“You forgot it, don't you?” nanunukat na aniya.

“O-of course not, Mom. Actually, I prepared something for you. Just wait for me after my class ends. I have a big surprise.” pagsisinungaling ko rito para hindi siya magtampo.

Minsan lang umuwi ang mga magulang ko kaya maganda i-treat ko sila, especially today is my Mom's birthday so I should do some effort for her.

“I have to go, Mom.” saad ko rito sabay halik sa pisngi niya.

“Have a nice day, mi unica hija!” she throw a flying kiss.

“Mom, kung alam mo lang talaga ang kinakaharap kung sakuna sa eskwelahan.”  sambit ko sa isip.

Pagkarating ko sa main gate ng university ay bumaba na agad ako sa sasakyan at hindi naman ako disney princess para magpababa pa sa tapaat ng building namin. Sasakay na lang ko ng tricycle sa loob. Minsan nilalakad ko lang ang papunta dun kaso bad mood ako ngayon kaya sasakay muna ako papaloob kahit hindi tayo kagandahan.

Pagkababa ko ng tricycle ay ang bumungad sakin ay mukha ni Ashley. Ano kayang ginagawa niya rito sa college namin eh dun siya sa kabila.

“Hi, bestie? Did you mess me?!” bati niya sakin kaya napangiwi ako.

“Kadiri ka, teh! Tigil mo yang pagdodroga mo.”

“Sorry, but I don't do drugs, noh?!” angil niya, but the most shocking part is, tama ang choice of word niya. The world is healing.

“Oo na, teh! So, what's your agenda for today at sinalubong mo pa ako sa tapat ng building namin?”

“Ate, birthday ngayon ng iyong mudrakels kaya alam kong may kainan later. Naghanda na nga ako ng mga pang sharon ko eh.” pagbukas niya ng bag ay puros tupperware.

Buti pa siya naalala niya na birthday ng nanay ko ngayon. Eh akong anak? Ayun, iniisip na i-drop ko na ang lahat ng subjects ko ngayon para makalipat na ng school.

Bigla akong natigilan ng maalala na need ko pa lang magprepare para sa birthday ni Mom kaya humarap ako kay Ashley at niyugyog siya.

“Ashley, I need your help?!” sambit ko rito.

“Esme naman. Iyang talsik mo lumalaway!” reklamo niya sabay punas sa mukha. Nahiya naman ako at nabahiran ng pangit na laway ang maganda niya mukha. “Hindi man ako ang wonder pets, pero tutulungan kita sa abot ng aking makakaya.” aniya sabay ngiti ng malapad. “So, ano bang kailangan nating gawin?”

“I need to prepare a birthday party for my Mom.” sagot ko.

“Yun lang pala eh. Basic lang yan, teh. Dami mong drama sa buhay. How much is your mother na ba?”

“Putangina, Ashley! ‘Wag ngayon.”

“Kimi lang, teh HAHAHAH. Pinapagaan ko lang ang loob mo. Saan ba ang venue na gusto mo?”

“Sa garden sana. Sa may likod ng bahay namin. However, we need manpower to do that. Ayaw ko namang magpatulong sa mga kasambahay at busy rin sila sa loob.” nag-aalangang saad ko.

“Then, we will help you to do that.” sambit ng lalaking nasa likod nakin kaya napatingin kami ni Ashley. It's Axel with Keegan na busangot na may malaking eye bags. Gusto ko sanang tumawa nang malakas, pero hindi ngayon ang tamang oras.

“Ay hindi na, nakakahi-”

“REALLY! Thank you so much talaga! Kailangan na kailangan talaga namin ng tulong niyo.” natigilan ako kay Ashley kaya sinamaan ko siya ng tingin, but she's not looking at me intentionally dahil alam niyang mapapatay ko siya.

“Niyo? Hindi ko sinabing tutulong-” si Keegan.

“It's okay, especially birthday ng Mom ni Esme.” si Axel and he knows my name. Gusto kong mahimatay, pero narealize ko na hindi ako maganda para gawin yun. “What time ba?” he asked me.

“Uhmm, mga 3pm siguro.”

“Tsk.” ani ng nakabusangot na si Keegan. Huwag-kang-sumama-kung ayaw-mo. Walang-pumipilit-sayo look ang binigay ko sa kaniya, pero inirapan niya lang ako. Bading ata amp.

“Good. I'll pick you up in 3 pm, then.” aniya.

“Pick you up?”

“We'll just use my car na lang through your house. Ituro mo na lang sakin Esme where is your house at. Bye-bye." umalis na sila habang hila-hila ang mokong na si Keegan.

“I think mag-order na lang tayo ng mga handa sa Food Panda at hindi na rin natin mahaharap because of school. Paorder ng carbonara ah, Esme. Favorite kasi yun ng kapatid kung bunso.” nabalik ako sa huwisyo dahil sa suggestion ni Ashley.

“Class dismissed.” sambit ng prof naming panghuli kaya agad ko namang kinuha ang mga gamit ko.

Time check: 2:30 pm.

“Hoy, Bang Bang Girl? Bakit ka nagkukumahog? Excited ka bang makita si Axel eh alas 3 pa ang usapang?” Bakit ba ako kinakausap ng bwisit na ito.

“Pupunta akong bayan. I need to buy some christmas lights to use as decoration later. If malate ako sa pagbili ay paturo na lang kayo ng daan kay Ashley at kabisado niya naman ang daan papunta samin.” sambit ko rito.

“Gagawin mo pa kaming house breaker nun. Halika at ihahatid na lang kita sa bilihan para mabilis.” aniya kaya tinignan ko siya ng madiin.

“Anong binabalak mo?”

“Wala akong balak sayo, noh? I have a premium standards at failed ka roon kaya don't assume something will happen between us.” sagot niya sabay hila sakin papuntang nmaxx niyang nakaparking sa may gilid ng building. “What are you waiting for? Sakay na?” napalunok ako kasi I have never tried sumakay sa single. “Gusto mo bang isakay pa kita?” Umiling ako.

Kahit na takot ay umangkas na ako sa kaniya. Masisira ata ang pagkatao ko rito. Lord, gabayan niyo po ako lalo na't mukhang puyat ang driver ko. Ano ba kasing ginawa niya buong gabi at mukha siyang sabog ngayon.

“Hold on tight.” sabi niya at pinatakbong ang sasakyan ng napakabilis ng nakalagpas kami sa may guard ng gate.

“MAMAAAAAAAAAA!!!!”

To be continued...












Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 21, 2023 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

That Panget is a Bang Bang Girl Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon