Tumango siya at inilahad sa'kin ang kanyang hinliliit. "I won't but I can't guarantee you they won't find out."





"S-sabi ko nga." Napayuko ako, nagsimula nang hangarin na sana 'wag nila malaman ang pinakadahilan kung bakit ako napunta sa ganitong sitwasyon. Huminga ako nang malalim, inangat ang ulo at nagsalita na muli. "I was... kidnapped."






I'm being careful with my words, hoping my tongue won't slip any information about my dangerous secret. Kuya also started tracing the phone number after I showed him the message I received earlier. "Must be a burner number," he said after giving my phone back.





"What do you mean by that?" tanong ko nang tignan ko ang aking phone screen. Blinock na ni Kuya ang numerong 'yon.





"It's a use and discard temporary number. It's often used by people who want to protect their personal information. Unfortunately, it can also be used by scammers or stupid living creatures like that." He pointed at the phone I'm holding. "Which is why sometimes it's hard to trace or find information about whoever that shit was. That, who texted you have a brain on using that kind of method of threat."





At pinuri niya pa nga... So, may isosoli pala talaga ako sa kanya dahil may brain naman pala siya ayon sa kapatid kong mukhang pwet. Natahimik na lamang ako sa backseat matapos no'n. Aggy comforted me by giving me some water and a hoodie. Isinandal ko ang aking ulo sa kanyang balikat matapos ko suotin.





"Thank you..." I whispered.



"We're gonna be okay," she whispered back as she hold my hand tight. Unti-unti kong ipinikit ang aking mata. Kahit paano ay naging kalmado na ang aking buong sistema. Knowing someone close to me are here now...





"Kadiri, ang putangina..." sambit ni Kuya Kel nang may tanggalin siyang bubblegum sa CCTV camera malapit sa aming front door. Pagkauwi rin ay naroon na ang dalawa naming kapatid kaya naman tuwang-tuwa itong kaibigan ko dahil nasilayan na naman niya ang ultimate crush niya.






Si Mama ay gising na rin. Nang makita ako kanina ay agad niya akong niyakap ng mahigpit. Ginamot niya na rin ang aking mga gasgas at sugat na natamo kanina nang mag-tungo ako sa kagubatan malapit sa circuit. I told them everything that had happened. Sorry rin nang sorry si Mama.





"Ma, hindi mo po kasalanan," awat sa kanya ni Kuya Kel, wiping her tears away.





"Brighter side, both of you are alive." Lumabas si Kuya Kean kasama si Kuya Ken mula sa kusina namin. "We reviewed the footages. All we saw was..." At may pinakita siya sa aming video mula sa phone niya — only a man with a black mask and bonnet covering the lenses with his gum.






"That was probably the culprit's vechile. Malas lang dahil naharangan ng mga halaman ang likod nito at hindi nakita ang plate number." Turo naman ni Kuya Ken. Tinitigan ko iyong maigi at parang nakita ko na siya noon. That déjà vu kind of feeling...





Nanatili ang lahat sa bahay buong gabi, even Aggy. Magkakatabi kami ngayon nila Mama sa dating kwarto ni Kuya Kean. As for them, I don't know if they have plans to sleep or to just stay up all night to guard the whole place. Dahil nang bumaba ako mula sa kwarto ni Kuya upang kumuha sana ng tubig ay naabutan ko pa silang tatlo ro'n na nag-uusap. Alas tres na ng umaga...







Imbis na magpatuloy ay bumalik na lang ako. Aggy's already in her deep sleep. Inayos ko ang kumot nila ni Mama saka ako naupo sa sofa na malapit sa bintana. Isinandal ko ang aking ulo ro'n at nagpakawala ng mabigat na paghinga. Hindi ko pa pinapaalam ang tungkol doon pero mukhang nagsisimula na madamay paunti-unti ang iba. Starting with my family. It gave me more reason not to dig that shit up.




At The End Of The String (Insomniacs Series 2)Where stories live. Discover now