Chapter 10: First Time

Magsimula sa umpisa
                                    

Palagi ba namang luma ang mga suot nilang damit. At mula noong umalis sila sa mansion, hindi na sila nakakatikim ng bagong sapatos.

Siguro nga ay totoo ang sinabi ng Auntie Helda nila, anak sila sa ibang lalaki ng mama nila. Dahil kung iisa ang papa nila at ng kuya Arem nila, bakit ito lang ang mahal ng kanilang lolo at lola? Lumunok si Arthur.

Pakiramdam ng binatilyo ay napakapait ng layaw niya nang mga sandaling iyon.

"Pumili kayo ng kakasya sa inyo,"

Huminto sa paglalakad sina Arthur at Ariston. Nasa sakayan na sila kaagad? Bakit parang ang bilis naman yata nilang dumating?

Maang na napatingin sila sa harapan. Akmang pipili na sila ng jeep na masasakyan.

Kaya lang ay...

Nasaan ang mga jeep?

Bakit hindi paradahan ng jeep ang hinintuan nila?

Maang na napatingin ang magkapatid sa pangalan ng tindahan na nasa harapan nila.

Aling Puring's Merchandise.

At nasa loob na ng malaking tindahan ang kanilang ate Sam!

Nagkatinginan sina Ariston at Arthur. Kapwa tinatambol ang dibdib dala ng sobrang excitement na kanilang nararamdaman.

"Ariston, Arthur!"

Magkasabay na tumingin ang kambal kay Samantha. Nang mga sandaling iyon, pakiramdam ng dalawa ay nagniningning sa kagandahan at kabutihan ang fiancé ng kuya nila!

"Bilisan niyo, marami pa tayong pupuntahan!" Malakas na saad ng dalaga.

Parang nagising mula sa pagkakahimbing ang magkapatid. Mabibilis ang mga hakbang na pumasok sila sa loob ng merchandise.

"Anong gusto niyong tsinelas? Si Arya, alam niyo ba ang sukat ng paa niya? Pumili kayo ng tigisa. Hindi naman kailangang bumili ng marami. Pagkatapos pumili kayo ng sapatos. Si Arya bukas ko na lang bibilhan ng sapatos. Siya naman ang isasama ko bukas," ani Samantha habang tumitingin ng tsinelas para sa mga babae.

Matangkad si Arya, at hindi sigurado si Samantha kung anong size nito.

"Size 8 po si Arya, ate Sam,"

Napatingin si Samantha kay Ariston na namimili ng tsinelas para sa babae.

"Okay. Ako na ang pipili para kay Arya, pumili ka na ng para sa'yo. Arthur, pumili ka na din. Doon kayo pumili, mas maganda ang mga tsinelas na 'yun dahil matitibay,"

Parang iisang tao na napatingin ang magkapatid sa tsinelas na itinuro ni Samantha. Pagkatapos ay magkasabay na umiling ang mga ito.

"M-mahal po 'yun ate, dito na lang po kami sa—,"

"Iyon ang gusto ko. Doon kayo pumili," madiing sabi ni Samantha saka muling itinuro ang Islander slippers na sikat na sikat sa kabataan sa lugar na pinanggalingan niya.

"Sige na. May pambayad ako, huwag kayong mag-alala,"

Hindi ko naman ginagawa 'to dahil lang sa mabait ako. Bukod sa naawa ako sa inyo, may iba din akong agenda. Kailangang magkaroon ng utang na loob sa akin ang kuya niyo, sa ganoong paraan ay mabilis naming mapag-uusapan ang divorce.

Excited na pumili ang dalawa ng size na gusto nila. Pagkatapos nilang pumili ng mga tsinelas, pinapili naman sila ni Samantha ng isang black shoes at isang rubber shoes. Dahil may mga uniform sa tindahan na iyon ang kanilang paaralan, ibinili na rin ng dalaga ng tag-tatlong polo ang dalawa. Isang pares ng P.E uniform, tag limang sando na puti, tag tatlong pantalon at tag-limang t-shirt na pang-alis.

Ibinili na rin ni Samantha ang mga ito ng school bag na pwedeng magamit ng mga ito pagpasok sa Lunes.

Walang katapusang pasasalamat ang ginawa ng magkapatid na lalaki kay Samantha. Iyon ang kauna-unahang pagkakataon na nakatikim sila ng mga bagong gamit kaya naman sobrang na-appreciate nila iyon.


"Kami naman ni Arya ang aalis bukas para siya naman ang bilhan ko ng mga gamit. Hindi ako magaling pagdating sa mga sizes kaya tsinelas lang ang pwede kong bilhin sa kanya," Paliwanag ni Samantha noong biglang lumamlam ang mga mata ng mga ito pagkaalala sa bunsong kapatid na si Arya. "At isa pa, hindi ko rin alam kung ano ang gusto ni mama. Syempre kung mayroon kayo, dapat mayroon din si mama. Kaya mas magadang kasama ko si Arya sa pamimili,"

Saka pa lang nagliwanag ang mukha ng dalawang binatilyo. Pagkatapos mamili ng gamit ng mga bata, naghanap naman si Samantha ng Hardware at Construction Supply na tindahan. Nakailang ikot pa sila bago iyon natagpuan.

Sa halip na bumili ng gamit ay nagtanong si Samantha kay may maerereto ba ang may-ari ng hardware na pwedeng mag-repair sa bahay nila.


"Hindi ko po kase alam kung ano ang mga kakailanganin namin. Iyong bubong po, dapat palitan na lahat, ang mga dingding, ipapa-semento na po lahat, ang sahig, ipapa-tiles po namin. Hindi ko po alam kung ano at paano magkwenta ng mga gagamitin, Sir,"


"Ito, itong number na 'to Miss. Mapagkakatiwalaan 'tong si Mang Solomon. Tawagan mo lang siya, malapit lang ang barangay nila sa Santa Elena,"


Kaagad na tinanggap ni Samantha ang papel.

"Pwede po bang humingi ng pangalan at contact number niyo? Para maipakita ko po sa kanila kung saan po dapat bumili ng mga gagamitin,"

Mabilis na nagbigay ng calling card ang patpating may-ari ng Hardware.

Nang makaalis sila doon ay hinanap naman ni Samantha ang Jolly Belly at umorder ng tatlong set ng fried chicken, coke, burger, spaghetti at french fries para sa tatlong magkakapatid.

Nag-grocery din si Samantha ng mga de-lata, isang kaban na bigas, mga gulay, karne ng manok, baboy at baka, maging mga isda. May freezer sila sa bahay, nakabukas iyon pero wala namang kalaman-laman. Ibinili din ni Samantha ng mga prutas ang kanyang mother-in-law.

Pagkatapos ay sumakay na sila ng jeep pauwi.


Halos hindi maalis ang tingin ng mga tao sa kambal. Kilala ng lahat ang tatlo. Alam na alam rin ng mga ito ang sitwasyon ng kanilang pamilya kaya naman curious na curious ang lahat sa bagong salta na si Samantha.

Pero hindi pinansin ng dalaga ang mga ito.





The DivorceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon