"You go inside. Sunod na lang ako."




Tumango na lang ako kahit hindi niya nakita. Hinubad ko na ang aking seatbelt at lumabas ng sasakyan. Habang naglalakad patungong bahay ni Kuya Kel ay saktong kararating lang din ni Kuya Kean. He stopped and looked at me for a while then turned his gaze at Kuya Ken next. Napalingon din ako muli sa pwesto ni Kuya, nakayuko pa rin siya sa manibela.





Hindi tumuloy si Kuya Kean sa bahay bagkus dumiretso siya sa kotse ni Kuya Ken. Hindi ko na hinintay pa kung anong mangyayari sa kanilang dalawa at pumasok na lang sa loob. Hindi ko na rin pinansin si Kuya Kel na umiinom ng tubig sa kusina upang pakalmahin ang sarili. Dumiretso na lang ako sa aking kwarto at nagmukmok. Nawalan ako ng gana at buong maghapon na lang inisip ang nangyari.



I'm still not touching my phone, not even watching the television. Pero kahit anong gawin kong pag-iwas sa balita, hangga't may tenga ako, hindi ako makakatakas sa mga iyon. Kalat ngayon ang tungkol sa statement na inilabas ni Joaquin at ang nangyari sa labas ng coffee shop noong isang araw. Iyon ang bungad sa'kin nang makababa ako ng kwarto at naabutang nanonood si Kuya Kel ng TV.




Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin nababasa ang pinost ni Joaquin tungkol sa issue. Kahit ang mga kaibigan ko ay sinabihan kong 'wag na lang ipaalam sa'kin kung anong laman ng statement na niya 'yon. Ang bagsak lang naman no'n kapag nabasa ko ay masasaktan ako. But I'm sure as hell that it's for the best. Denying me is the least he can do...






Muli ko na naman tuloy naisip ang sinabi sa'kin noon ni Kuya Kel. Nabalik lang ako sa wisyo nang maramdaman ko ang pag-vibrate ng phone ko. It was a text message from Joaquin. It's been a while since the last time we had a conversation. Matapos no'ng gabi ng huling kita namin ay sinimulan ko na ring bawasan ang pakikipag-usap sa kanya.






I started to limit my replies until I finally got the courage to not reply at all. Pero minsan hindi ko natitiis. Pero minsan... Kaylangan ko... I was just staring at my phone screen blankly, looking at the new messages. Hanggang sa hindi ko na lang namalayan, may pumatak na lang bigla sa aking pisngi. Agad ko iyon pinunasan at nagmadaling bumalik sa kwarto upang ayusin muli ang sarili.




Nilibang ko ng ilang minuto ang aking sarili bago tuluyan nang bumaba ulit. Palabas na sana ako ng bahay ni Kuya Kel nang bigla niya akong tawagin. "You don't have work today," sabi niya matapos niyang patayin ang TV.





"Huwebes pa lang, ah," sagot ko habang nakatigil sa pinto.






"Hindi ka na raw muna magpapatuloy sa trabaho mo, delikado."



"Sabi nino?"


"Ng panganay mong kapatid. Temporary closed din ang coffee shop simula ngayon hangga't hindi humuhupa ang balita."


"Pero-"



"Keira, makinig na lang, please? Parang awa mo na, 'wag ka na umangal o kung ano pang gusto mong gawin. It's for you to be safe." Lumapit ito sa'kin. "And I hope you two have no communication from now on."



"Kami ni Joaquin?"





"May iba pa ba?"




At The End Of The String (Insomniacs Series 2)Where stories live. Discover now