TPIABBG #4

1 0 0
                                    

Ilang oras na akong nakatulala sa kawalan at ilang oras na rin akong pinapanood ng mga kasambahay na akala mo nanonood sila ng drama series. Hindi ko alam kung anong trip nila. Siguro, ngayon lang sila nakakita ng pangit na malungkot.

“Ms. Esme, hatinggabi na po. Wala pa rin po ba kayong balak kumain?” tanong ni ate Criselda, isa sa mga kasambahay.

Tatanggi sana ako nang biglang kumalam ang sikmura ko kaya sumubo na ako ng kanin at ulam na nasa harapan ko. Oo, sa harap ng hapag-kainan ako nagdadrama dahil nga ayaw akong payagang tumigil sa pag-aaral.

Alam kong aware ang lahat na ilang araw na akong walang gana dahil sa pamimilit kong ilipat na nila ako or patigilin na sa pag-aaral. Magtitinda na lang ako ng mga puwedeng itinda sa kapaligiran kagaya ng Kangkong chips. Inabot na ako ng Ninoy Benigno's Day sa pagdadrama.

“Mga ate, asan po si Mayordoma?” tanong ko sa mga rito at sumenyas naman silang tulog na.

“Nagbeauty rest na po siya. It seems like may kameet-up siya for tomorrow.” saad nung isa. In fairness, conyo ang ate niyo.

“Kayo po? Ba't hindi pa po kayo nagpapahinga rin? Ako na pong bahala sa pagkakainan ko. Ako na po ang maglilipit at maghuhugas.” nakakahiya naman kasi sa mga facial mask nilang nakapaskil na sa mga mukha nila with their terno pajamas that they're wearing.

“You are really meant it, ma'am?” nab-bother na talaga ako sa isang ito ah. Tumango na lang ako kaya halos mabingi ako sa buntong hininga nila na tunog makakatulog-na-rin-sa-wakas.

Kay bilis nilang nagsialisan na parang maglalakad papalayo ang mga kama nila. Hindi man lang sila nag-ask for second confirmation, pero mas maganda na rin siguro ang ganito para makapag-isip ako nang maayos lalo na't makikita ko na naman ang kupal na si Keegan Prixton Eluis.

“Arrrrgggghhhhh! Kainis ka talagang hinayupak ka! Magising ka sana kung tulog ka man at hindi na makatulog ng buong gabi. Bwisit ka!” agad akong napatutop sa bibig at baka magising ang mga people in the house kahit alam ko namang sound proof ang bawat room.

Meanwhile...

“Ah! Did just someone curse at me?” si Keegan na naalimpungatan sa mahimbing na pagkakatulog.

Wala ako sa sariling nagbibihis para sa panibagong umagang ito. Kung ang iba ay nagpapasalamat na nagising pa sila kinabukasan, pwes ako hindi. Ibahan niyo ako.

Ayaw ko na nga sanang gumising, subalit lahat ng ating mga plano ay hindi positibong plakado. May sisira at sisira nito kaya gumagawa tayo ng plan B. However, I didn't prepare anything.

“Gusto ko na lang maging lumpiang shanghai.” sambit ko habang tinitignan ang sarili sa kawalan. Eh, wala nga kaming salamin, diba?

“Lumpiang shanghai talaga, mi unica hija? Ayaw mong maging croissant or something expensive?” natigilan ako ng makita ang aking ina sa may pinto ko habang nakapostura ala Anne Hathaway.

“Mom! When did you arrive?”

“Kagabi siguro mi unica hija kaso tinaguan lang kita kaya ngayon mo lang ako nakita.” she sarcastically said kaya napaismid ako. “You are so beautiful talaga, mi unica hija.” sabay pisil sa pisngi ko.

“Why are you here? Aren't you on a business trip?” nagtatakang tanong ko kaya nalungkot siya.

“Do you remember what is the day today, mi unica hija?” kaya napaisip naman ako.

“Today is August 22, 2023. Tuesday. Almost cloudy ang weather according sa phone ko kagabi.”

“And?”

“And.., uhmm..,” napabalikwas ako sa kinatatayuan ko nang marealize ang gustong iparating ni mom. Lagot ako nito. “I-It's your birthday! Happy birthday, Mom!”

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Dec 21, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

That Panget is a Bang Bang Girl Where stories live. Discover now