NUEVE - THE CHEERLEADER

Start from the beginning
                                    


"Pamasok ko pa 'to sa trabaho tapos dinumihan mo pa. Ang mahal ng bili ko nito, punyetaka." Hinalamos niya ang kamay sa mukha at kinuskos, iniling-iling niya pa ang ulo para mawala ang arina sa buhok niya. "Wala na akong ibang damit, pahiram nga ako."


Nagsalubong dalawang kilay ko.


"May pasok ka pala inuna mo pa pagiging chismoso mong animal ka!" Inis kong bira. "Tyaka hoy, mas nauna ka nga nagkalat gamit yang madumi mong bibig kaya patas lang tayo. Kaya shoo! Umalis ka na kung gusto mo pa maputukan ulit."


Tinaboy ko siya pero di siya natinag at balak talaga pumunta sa dresser ko para maghalungkat ng damit. Kaya bago pa siya makalapit ay pwersa ko siyang hinila at tinulak palabas ng kwarto. Nagmamaktol pa ang kumag kaya nagawa kong tadyakan makalabas lang.


Bwisit, ang ganda ganda ng gising ko. Mangungulit na nga lang siya ng kwento walang preno pa ang bunganga.


Magaala siete na ng umaga kaya nag bihis na ulit ako gawa ng natalamsikan din ako ng arina sa damit kaya kailangan ko na naman magpalit. Nagsuot ako ng white blouse na medyo maluwag at jogger pants since may pupuntahan pa 'ko bago pumasok sa school.














"Ahhh!"


"Haaaghhh! Fuck!"


"Ouch! H'wag niyo po bilisan--ahhhh!"


Habol hininga akong dumapa sa sahig. Naligo na ng pawis ang buong mukha ko at puno naman ng sakit ang natamo ng katawan ko. Sinusubukan ko ulit tumayo pero sadyang hinahatak ako ng sahig para bumalik ulit sa pagkakadapa.


"A..ayoko na. Tama na, please." Mangiyak ngiyak kong pagmamakaawa.


Pero talagang may pagkademonita ang nakatapat kong babae na walang pagod at walang awa akong nilalabanan.


"Get up, loser."


"Tu...tulong..haaa!" Tinanggal ko ang suot kong helmet at binitawan ang fencing foil. Humawak ako sa dibdib at tumihiya ng higa para makalasap ng maraming hangin. "I surrender--"


"Shut up."


Tangina talaga, ayoko na! Dapat talaga nag skip na ako magtrain ng fencing ngayon.


"M-may pasok pa ako sa school, Miss. Baka malate pa ako--"


Mabilis ko natikom ang bibig nang tinutok niya sa mukha ko ang hawak niyang fencing foil.


"I said shut.up."


Kinakabahan akong lumunok sa ginawa niya.


Ngayon na wala akong suot na helmet ay malinaw ko nakikita kung gaano katalas ang katawan ng hawak niyang espada. Malinaw, makintab, at napakatalim. Yung tip lang ang hindi dahil may nakapulupot na rubber dito na siyang ginagamit para idiin sa katawan ko kaya ang sakit.

ANG BIRDIE NI JASTINE On viuen les histories. Descobreix ara