Chapter 11: Obstacles

Start from the beginning
                                    

["Ah, ay tagasaan po kayo Ma'am?"]

"Dito po kami sa Bayan ng Santa Elena, sa Barangay Santa Elena din,"

["Alam ko po Ma'am ang lugar na iyan. Paano ko po mahahanap ang bahay niyo?"]

Damang-dama ni Samantha ang excitement sa tono ng lalaking nasa kabilang linya. Sa wari ni Samantha ay may edad na ito.

"Bumaba lang po kayo sa may barangay hall, ipapasundo ko na lang po kayo doon sa bayaw ko," magalang na sagot ng dalaga.

["Sige po, sige po. Pwede po akong mag-estimate bukas,"]

"Sige Mang Solomon. Magpunta na lang po kayo rito. Kung sakaling wala po ako kapag dumating kayo, i-estimate niyo na lang po ang lahat," magalang na sabi ni Samantha. "Yung mga yero po kailangang palitan, yung bubong kailangan pong lagyan ng kisame, yung mga ilaw, yung mga dingding ipapa-semento na po lahat, at ang sahig naman po ay ipapa-tiles na. Iyong mga materyales po sana na hindi naman sobrang mahal pero matibay naman po. Medyo nagtitipid din po kase kami eh," dagdag pa ng dalaga.

Dahil mura pa naman ang mga materyales, malakas ang pakiramdam ni Samantha na hindi siya gagastos ng malaki para sa gagawing renovation ng bahay.

Gusto niyang i-impress ang kanyang biyenan. Ayaw niyang may masabi ito na hindi maganda laban sa kanya. Gusto ni Samantha, kapag nag-request siya ng divorce sa anak nito, pumayag ang ginang sa gusto niyang mangyari dahil may tinatanaw itong utang na loob sa ea kanya.

["Oh sige po Ma'am, wala pong problema. Hindi niyo na rin po Ma'am kailangan humanap ng electrician. May anak po ako na electrical engineer, pwede nating patingnan sa kanya ang mga wiring niyo diyan sa bahay kung sakali,"] halata sa boses ng matanda na mabait ito kaya naman positibo ang impresyon ni Samantha dito kahit na sa telepono pa lang sila nakakapag-usap.

"Maraming salamat po Mang Solomon. Gusto ko po kaseng mabigyan ng maayos na bahay ang biyenan ko. Aasahan ko po kayo bukas,"

Pagkatapos makipag-usap ni Samantha sa maganda ay pinagmasdan naman ng dalaga ang malawak na lupain na nasa harapan niya.

"Ate, kain ka muna po,"

Lumingon si Samantha kay Arya. May dala-dala itong plato na may lamang manibalang na mangga at alamang. Biglang nangasim ang dalaga.

"Thank you. Si mama anong ibinigay niyo?"

Maingat na kinuha ni Samantha ang plato mula kay Arya. Naupo naman ang dalagita sa nakatumbang katawan ng punong mangga.

"Apple ate. Nami-miss na daw po kase niya 'yun,"

"Binalatan mo ba? Ginayat mo ng bite size?"

Lumawak ang ngiti ni Arya. Pagkatapos ay tumango ito ng sunod-sunod.

"Siguro ate ang galing mo po mag-alaga ng may sakit, no?" Nakangiting tanong ng dalagita. Dumampot din ito ng mangga noong alukin ito ni Samantha.

Umiling lang si Samantha bilang sagot sa tanong ni Arya.

"Hindi sakitin ang mommy at daddy ko. Ako. Kapag may sakit ako at gusto ko ng prutas, palagi 'yung binabalatan ng mommy ko. Ginagayat niya ng maliliit saka niya ipapakain sa akin,"

Tumango-tango ni Arya.

"Oo nga pala, Arya. Sa inyo din ba ang lupa na 'to?"

Sunod-sunod na tumango ang dalagita.

"Malaking tulong po sa amin ang mga punong ito, ate Sam. Kapag tag-rambutan, tag-mangga o tag-lansones, nakakapagbenta po kami at nakakabili ng gamot ni mama. Iyon nga lang po, 25 percent lang ng benta ang napupunta sa amin," pagkukwento ng dalagita.

"25 percent lang? Kanino mapupunta ang 75 percent?" Takang tanong namam ni Samantha.

"Sa kapatid mo ni mama. Noong pinaalis po kami sa mansyon, doon kami nagpunta sa nabiling property ni Mommy sa City. Pero nakatira na po doon ang mga kapatid ni Mommy. Dahil hindi po makapagsalita si Mommy, at wala rin naman kaming kalaban-laban, hindi po namin alam kung nasaan nga ba talaga ang papel ng mga properties. Halos lahat po ng mga ari-arian ni Mommy ay inangkin nila ate. Ang taniman dito sa likuran, kinukuha nila ang 70% at ibinibigay sa amin ang 30%. Iyon ang ginagamit namin para sa pambili ni Mommy ng mga maintenance niya," mahinang saad ni Arya.

Tahimik lang na nakikinig si Samantha kay Arya. At pansin niya na habang nagkukwento ang dalagita, nalulungkot ito.

"Apartment complex ang property ni mama sa city, ate. Noong kasama pa namin si yaya Loleng siya po ang nangongolekta sa mga upa doon. Pero simula noong mawala si yaya, sila na po ang nakinabang doon. Lahat ng mga property ni Papa ay kinuha po nila Auntie Helda at lahat naman ng mga property ni Mommy, nasa mga kapatid niya. Tapos kami, nandito sa bukid. Inaabuso ng katulong nila. Minsan, hindi na lang kami kumakain. Ayos lang 'yun, ang gusto lang namin, sumigla na ulit si Mommy,"

Tuluyan ng tumulo ang luha mula sa mga mata ng dalagita. Hindi naman napigilan ni Samantha ang mapabuntong-hininga. At naisip niya, hindi lang pala si Helda Syquia ang kailangan niyang bantayan.

Lihim na napailing si Samantha.

Mukhang napakaraming balakid ang kailangan niyang kaharapin bago makamit ang divorce kay Arem Syquia.

Tsk.

Samantha clicked her tongue.

Hindi pa siya kasal pero divorce na kaagad ang nasa isipan niya. Anyway, that's the original plan naman talaga.

Kaya lang sa dami ng mga walanghiyang kamag-anak ni Arem Syquia, mukhang hindi matatahimik ng matagal ang pamumuhay ni Samantha sa bukid na iyon.

Haist.

Hindi pa man niya nakikita si Arem Syquia ay nai-stress na siya. Paano pa kaya kung magharap na silang dalawa?!

Hmp! Subukan niya lang na huwag pumayag sa kasal at divorce na inaalok ko. Ewan ko na lang kung hindi siya manghinayang. Sa ganda kong 'to. Hindi na siya lugi ha.

The DivorceWhere stories live. Discover now