56 | All Together

Start from the beginning
                                    

"G-greetings, Queen, King and Princess of Ice," bati nito.

"A pleasant day po," sabi ni Firexia na kanina pa pala nakayuko at tumigil sa pagkain.

Lahat sila ay nakayuko na bilang paggalang maliban sa akin na iniisip pa kung paano babati.

Paano nga ba? Kahit wag na siguro kasi kilala naman nila ko. Kidding.

"Magandang araw po," bati ko sa kanila at yumuko ng lumayo na sa akin si Azee at lumapit sa kuya niyang di pa gising.

"Heads up, ladies and gentlemens," nakangiting  sabi nang queen.

"You must be Samantha. Hmm, 'yong nakatalo sa anak ko. Sa aming tatlo, ako ang madalang mong makita," natatawang sabi ng ama sa akin ni Azriel na totoo naman. Palaging ang mag-ina ang nakikita ko.

Sana ganyan din si Azriel, ano? This man in front of me looks humble and comfortable to talk to.

"Ahh opo. Hi po." I heard someone's chuckle and its from Lucas and Light.

"Ano ba naman kayo, magsiupo na nga kayo. Isipin nyong hindi kami hari't reyna, okay? Where here to visit. Treat us like how Samantha do. Hi there too, Samantha," bati sa akin ng queen at bumeso, "Kailan ka ulit dadalaw sa palasyo?" bulong nito at nagpakawala ng mahinang tawa.

Kapag ho siguro maayos na ulit kami ng anak niyo para makuha ko na ang libro. 'Yon sana ang isasagot ko pero ngumiti na lang ako ng makalayo ito.

"P-pasensya na po, mahal na reyna. Ipagpapatuloy ko na po ang pagkain ko kasi nagugutom na po talaga ako." Mukhang nahihiya pang sabi ni Lucas sa reyna na tinawanan nito.

"Sige lang. Wag niyo kaming pansinin dito," nakangiti nitong sabi kaya't walang pag-aalinlangan na sinunggaban ulit ni Lucas ang pagkain niya. Si Firexia naman ay pasubo-subo lang na parang nahihiya rin sa mga kasama ngayon.

Umalis na sa harap ko ang reyna at nakiupo kasama ng hari sa harap ni Azriel na hinihintay nilang magising.

"Kailan ka kaya magugustuhan ni kuya? I want him to marry you."

Para naman akong nabulunan sa sariling laway dahil sa kagustuhan ng batang kaharap ko. Si Azee ba talaga 'to? "Malabo 'yang sinasabi mo, prinsesa. Malabo pa sa plastic labo. Walang kasalang magaganap, gyera puwede pa," diretsang sagot ko rito.

Napabuntong hininga na lang ito at may ibinulong. Hindi ko na lang inusisa dahil kung gusto niyang malaman ko ay ipaparinig niya 'yon. Me and my mind.

"I told you, someone's already here." May mga panibago na namang dumating. Ang kaharap kong si Azee ay mabilis na nagbigay galang na tulad ng ginagawa ng isang prinsesa.

Napatayo rin ang mga kasama ko at nagbigay galang muli.

"A pleasant day."

"Greetings queens and kings."

Tahimik na pinagmasdan ko sila ng pinaayos na sila ng mga bagong panauhin.

Apat babae at lalaki ang mga dumating na kapwa mukhang mid 40's. Tumayo ang nauna ng dumating at nakipagbatian sa dumating.

"Oh, my Light. Ang ilaw ko ay gising na," sabi ng isang babae at lumapit kay Light na nakangiti naman nitong niyakap pabalik ng yumakap ito sa kaniya.

"Hey there, hot lady."

"Stop it, mom. Mahiya ka sa kasama ko," ani Firexia na naiiling sa inasta ng mom niya.

"Arine. . . They're still not awake." Mayamaya natuon ang atensyon ng lahat sa babaeng lumapit kay Arine. Ang mga kasama nitong lalaki ay tahimik lang na sinundan ang kanya-kanyang asawa.

Luxious Academy 1: Realm Of The Elementals (COMPLETED)Where stories live. Discover now