💕SHORT ENCOUNTER💕

2 0 0
                                        

"Oohhh please, kailan pa ba naging matino 'tong kaibigan natin, ha" matawa-tawang wika ni Avery habang pabirong tinapik ang balikat ng kaibigan na ngayon ang mukha ay di-maipinta dahil sa sama ng loob.

"Stop that, Avery" , yamot nito.

"Ito na. Titigil na."

"Bantayan raw ng section natin ang mga first year seniors sabi ni Ma'am" pag-iiba ni Eric.

"Well, we have to go right now dahil we're 5 minutes late na tayo sa section nila" puna naman ni Duke.

First year seniors building.......

"Bumaba nga kayo dyan sa roof top at tumulong kayo sa likod!" sigaw ng babae habang nakatingala sa tatlo niyang kaklase.

Tinawanan naman siya ng mga ito, "You're so cute, Nao. Matanong ko lang. Pa'no ka nakapasok sa seniors year kung gayu'y ganyan ang height mo? Hahhahahah" matawa-tawa namang sigaw ng kaklase niya.

Bigla namang dumating ang isa sa mga kaklase nila, "Hoy! Pagkayo di tumigil sa kakatawa dyan isusumbong ko kayo kay sir! Huwag niyo ngang tuksohin si Naomi!" sigaw nito habang dala-dala ang walis tingting.

"Patay, nandito na si Hera!" pagsisi-sigaw nila sa taas.

Bigla ulit bumukas ang pinto at iniluwa roon ang kakambal nito, "Nandito ka lang pala Hera."

"Hestia!" masayang salubong nito sa kakambal.

"Sigh, my two-faced twin" aniya at tinignan naman siya nito ng inosente bago binalingan si Naomi, "Naomi, Mandaline and the others are looking for you, especially Qiunette. She was waiting for you at napakatagal mo raw sa inutos niya sa iyo" pagpapa-alala niya.

"Patay, may inutos pa pala si Qiunette sa akin. Thank you, Hestia. Bye-bye!" sabay takbo nito.

Kumaway naman si Hestia kalaunan rin ay malamig niyang binalingan ang tatlong nasa taas, "Liam. Zeal. Mark. Get down here right away, baka gusto niyong sabihin ko kina Natalia ang ginawa niyo at kay Qiunette. I know you three did something about those things na ginawa niyo" may pagbabanta nito na ikina-kaba nilang tatlo.

Sa likod ng building.........

Bagot na lang na naghintay ang magka-kaibigang Margaux, "Did she get lost in the building?" di-mapigilang tanong ni Mandaline.

"Lutang pa naman 'yon" gatong naman ni Margaux.

Napasimangut naman si Kiera dahil sa sinabi ng dalawa, "Baka naman hindi" aniya.

Dumating naman ang lahat ng second year seniors at gulat sa nasaksihan.

"What the hell are they doing?" takang tanong ni Louie.

"Hindi ba obvious Louie, of course they are planting" sagot ni Avery, a matter-of-fact.

Babatokan sana siya nito ng humarang kaagad si Jacy para protektahan ang nobya, kaya naagaw nila ang pansin ng mga first year seniors.

"Ano'ng ginagawa ng mga bwisita rito?" tanong ni Natalia habang masamang nakatingin sa president ng rival section nila.

"Babysitting the immature section na kagaya namin ay isa ring seniors" malamig ngunit kalmadong sagot ni Jim.

"No thanks, anyway. We're good. No need for you all to babysit us actually" singit naman ni Qiunette.

"Shut up, Qiunette" siya ni Natalia.

"You shut up, Natalia" irita naman ni Qiunette.

Habang nagbabangayan ang dalawa hindi nila napansin ang pagdating ni Naomi, "Inette!!" sigaw niya habang yakap-yakap ang mga pack ng seedlings nang madapa ito na ikina-gulat ng lahat.

RANDOM SHOTSOnde histórias criam vida. Descubra agora