Chapter 6: Bargaining Chip

Start from the beginning
                                    

"H-hindi po ako inutusan ni Ma'am Helda, Miss,"

Napangisi si Samantha.

This kind of person who bullies the weak and fears the strong is what she hates the most.

Base sa reaksyon ng triplets kanina, madalas ang pang-aabusong ginawa ng babaeng 'to sa tatlong magkakapatid. Samantha narrowed her eyes. Nag-iisip pa naman siya kung anong bargaining chip ang pwede niyang ibigay sa kanyang mapapangasawa para madami nilang mapag-uusapan ang tungkol sa divorce, hindi niya inaasahang tutulungan siya ng kalangitan.

Kung ipagtatanggol niya ang mga kapatid ng fiancé niya mula sa mangkukulam na kaharap. Tatratuhin niya ng maayos ang pamilya nito, at higit sa lahat hindi niya pakikialam ang mga desisyon nito sa buhay, siguro naman papayag ito na mag-divorce silang dalawa sa maayos na paraan.

Hindi ba't napakagandang plano ng naiisip niya?

Pagkatapos ng divorce, magpapakalayo-layo siya at hahanapin ang sarili niyang kaligayan. Walang balak si Samantha na umuwi sa bahay ng mga dela Vega. Pakiramdam ng dalaga, napakalaki ng utang na loob niya sa mga ito lalong-lalo na kay Daureen. Kung uuwi siya doon, siguradong mahahati sa dalawa ang atensyon ng mga ito at ayaw ni Samantha na mangyari iyon.

Matagal na panahon nang nawalay si Daureen sa kanyang mga magulang.

Dapat lang na solohin nito ang pagmamahal na dapat ay para naman talaga dito.

"Hindi ka inutusan?" Sarkastikong tanong ni Samantha? "Talaga ba?"

Napalunok si Pepita. Tuluyan ng nawalan ng kulay ang mukha nitong bilog na bilog.

Hinila ito ni Samantha at pabalyang itinulak sa lumang-lumang sofa.

Pagkatapos ay tiningnan ng dalaga ang tatlong magkakapatid na bagaman matatangkad ay pawang buto at balat na lamang. Isa-isa niyang ininspeksyon ang mga ito at hindi nakaligtas sa mapag-obserbang mga mata niya ang mga sugat at pasa sa katawan ng mga ito.

Pakiramdam ni Samantha ay sasabog ang ulo niya dahil sa mga nakita. Kulong-kulo ang dugo niya at gusto na lang niyang bugbugin ng malala ang babaeng nakaupo sa lumang-lumang sofa!

"Kailan niya pa kayo sinasaktan?" malamig na tanong ni Samantha.

Pero sa halip na sumagot ay nagyuko lang ng ulo ang tatlo.

"Lahat ba ng mga pasang 'to ay galing sa pananakit niya?" tanong niya pa ulit.

Ang dalagita ang unang tumango.

"Hah!" Napabuga sa hangin si Samantha. "Ang kapal naman ng mukha mo. Hindi ikaw ang magulang pero ang kapal ng mukha mong saktan ang mga batang 'to,"

Samantha look at the fat woman sharply. Kung nakakapatay lang ang tingin, baka nakahandusay na ito ngayon sa sahig.

"Pupunta tayo sa barangay bukas," desisyon ni Samantha. Isang malaking opportunity na ito para mapalayas sa bahay ang taong sisira sa mga plano niya. Sisiguruhin niyang mapapalayas niya ito at hinding-hindi na ito makakabalik kahit na kailan.

"H-hindi pwede!"

Halos sabay-sabay na tutol ng tatlong magkakapatid.

Umigkas pataas ang kilay ni Samantha. Awtomatikong bumaling ang paningin niya kay Pepita na biglang kumislap ang mga mata.

Ow. Why does she look so smug?

"Kasabwat niya ang mga taong nasa barangay?" Walang paligoy-ligoy na tanong ni Samantha. Alam na alam na niya ang mga ganoong kalakaran. Kaya nga walang may gustong tumulong sa kanya in her past life, dahil natatakot ang mga taong 'yun sa koneksyon na mayroon ang ex-boyfriend niyang halimaw.

Maang na napatitig sa dalaga hindi lang ang tatlo kung hindi pati na rin si Pepita. Hindi marahil inaasahan ng mga ito na ganoon kabilis mahuhulaan ng dalaga ang sitwasyon nila sa lugar na 'yun.

"Hmp!" Pepita snorted. Tila ba biglang bumalik ang confidence nito sa katawan.

"Huwag niyong isipin ang tungkol sa bagay na 'yun," ani Samantha sa tatlo. "Samahan niyo lang ako sa Baranggay at ako na ang bahala sa lahat. Ngayon, tutal naman malapit nang mag-umaga, hintayin na lang natin ang pagsikat ng araw at saka tayo sabay-sabay na magtungo doon. Ikaw, maluto ka na," ani Samantha saka tiningnan si Pepita na nakasimangot pang tumayo. Tiningnan nito mula ulo hanggang paa si Samantha saka ito nag-martsa patungo sa kusina.

"Bumalik na kayo sa kwarto niyo. Gigisingin ko na lang kayo kapag luto na ang pagkain," baling ng dalaga sa tatlo na hindi kaagad nakakibo. "Go!" udyok ng dalaga noong hindi kumikilos ang tatlo.

Kahit na labag sa loob ng mga ito, naglakad ang tatlo at pumasok sa tig-isang kwarto. Magkasama ang kambal sa isa, habang sa isang silid naman ang dalagita.

Nang makaalis ang mga ito ay sinundan naman ni Samantha sa kusina si Pepita, habang hawak-hawak ang tambo ay pinagmamasdan niya ng matiim ang bawat kilos nito.

Kahit na pagod mula sa byahe ang dalaga, hindi pa naman siya inaantok dahil ang ginawa niya lang naman sa buong byahe ay ang matulog nang matulog.

Naupo sa lumang monobloc si Samantha. Nakatitig pa rin kay Pepita. She have to settle this woman first or else, hindi magiging tahimik ang pamumuhay niya sa pamamahay na 'to kung nandito ito.

After her rebirth, walang ibang hinangad si Samantha kung hindi ang magkaroon ng simple at tahimik na pamumuhay. Masuklian ang kabutihan ng foster parents niya sa kanya at makapaghiganti sa walang kwenta niyang ex.

Nang maalala ang lalaki na naging dahilan ng mala-impiyernong pamumuhay ni Samantha noon, tiningnan ng dalaga ang cellphone na pag-aari ni Daureen. Nagtaka pa siya kanina kung bakit mukhang lumang-luma ang cellphone na nasa bulsa niya.

Saka niya lang naalala na nagpalit nga pala sila ng phone ni Daureen bago siya siya umalis. Tahimik na kinapa ni Samantha ang secret pocket sa loob ng bulsa ng pantalon. Kinuha niya doon ang simcard na ginagamit niya sa pakikipag-communicate sa damuhong 'yun.

Walang kakurap-kurap na inilagay niya sa sim card slot ang sim.

Bago pa siya bumiyahe papunta sa bayan ng adopted parents ni Daureen, tumawag na siya sa magaling na lalaki at saka nakipag-break. Nagalit ito at hindi pumayag sa gusto niyang mangyari.

Pero ano naman ang magagawa nito?

Tiningnan ni Samantha ang mga text messages ng lalaki na nagmamakaawa na huwag silang maghiwalay. Sa halip na sumagot, muling chineck ni Samantha ang inbox kung may iba pa ba itong messages doon. Lahat ng contact information nito ay binura niya.

Hindi pa nakontento ang dalaga, muli nitong inalis ang sim card at saka iyon pinutol.

Hinayaan niyang walang simcard ang phone niya dahil plano ni Samantha na bilhan iyon ng bagong sim. Wala siyang balak makipag-komunikasyon sa mga Salvador. At wala na rin siyang balak magkaroon ng contact sa mag-asawang dela Vega para makapag-focus ang mga ito sa sarili nilang anak.

Nang matapos si Samantha sa pagbutingting lumang cellphone, pinagmasdan niya naman si Pepita na napakabagal kumilos habang nagluluto. Ipinagkibit lang iyon ng balikat ng dalaga. Hindi niya ito mamadaliin tutal naman anong oras pa magbubukas ang barangay. Mas mabuti nga iyon para makatulog na rin ng ilang oras pa ang magkakapatid.

The DivorceWhere stories live. Discover now