Umirap siya.

"WALA NA AKONG FEELINGS SA KANYA!" I snapped.

"Wala!? Talaga!?"

Baka Sakali 1 (Alegria Boys Series #1) (Published under Pop Fiction, and MPress)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon