58 | Luminous Light

Magsimula sa umpisa
                                    

"Alam mo, bwisit ka!" inis na sabi ko rito at walang paalam na nagmartsa paalis. Hindi pa man ako nakakalayo ay narinig ko ang mahina nitong tawa na kung nasa harap niya lang ako ay mapapaluhod na ako sa panghihina.

"Ano bang nangyayari sakin?" Tanong ko nang makahinto sa harap ng dalampasigan kung saan tanaw ang kalawakan ng dagat at ang papalubog na araw.

Ang ganda. . .

Ang inis ko ay biglang nawala. Napalitan ito ng pagkamangha dahil sa natural na senaryong nakikita na gawa ng kalikasan. Nakakakalma ang ganitong oras.

Sana maulit. . .

"Ang bilis mo namang mapikon. Binibiro lang kita," rinig kong boses na alam ko kung kanino galing. Nilingon ko siya at nakitang walang pag-aalinlangan na umupo sa buhanginan di kalayuan sa paa ko.

Nakadiretso ang mga paa niya at ang dalawang kamay ay nasa likuran, payapa niyang pinagmamasdan ang ang dagat.

"Tsk."

"Simple lang naman," aniya. Malayo sa sinagot kong singhal.

"Ano naman ang simple?"

"Simple lang naman na magtanong ng pabalik. Kung kamusta na rin ba ako," aniya at nang makitang titingalain niya ako ay mabilis akong nag-iwas ng tingin.

Hindi ko alam. Basta, natatakot na akong tumingin sa kaniya ngayon ng diretso.

"Bakit ba? Para saan? Halata naman ayos ka na. Pinalabas na nga kayo eh—"

"Tumakas lang kami. Gumamit ako ng teleportion para makalabas." Mabilis sa alas kwatro na napalingon ako sa kaniya at nanlalaki ang mata na napahawak sa balikat niya.

Nagulat naman siya sa ginawa kong sapilitang pagpapaharap sa kaniya sa akin.

"Nababaliw ka na ba?! Bakit mo 'yon ginawa?! Paano kung tuluyan pa kayong hindi maayos?! Paano kung kailangan niyo pa pala ng ilang oras na pahinga? Azriel naman! Bumalik na kayo!" sigaw ko mismo sa harap niya. Nakakataranta! Malamang sa malamang pinaghahahanap na sila ngayon!

"Bumalik na kayo!"

"No."

"Isa!"

"Dalawa ang kasunod."

"Azriel!"

"Prince Azriel."

"TATADYAKAN KITA!"

"Go. So you can know that I'm no longer weak. And to answer your tantrums, maayos na ako. Maayos na maayos na," sagot niya habang nakangiti.

Ako naman ay napaayos ng upo habang inis pa rin na nakatingin sa kaniya.

"Bumalik na kayo sabi, eh!"

"Kanina ka pa namin naririnig na sumisigaw, Sam. Sino ba ang pinapabalik mo?" Mayamaya ay narinig ko ang boses ni Arine na papalapit pala sa amin kasama sina Aeros, Lucas, Light at Firexia.

"Kayo! Ikaw, si Aeros at ang bwiset na prinsipeng 'to na nasa harap ko!" sabi ko sabay turo sa mukha ni Azriel na napaatras pa at iniurong ang daliri ko na inis kong ibinalik sa harap niya kaya umatras na lang ito.

"Sam? Bakit? Kita mo namang kalalabas lang nila! They need to have some chill too like us!" sabi ni Firexia na hinarap ako.

"No! Hindi sila pinalabas! Lumabas sila Fire without the approval of the doctors!"

"Wait, what? Nag-teleport kayo, prince?" Si Light na ngayon ay kinukwestyon si Azriel na simpleng tumango.

"Oh my effin' gosh." Si Firexia na napatakip sa bibig. Si Lucas naman ay bumadha ang pag-aalala sa mukha.

Luxious Academy 1: Realm Of The Elementals (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon