"Hmm...tingnan natin kung makapag sinungaling ka pa"pabalya niya akong binitawan kaya naman napahawak ako sa braso ko dahil sa sobrang sakit. Nakita kong lumapit sya sa kawal.

"Hawakan nyo ang babaeng yan at dalhin sya sa kulungan!"utos niya rito. Kaagad na kumilos ang dalawang kawal at pumunta sa pwesto ko.

"S-sandali...a-anung gagawin nyo? Heneral!"

Napa-atras ako ng makalapit sila ngunit kaagad din nila akong nahawakan. Pilit kong tinatanggal ang pag hawak nila sa akin ngunit hindi ko magawa dahil mas malakas sila sa akin.

"Bitawan nyo ako!"sabi ko. Ngunit tila hindi nila ako narinig. Hanggang sa nag lalakad na kami.

"H-heneral! Sandali lang! Huwag nyo akong dadalhin doon!"sigaw ko sa kanila

"Manahimik ka!"sigaw niya sa akin. Tumalikod na sya sa amin at umalis na papunta sa kulungan.

Tumingin ako sa dalawang kawal "pakiusap, bitawan nyo ako...huwag nyo akong dadalhin doon"nakikiusap na sabi ko. Ngunit hindi pa rin nila ako pinakinggan.

Labis ang kabang nararamdaman ko at nararamdaman ko ang pamamasa ng mga mata ko. Aaminin ko na natatakot ako, natatakot sa kung anu gagawin sa akin. Hindi dapat ganito.

Hindi dapat ako makaramdam ng takot sa kaniya dahil isa syang kalaban ngunit hindi ko mapigilan. Takot na lumulukob sa akin.

Hindi naman niya siguro ako papatayin?

Maya-maya lang ay narating na namin ang kulungan at pumasok sa loob. Pagpasok ay nakita ko si Heneral na nakatayo habang mag kakrus ang kamay na tila inaantay kami. Nang makita niya kami ay agad syang ngumisi.

"Alam mo na siguro mangyayari sayo?"tanong niya. Hindi ako sumagot, umiwas lang ako ng tingin sa kaniya.

"Hmm ayaw mong sumagot, kung ganun itali nyo sya!"nagulat ako sa sinabi niya kaya naman napatingin ako sa kaniya.

Kaagad na kumilos ang kawal at kaagad akong itinali sa magkabilang kong palapulsuhan paitaas.

"A-anong gagawin nyo? Bitawan nyo ako!"sabi ko. Ngunit ngumisi lang siya

Anong binabalak niya sa akin?

Napansin ko na may inabot sa kaniya ang kawal, nanlaki ang mga mata ko ng mapagtantong isa iyung latigo. Nahihintukutang tumingin ako sa kaniya.

"H-heneral...h-huwag mong sabihing..."

"Tama ka, tama ang iyung naiisip"sabi niya. Napalunok ako

"Ngunit heneral!"

"Tuturuan kita ng magandang leksyon at sa gagawin kong itong sigurado ako na magtatanda kana at hindi mo na iisipan pang umalis ng walang pahintulot ko"saad niya na mas nag patakot sa akin at nararamdaman ko na ang panginginig ng katawan ko. At muli na namang namamasa ang mga mata ko dahil sa takot.

"H-heneral, alam kong nag kamali ako ngunit wag mo sana itong gawin sa akin. Isa pa rin akong babae, hindi karapat-dapat na parusahan ako gamit ang isang latigo!"

"Manahimik ka! Wala akong pakialam kung babae ka pa! Umalis ka ng walang pahintulot ko! Kaya dapat lang na maparusahan ka!"galit na sabi niya sa akin.

"Ngunit hener- hukk!"para akong nabingi ng maramdaman ko ang pag hampas ng latigo sa mismong likod ko. At nararamdaman ko din ang unti-unting pag lukob ng sakit na nag mumula sa aking likod.

"Argh!"daing ko. Napapikit ako dahil sa sobrang sakit at halos hindi ko magawang makapag salita. Naramdaman ko ang pag agos ng luha sa sa aking pisngi, para akong pinapatay sa sakit.

