Pero baka naman migraine lang na mild, gano'n? Sumasakit naman ang ulo ko kada mawawala 'yung ganoon kong vision, e. Baka iyon lang nga 'yon… I tried my best to calm myself by assuring, even though hindi naman talaga sure, na mababaw lang ito. Healthy naman ang lifestyle ko, hindi naman siguro ako darating sa puntong may malala akong mararamdaman?

Umupo lang ako at nagpahinga sa isang bench habang hinihintay na maglaho na ang aking nakikita, matapos iyon ay dumiretso na muna ako sa clinic para matulog saglit dahil nakararamdam na ako ng sobrang kirot sa ulo. Buti na lang din ay last class ko na iyong sa amin ni Aries na in-absent-an ko. Iyon nga lang ay sa daan ko papuntang clinic, napatakbo lang din ako sa comfort room para sumuka.

Two and a half hours later, I woke up feeling normal again. I decided to consult a professional about my condition dahil kahit na umayos naman na ang kalagayan ko ngayon ay hindi pa rin ako mapakali. The answer I got from online sources scared me to hell! Ayaw na tuloy mawala sa isip ko at ayaw na ring mawala ng takot na nararamdaman ko.

I took an e-jeep as my transpo para lang din comfortable ako lalo na't sobrang init pa naman. At habang traffic, I made myself busy with my phone wherein just a moment later, I received a text message from Silas. 


From: Silas

Early dismissal sa subject. Tara, eat?



From: Silas

Or eut? ^3^



Somehow, gumaan ang loob ko dahil sa humor ng isang 'to. Napaka-suplado at pa-cool kung tignan, pero kung bumanat naman sa akin ay akala mo wala siya sa sarili. Jologs. It's so not him, but cute.


To: Silas

Can't. Busy.


I don't know but I couldn't tell him what I just experienced earlier and I can't mention my plan right now. Hindi ko naman talaga pinapansin noon itong kaleidoscope vision, kung sakali na iyon man nga ang mayroon ako, kaya hindi niya alam ang nangyayari sa akin. O kung gaano man kalala ang aking nararamdaman tuwing sumasakit ang aking ulo at pipiliing matulog. 


From: Silas

Org stuff ba? It's okay, we can have it next time. Kina Maxwell muna ako, message ka kapag magpapasundo ka. Take care, angel.


"Choose your frame, 'neng."

I stood up from the chair after testing different lenses and finding which one makes my vision clear.

While trying on some eyeglasses, I couldn't help but to sweat both from relief and overthinking. Relieved that I took a consultation, and overthinked that what if I didn't consult anyone about my condition?

It turned out that the problem with me is my eyesight. Sobrang taas ng grado sa aking left eye na ikinabigla ng doktor. Hindi ko raw ba napansin kailanman na malabo na ang aking kaliwang mata, tapos malinaw naman ang aking kanan kaya hindi ko na rin siguro napapansin talaga dahil nabubuhat siya ng aking right eye.

I really didn't know. Hindi ko naman kasi ginagawa iyong pagpikit o pagtatakip sa iisang mata lang kaya hindi ko namamalayan ang paglabo ng aking kabilang mata.

"Mag-clear na square frame ka na, bagay sa 'yo, Seraphina," says someone from behind. It was Dalia's cousin from the Navarrete side of the family.

"Huy, hi! Uh, this? Sure ba?" I asked him while showing the eyeglass frame on my other hand. He nodded. "Thank you!" 

I gave the frame to the staff and mentioned that I prefer my lenses to be photochromic. After payment, I turned back to Axel who was talking to another staff member and was already holding a small bag from the optical.

Serenade in the Daylight (Old Money #1)Место, где живут истории. Откройте их для себя