"Keira, I'm sorry you need to hear this." Upo ni Kuya Kel sa aking tabi. "Kaylangan niyo na itigil ang pagkikita niyong dalawa."





Mas lalong humigpit ang aking pagkakayakap sa unan. Ito na nga ba ang isa sa mga kinakatakot kong mangyari... Para akong bumalik na naman sa umpisa kung ganoon. "Trust me, it's for your own good. Both of you," dagdag niya.





"How can you say that?"




"Because I... I've seen situations like this a lot of times," iyon lamang ang naging sagot niya bago matahimik muli ang paligid naming dalawa. "Ayoko, Kuya." Pag-iling ko na lamang. I trust him... Simula noong gabi na nagkita kami ulit... Sa mga oras na umaalis ako ng walang pasabi... Sa kabila ng katigasan ng ulo ko... Hindi ako pinabayaan ni Joaquin. He assures me safety every time we're together or not.







"You have to, Keira."





"Madali lang sabihin sa'yo 'yan dahil hindi mo naranasan ang mga ganitong bagay. Have you ever been in love, Kuya?" Umiling ako ulit, unti-unti na ring nababasa ang unan na yakap ko.






"I did and I am right now." Nang sabihin niya 'yon ay saka ko lamang siya nalingon. "I have always been. I did let go once and it wasn't easy for me, too. But I did because that's the only way I know to protect her—" Agad siyang napatigil.







"Her?" Matagal akong napatitig sa kanya. Ganoon din siya at napalunok na lamang kaysa ituloy pa ang kanyang sasabihin. "Sometimes staying is worse than setting someone free. You think about it, Keira." Iyon ang huling salita ni Kuya bago siya lumabas ng kwarto. Muli akong nahiga at natulala sa kisame. Ang gulo. Ang gulo na naman...






As the days go by, my name's spreading like a damn virus. Oo, ako 'yong virus na kusang iiwas sa lahat. I've been here. I should've known what to do but still my heart's racing because of fear whenever I stepped out of my comfort zones. Flashes of lights always caught my eyes and behind those was a swarm of strangers emerging from the shadows.






The cameras and the news clicked incessantly, capturing my every move — guarding me like I'm behind bars. Kung noon pa man ay nagtatago na kami ni Joaquin sa mata ng mga tao, mas naging mahirap ngayon. May mga oras din na kinakansela na lang namin ang mga planong magkita. Hindi lang din naman ako ang ginugulo ng mga tao ngayon, kundi siya rin. Mas lalo siya...






Hindi ako makalabas ng bahay o makapasok sa eskwelahan o trabaho nang hindi ako nagtatago sa maraming tao. Si Aggy ang sumalo sa'kin sa counter habang nanatili ako sa paggawa ng mga pagkain at inumin sa kusina.






I'm no stranger to this but it's pulling me back again in a dark place I barely survived myself. 
"Miss, totoo bang dito nagtatrabaho 'yong jowa ni Joaquin?" Rinig ko sa babaeng nagtanong kay Aggy. Pagsilip ko ay may mga iba pa siyang kasama. Halatang mga highschool pa.







Palabas sana ako ng kusina dahil break time na at aayain ko si Aggy kumain sa labas, malayo sa mga tao. May mga alam naman akong lugar kahit papaano. Hindi na ako natuloy dahil mukhang magkakagulo kapag lumapit ako ro'n. Hinintay ko na lang siyang bumalik dito at nakinig na lang sa usapan nila.






"Ate, kapatid niya raw si Kenzo Monteza? Parang hindi naman. Mukhang pangit 'yong girl, side profile pa lang, eh," puna ng isa pang babae na mukhang walang inaatupag kundi makipag-away at mag-cutting lang.







"Malas naman ni Joaquin kung sa gano'n siya mapupunta," sabi ng pangatlo nilang kasama. Parang gusto ko silang labasin at hampasin ng frying pan sa mukha habang pinapakinggan ko ang mga sinasabi nila... Ano bang alam nila sa'kin?






At The End Of The String (Insomniacs Series 2)Where stories live. Discover now