"Sino ka para makisabat sa usapan?" tanong nito. Ngayong nasa malapitan ay kitang kita ko na ang purong itim niyang mata. Parang naglalagablab ito sa loob at nakakahipnotismong tingnan. At kaunti na lang ay kailangan ko ng maghabol ng hininga.

"Bitawan mo ko!" sigaw ko at hinawakan ang kamay niya at pilit na nagpumiglas.

"Ano ba?! Wala man lang ba tayong gagawin at hahayaang malagutan ng hininga si Sam?!" inis na sigaw ni Lucas at akmang susugod ng tiningnan siya ni Arine. Agad siyang napaatras at nag-aalalang tumingin sa akin.

"May iba akong nararamdaman sa 'yo," aniya at mas lalong hinigpitan ang hawak sa akin. "Bakit ganito ang pakiramdam ko sa 'yo‐"

"Bitaw," mayamaya ay lumamig ang paligid. Kundi ko lamang hawak ang kamay ni Arine para mapigilan ang paghigpit nya lalo sa leeg ko ay niyakap ko na ang sarili ko.

Kita ko ang pagngisi si Arine at iniangat akong bigla sa ere ng isang dangkal.

Ni hindi ko na kayang maglabas pa ng kahit anong salita sa bibig ko. Kinakapos na ako ng hininga at sasaktan na rin ako sa pagkakasakal niya. Kita ko rin ang panlalabo ng paningin ko. Ang pakiramdam ko ngayon ay parang lobo na malapit nang pumutok.

"A-azriel," rinig kong sabi ni Fire na nakatingin kay Azriel. Hindi rin nito alam ang gagawin. Siguro'y takot ang mga ito na gumalaw dahil baka masaktan si Arine.

"Ang sabi ko, bitaw," sabi ni Azriel.

Napaubo na ako at nanghihinang pinisil ang kamay ni Arine. Sinusubukan ko pa ring magpumiglas sa kaniya. I am also trying to cast a spell pero hindi ito gumagana.

Nasaan na ba ang mga maestro?!

Nginisian lang ito ni Arine at tiningnan ako. Kita kong iniatras nito ang libreng kamay. Nakatutok sa akin ang matutulis niyang kuko.

Mabilis ang nangyari. Napapikit na lang ako hinihintay ang pagtama ng kuko niya at bumaon sa katawan ko ngunit ang naramdaman ko ay pagbitaw niya sa akin kaya nalaglag ako at napaubong lumanghap ng hangin.

"Aeros! I-trap mo sya sa hangin! Lucas, ilayo mo muna rito si Samantha! Kami na munang bahala nina Light kay Arine!"

"O-oo!"

Napamulat ako ng mata habang hawak ang leeg ko. Kitang kita ko ang pagtakbo papunta sa akin ni Lucas at walang kahirap hirap akong binuhat.

"B-bakit niya ako nabitawan?" Hirap kong tanong ng mabilis siyang tumakbo papalayo ng ilang metro sa mga naiwan.

"Pinabulusok bigla ni Azriel yung nakatago nyang patulis na yelo sa kamay ni Arine kaya nasugatan siya at nabitawan ka," sagot niya at dahan-dahan akong ibinaba. "Dito ka lang muna at tutulong ako sa kanila sa abot ng makakaya ko," aniya at hindi na hinintay ang sagot ko at agad ng tumakbo nang mabilis.

Kahit nanghihina ay nilitaw ko ang sarili ko at tiningnan ang nagaganap. Kasalukuyang nakatayo si Arine hawak ang kaniyang kamay na sa tingin ko'y nagdudugo dahil sa ginawa ni Azriel. Naiinis ako sa sitwasyon ko ngayon. Ang tapang-tapang ko kanina sa harap ng mga maestro at nakatataas pero heto ako at naging pabigat pa.

Masama ang tingin nito kay Azriel na prente lamang na nakatayo ngunit halatang handa sa anumang susunod na mangyari.

"Aeros! Ngayon na!" sigaw ni Firexia. Mabilis na pinaikot-ikot at ikinumpas ni Aeros ang kamay niya sa kaniyang harap at mayamaya lang ay lumakas ang hangin sa kanilang pwesto. Ang hangin ay dumiretso sa pwesto ni Arine na mabilis itong pinaikutan at ikinulong.

Hindi halos maaninag si Arine ngunit kita pa rin siya dahil na rin sa kulay itim niyang suot.

"T-teka!" sigaw ni Aeros at biglang nawala ang ginawa niyang hangin. Nagulat ang lahat ng makitang isang puno ng kahoy na nakatayo na lang doon ang naiwan at wala si Arine!

Luxious Academy 1: Realm Of The Elementals (COMPLETED)Where stories live. Discover now