"Samantha is right, Riel. We have to move now. At ang tattoo na sinasabi mo Pell, kailangan alam mo ng gawin bukas para masimulan na ang paglalagay sa mga estudyante," sabi ni Master Haze kay Miss Pell.

"Sure. But I need help too. I need the ingredients na tanging nasa labas lang ng academia naroroon."

"I am volunteering to find it," ani ni Sir Bliz at agad nang tumayo. "Give me the list and I'll do the rest, right now."

"Lahat ng walang gagawin ay tutulong sa paghahanap. . . Kung wala tayong mahahanap, a clue will do. . . Open your eyes wider and think of a possible place na pagdadalhan sa kaniya," sabi ni Sir Cain at nagsitanguan ang lahat. "We should also ask the soldiers outside para malaman kung nakalabas ba sila."

Arine, nandyan na ako. . .



"HOY! AYOS KA lang? Gising!" Tiningnan ko ng masama si Aeros na kanina pa ako binubulabog habang kumakain. Sila lang naman yata ang kumakain dahil ako ay pinaglalaruan ang pagkain ko.

Walang kakaiba sa inaakto nila ngayon kahit wala si Arine sa kadahilanang may nakahanda na kaming plano para roon. Ang dahilan na napagkaisahan namin ay sasabihin sinundo ito kaninang mag-uumaga ng mga magulang nito para doon muna sa palasyo nila.

At sana ay hindi maging palpak ang sinabi naming alibi dahil sa inaakto ko ngayon. I can't help it, di rin naman nila ako masisisi dahil hindi ko maitago ang emosyon ko. Buhay ang nakasalalay rito. Buhay nang taong tinuring ko ng kaibigan.

Napag-alaman pa namin kagabi na ang mga kawal ay nawalan ng malay kaya't hindi ganoong nabantayan ang academia. Iniisip namin na isa itong inside job, na sana ay hindi totoo.

"What's the problem, Sam? Kanina ka pa wala sa sarili," tanong ni Fire na nasa tabi ko matapos uminom ng tubig.

I gulp and shake my head.

"What's with this day? Bakit parang. . . you know, iba ang paligid? Parang nakakatakot?" tanong ni Lucas na ngayon ay ngata-ngata ang manok habang nakatingin sa isang direksyon. Sa mga maestro na ngayon ay seryosong nakain at tila nagmamadali.

I heave a sigh at nagmadali na ring kumain.

Ilang oras lang ba ang tulog ko? Kalahating oras lang yata kaya ganito ako at pupungas pungas pa.

"Wala nga pa lang klase. . ." sabi ko at uminom. Tapos na ako at ayoko ng dagdagan pa ang kinain. I can't eat properly while thinking about Arine.

"Eh? Bakit? Biglaan naman yata?" takang tanong ni Firexia habang nakatingin sa akin. Nagkibit balikat na lang ako dahil kung sasagutin ko pa siya ay mas madaragdagan lang ang tanong.

"I'm full." Lahat kaming nasa mesa ay napatingin sa pagtayo ni Azriel. He's now wiping his hands using the thin cloth na kasama sa ni-serve at basta na lang kaming iniwan. What's with that— oh never mind, ganiyan nga pala talaga ang ugali niya.

At hindi pa nga pala kami ayos.

"Seryoso, anong meron ngayong araw? Geez, people. . ." Aeros said and chew his meat. Si Fire ay napatigil na rin at kunot noong pinagmasdan ang paligid.

"Is it really me o ramdam niyo ring talagang may kakaiba ngayon?" she ask roaming her eyes around and it stopped with me. I just shrugged my shoulder for an answer.

"Something's off. . . I can tell. . ." agad kaming napalingon kay Aeros na biglang nagbago ang ekspresyon. Hindi na ito kumakain. Mukhang nawalan ng gana at tila naging seryoso. This is a rare scene.

"How so?" ani Fire at binaba ang hawak na kubyertos. Si Light ay napainom at ngunit tumuloy pa rin sa pagkain. Kaunti pa lang din naman nakakain niya.

They starting to feel it. Bago pa nila ako matanong, kailangan ko ng makaalis dito.

Luxious Academy 1: Realm Of The Elementals (COMPLETED)Where stories live. Discover now