Nasa isang lamesa na sina Timoteo at yung mga barkada niya. Inirapan ko ito nang ilagay ko ang order nila sa lamesa. Bakit ko ba siya pinagsisilbihan rito?! Hindi naman siya customer ah!

May umorder pa sa kabilang table ng dalawang drinks kaya pinuntahan ko iyon.

"Thank you," sabi ko sa customer.

Napatigil naman ako sa paglalakad nang makita ko ang tatlong lalaki na nasa isang table. They are whispering something while staring at me. Tumawa pa ang mga ito.

Hindi ko nalang rin sila pinansin at pumunta na sa counter para magpahinga. Kumuha ako ng tissue at pinunasan ang pawis ko.


Quesha slightly nudged me, "Kanina ka pa tinititigan ng mga lalaking 'yon, type ka siguro." Sambit niya kaya umiling ako.


"Don't mind them."

"Waiter!" Tawag ng isang lalaki mula sa table na iyon. Nakatingin siya sa akin kaya napairap ako ng palihim.

Siniko ko si Quesha para ipahiwatig sa kanyang siya na ang lumapit roon.

Napakunot ang noo ko nang bumalik si Quesha, "Ikaw raw yung gusto niyang mag-serve."

"Tell him that I'm not available."

Tumango ito at bumalik sa lalaking iyon. Inabala ko ang sarili ko sa counter para ipakitang busy ako. I sighed heavily when Quesha walks towards me.

"Sige na, Yumi." Pagpupumilit niya na parang hindi rin komportable sa nangyayari.

"Ano raw gusto?" Naiiritang tanong ko rito.

"Sampung barbecue raw at tatlong red horse."

Kumuha ako ng mga order nila at naglakad papunta sa kanilang lamesa. I can feel his gaze but I acted like I didn't notice him.

Nilapag ko ang mga orders nila at napatalon ako sa gulat nang maramdaman ko ang paghawak niya sa pwetan ko.

"Hi. Can I have your number?" He gave me a dirty look.

"What the fuck?!"


Hindi ko na pinansin ang mga nagtinginang tao sa amin dahil sa galit na naramdaman ko sasampalin ko na sana siya ngunit nagulat ako nang may biglang may sumuntok sa kanya. Napapikit ako roon at pagkadilat ko ay kita kong kwinelyuhan na siya Aldrin.

"Tangina, ang bastos mo gago." Aldrin's words shook with emotion.

Hinawakan ko ang braso ni Aldrin at kaagad niya namang binitawan ang pagkakahawak sa lalaki.

The guy laughed shamelessly. Kaagad na kumulo yung dugo ko nang makita ang ekspresyon niya. Namilog ang mata ko nang makitang nag-nose bleed siya.

"Hayaan mo na‐"

"Binabastos ka eh," He told me, his voice now steadier.


"Tangina mo ah? Gusto mo ba ng gulo?!" Hinawakan ang lalaki ng mga kasamahan niya.


Tinignan ni Aldrin ang lalaki na ngayon ay nakahawak sa kanyang panga. "You need to apologize to her, sincerely."


Nagsalita ang lalaking kasama niya, "Pre, pasensya na dayo lang rito 'to eh, kasamahan namin, pasensya na talaga-"

"I'm sorry!" Kahit na tinatago ay kita ko ang kaba na nararamdaman ng lalaki. "Ayos na ba iyon? Tangina panira, maka-alis na nga." Sambit nito at umalis kasama ang mga kaibigan niya.

Somewhere In The Haze (Aloha Haven Series 1)Where stories live. Discover now