"H-heneral tama n- ahhh!"

Napasigaw ako ng muling maramdaman ang pag hampas ng latigo sa aking likod sa pangalawang beses.

"Argh! Hah! Hah! Hah! H-heneral t-tama na p-pakiusap"hinihingal na sabi ko. Halos magdugo na ang labi ko dahil sa pagkagat ko dito. Kasabay nito ang panginginig ng mga binti na parang anumang oras bibigay ako.

"Manahimik kang babae ka!"sabi niya. Sa pangatlong beses muli na naman niya akong hinampas ng latigo at naramdaman ko na parang mas lumakas pa iyun kaysa kanina.

"T-tama...argh...h-hindi ko na k-kaya..."nanghihinang sabi ko. Para akong mawawalan ng ulirat.

"Hmmm...parang kulang pa..."nakangising saad niya.

Seryoso ba sya? Para na nga akong mamamatay dito tapos kulang pa?

Tumingin ako sa kaniya "H-heneral p-pakiusap, t-tama na h-hindi ko na kaya...p-pakawalan mo na ako. H-hindi ko na uulitin sa s-susunod...p-pakawalan mo lang ako..."nag mamakaawang sabi ko.

Ngunit ngumisi lang siya, pero agad iyun nawala at napalitan ng masamang tingin. Pag katapos muli na naman niya akong hinampas ng mag kasunod.

"Ahh!"pag sigaw ko kasabay nun ang pag suka ko ng dugo.

Sobrang sakit...mamamatay naba ako?

"T-tama na...a-ayoko na..."nanghihinang bulong ko. Ang natitira kong lakas ay nawala na at parang hindi ko na kakayanin pa. Dahil sa panghihina ay para akong naging lantang gulay, naibaba ko na ang aking ulo dahil sa magkahalong sakit, pagod at takot. Ngunit ang luha patuloy pa rin sa pag agos.

Inabot niya sa kawal ang ginamit na latigo pagkatapos lumapit sya sa akin. Hinawakan ng isang kamay niya ang aking panga paitaas. Nanghihina akong tumingin sa kaniya.

"P-pakawalan mo na a-ako...h-heneral...p-pakiusap..."ngumisi lang siya.

"Siguro mag tatanda kana ngayon? Binabalaan kita, wag mo ng uulitin ang ginawa mong pag alis ng walang pahintulot ko kung gusto mo pang mabuhay ng matagal. Dahil sa susunod na mang yari ito ulit...hindi mo na maaabutan pa ang araw"

"At wag mong susubukang traydurin ako dahil masama akong kaaway tandaan mo yan"pag babanta niya. Napalunok ako at tsaka dahan-dahang tumango.

"Pakawal-"napasinghap ako ng dilaan niya ang leeg ko.

"H-heneral...t-tama na..."nauutal na sabi ko. Tumigil sya sa kaniyang ginagawa at binitawan na ang panga ko. Muli na naman syang ngumisi.

"Hindi pa ako tapos sayo"sabi niya. Nagulat ako sa sinabi niya.

"A-anong ibig mong sabihin? H-hindi paba sapat sayo ang ginawa mo sa akin? Papatayin mo na ba ako?"magkasunod na tanong ko.

"Hindi muna sa ngayon ngunit..."

"N-ngunit ano?"tanong ko. Hindi sya sumagot.

"Kalagan nyo ang babaeng ito at ikulong sya sa kulungan sa loob ng dalawang araw!"

"Masusunod, Heneral..."tugon nila. Nanlaki ang mga mata ko dahil sa kaniyang sinabi.

"S-sandali, Heneral...wag mo akong ikukulong doon pakiusap!"sabi ko. Ngunit hindi sya nag salita at naglakad na palabas.

Habang ang mga kawal ay lumapit sa akin at kinalagan nila ako. Pag katapos ipinasok nila ako sa kulungan at saka iyun sinara.

Napaiyak na lang ako dahil sa sitwasyon ko. Wala akong magawa para makatakas dito. Wala akong magawa...

Bakit ba napakahina ko?

Itutuloy...

Shinamin Empire: My last vegeance (ONGOING)Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora