Chapter 7: The Audacity

Start from the beginning
                                    

Pakiramdam ni Pepita ay tumayo ang lahat ng balahibo niya sa katawan. Tama nga ang hinala niya. Isang bayolenteng nilalang ang napili ng amo niya para sa pamangkin nito na paboritong apo pa naman ng dalawang matandang Syquia!

"U-uupo na po Miss. U-uupo na po," parang maamong tupa na naglakad si Pepita patungo sa upuan na itinuturo ni Samantha kanina.

Nang makaupo ito ay tumayo naman ang dalaga. Mula sa kusina ay kumuha siya ng isang malaking bowl at isang kutsara. Muli siyang bumalik sa hapag-kainan, inilagay sa tapat ni Pepita ang malaking bowl at pagkatapos ay isinalin doon ang lugaw na nasa bowl niya. Nang maubos ay kinuha niya naman ang bowl ng dalagitang katabi niya.

"Kayong dalawa, akina 'yang sa inyo," walang kangiti-ngiting sabi ni Samantha sa dalawang binatilyo. Kaagad na dinala ng mga ito ang kanya-kanyang bowl papunta sa harapan ng dalaga. Tahimik na isinalin lahat ni Samantha ang lugaw sa malaking bowl.

"Anong pangalan niyo?" baling ni Samantha sa magkakapatid.

"Ito po si kuya Jose Ariston. Mas matanda po siya kay kuya Jeronimo Arthur ng 15 minutes," pagkatapos ituro ang Ariston, ay itinuro naman ng dalaga ang Arthur. "Mas matanda naman po si kuya Arthur sa akin ng 10 Minutes. Ako po si Juliana Aryan. 15 years old po kami at Fourth year high school,"

Juan Arem, Jose Ariston, Jeronimo Arthur and Juliana Aryan...

Inulit-ulit pa ni Samantha sa kanyang isipan ang pangalan ng magkakapatid para madali niya iyong matandaan.

"I'm Samantha. Just call me ate Sam," anang dalaga at muling ibinalik ang atensyon kay Pepita na bumababa na ang ulo.

Halatang antok na antok ito.

"Sinabi ko ba na may matutulog?!" gigil na muling hinampas ni Samantha ang lamesa gamit ang handle ng walis tambo.

Gimbal na napaupo ng tuwid si Pepita.

"Ba-bakit po?!"

"Kumain ka," marahang itinulak pa ni Samantha ang malaking bowl ng lugaw palapit sa harapan ni Pepita.

Maang na napatitig si Pepita doon.

"Miss, inilagay niyo po dito ang mga pagkain niyo?"

Awtomatikong umangat patatas ang kilay ni Samantha.

"Well, masyadong masarap kase ang pagkakaluto mo. Hindi namin masikmurang kainin. Now, eat," malumanay na sabi ni Samantha saka ngumiti ng pagkatamis-tamis kay Pepita.

Sa halip na mawala ang kaba dahil sa ngiting iyon, pakiramdam ni Pepita ay pinanindigan lang siya ng balahibo sa buong katawan.

"Miss h-hindi po ako nagugutom eh,"

Malakas na hinampas ni Samantha ang kahoy na lamesa. Pakiramdam ni Pepita ay magkakaroon siya ng mental breakdown dahil sa pagwawalang ginagawa ng bago niyang biktima na sa mga oras na iyon, ay siya na ang ginagawang biktima.

"K-kakain na po. K-ka-kakain na po ako,"

Habang dumadagundong sa lakas ng kaba ang dibdib ni Pepita ay dinampot niya ang kutsara saka sumalok ng lugaw. Dahil puro naman iyon sabaw, kakaunting kanin lang ang nakikita ni Pepita sa loob ng malaking bowl.

Iyon ba ang dahilan kaya nagwawala ngayon ang magandang mangkukulam na nasa harapan niya?

Palihim na sinulyapan ni Pepita si Samantha. Gustong-gusto niya itong kontrahin at ipakita rito kung sino ba talaga ang dapat na masunod sa pamamahay na iyon, kaya lang ay hindi niya iyon magawa lalo na at nakikita niya ang makapal na handle ng walis tambo. At ang makinis na kamay na mahigpit na nakahawak doon.

The DivorceWhere stories live. Discover now