Kabanata 15

4 0 0
                                    


Umupo kami sa ilalim ng malaking puno, Isla opened her lunchbox. Dalawang ulam at mga prutas ang hinanda niya. May gulay rin sa magkaibang lunchbox. Nakabalat na kaagad ang mga iyon.

"Binili ko pa 'tong pipino sa tindahan," mataray niyang sambit na ikinatawa ko.

"Salamat, Tala." I answered.

"Kumain ka na!" Kumuha na si Gina ng pipino at kinain iyon.

While eating, we talked about so many things. Maliban lang sa mga nangyari these past few days. Hindi naging mahirap sa akin ang mga nagdaang araw na iniiwasan ko si Timoteo, kahit na gumagawa siya ng paraan para makausap ako ay hindi ako natitinag. Kung alam ko sa sariling ayaw ko, hindi ko gagawin.

Maingay sa loob ng kwarto dahil sa asaran at kulitan. Wala yung prof ngayon kaya tila nagdiriwang ang mga kaklase ko.

Tahimik akong nagbabasa sa tabi ni Isay, siya naman ay tulog. May kinuha ako sa bag ko kaya hindi nakaiwas sa aking paningin ang lalaki.

Nakasandal siya sa upuan habang nakakrus ang kamay. His stare was intense. Kaagad akong umiwas para kunin yung ballpen ko. I'm currently writing some notes when someone called me.

"Nayumi, hanap ka ni Blade!"

A stranger called me. Napakunot ang noo ko ngunit hindi ako tumayo para salubungin ang lalaki. Siya yung nasa library. Kung hinahanap niya ako ay siya dapat ang pumunta rito.

Hindi ako sumagot at nanatili sa kinauupuan ko. Nagtilian ang mga babae nang pumasok si Blade. Taga ibang Department siya kaya nagtaka ako kung bakit niya ako hinahanap ngayon. Wala ba siyang klase? Sinulyapan ko siya ngunit kaagad ring binalik ang tingin sa pagsusulat.

Narinig ko ang pagmura ni Isay nang marinig ang sigawan ng mga babae. Nagising siya dahil roon.

"Hanggang ngayon ba naman ay nag-aaral ka parin?" Tanong ng lalaki.

I raised a brow, "Ano bang ginagawa sa eskwelahan?" Pataray kong sagot.

Napangisi siya at tumuwid sa pagkakatayo. He's tall and average, he was wearing our uniform with his varsity jacket. Umupo siya sa lamesa ko kaya nakaangat ang tingin ko rito.

"Guys listen, I want Nayumi to be my prom date." Diretsahang sambit niya na ikinagulat ko.

Sa dami ng iniisip ko ay halos makalimutan ko na pala ang Ball Night. Napatingin ako sa mga kaklase ko na nagbubulungan at hindi nakaiwas sa paningin ko ang lalaking nasa likuran. Nagtilian ang mga babae, napatingin ako kay Isay na ngayon ay nginingisian ako.

"You're asking me to be your prom date? Sa ganitong paraan? So cheap."

Alam kong medyo masakit ang pagkakasabi ko pero iyon lamang ang naisip kong paraan upang hindi matuloy ang imbitasyon niya. Ngunit mukhang hindi yata siya natamaan at nginisian pa ako.

"In what way do you want then?" He smirked.

"There's no way, Blade." Tugon ko.

Napabuntong hininga siya sa sagot ko. Ayoko sa kanya dahil masyado siyang mayabang!

"Pumayag ka na kasi Nayumi, si Blade na 'yan oh!" Sigaw ni Dyna.

Hindi nakaiwas sa paningin ko si Timoteo. Bakit pa kasi siya nakipaghalikan sa iba, tangina siya yung gusto kong makasayaw eh.

"Fine, I will make a memorable prom proposal for you." Blade uttered.

He crossed his hands before he stood up. Sa inaakto niya ngayon ay parang may gagawin talaga siyang hindi ko mahulaan.

Somewhere In The Haze (Aloha Haven Series 1)Where stories live. Discover now