Iginiya siya ng malaking aso na sa gilid ng pampang siya dumaan. Habang lumalayo sila ay napuna niyang nagsisimulang kumitid ang dinadaanan nila. Marahil ay kalahating metrong pagbaybay sa mga nakausling bato. Ang ilan ay matatalim at ang iba ay hindi.

Saan sila patungo? O mas tamang itanong kung saan siya nito dadalhin? Sa itaas ng Patapat Viaduct ay naririnig niya ang ilang sasakyan. At kinakabahan siyang ano mang sandali ay makita siya ng mga tauhan ni Gregor—kung patuloy ito sa paghahanap sa kanya sa mga sandaling iyon.

But that was silly of her. Nakakanlungan sila ng mga bato at talahib at kung anu-ano pang malalaking bato. Mula sa kinalalagyan nila ay tatlumpong metro ang taas hanggang sa tulay. Nilingon niya ang asul na karagatan. Ang nag-aanyayang tubig. Pagudpud was famous for its beautiful beaches and blue water.

She was tempted to jump and swim. Alam niyang marungis siya. Sinipat niya ang mga palad niya. Marumi at nanghahapdi pa ang mga iyon at may mga mumunting sugat dala ng pagkapit niya sa kung anong mahawakan niya kagabi. Gayunman, kapag ginawa niya iyon, mas o menos na kung may maghahanap sa kanya ay matatanaw siya.

Quietly, she followed the huge dog. Ni wala siyang matanaw na maaari niyang masabing bahay ng amo nito. Not even a beach resort. Ilang ang bahaging iyon at hindi akma sa mga resort. Chances are—nilingon niya ang dagat sa gilid niya—mapanganib na ang bahaging iyon ng dagat.

Nawala na ang makitid na baybayin. Sa mga bato na sila namamaybay. Dalawang talampakan mula sa batong dingding na siya niyang kinakapitan sa takot na mahulog siya sa tubig.


HINDI niya alam kung gaano sila katagal na naglalakad sa mga batuhan at bundok at sa gilid ng karagatan. Marahil ay isang oras o mahigit pa. Mataas na ang pang-umagang araw. Wala siyang natatandaang may nilakad siya nang ganoon kahaba at katagal sa buong buhay niya. Dalawang kilometro yata ang layo ng nilakad na nila.

Kanina pa siya nakaramdam ng pagod at pananakit ng mga binti. Bagaman nakapagpahinga ang katawan niya sa mahabang tulog kagabi ay natitiyak niyang hindi ang diwa niya. Alam niyang binagabag siya ng mga pangyayari kahapon. Kung nakapagsasalita lang ang malaking aso, hindi siya magtataka kung sasabihin nito na binangungot siya kagabi.

Pagkatapos ay heto na naman at kay haba na ng nilalakad nila. Gusto na niyang ibagsak ang sarili sa damuhan. Subalit hindi naman nararamdaman ng aso ang pagod niya at patuloy ito sa paglakad sa mabatong baybayin.

Noon lang niya napunang hindi na nila binabaybay ang ibaba ng Viaduct. Malayo na sila mula roon at hindi na niya matanaw ang tulay na nahaharangan na ng mga naglalakihang puno. O baka naman nagtapos na ang tulay kanina pa. Iba na ang tinutumbok nila bagaman karagatan pa rin ang nasa gilid niya sa kaliwa at bundok sa kanan niya.

And when she thought she'd fall into the water out of sheer fatigue, she saw the big house. Nakatayo iyon sa ibabaw ng bulubunduking bato. Nakatunghay iyon sa karagatan. Napahugot siya ng hininga. Ang itaas niyon ay parang bantayang tore. Malayo pa iyon mula sa kinatatayuan niya. Humigit-kumulang ay isandaang metro. Subalit ang aso ay nagtatakbo na patungo roon at iniwan siya.

"Hey! Wait!" sigaw niya. Subalit nagpatuloy ang aso sa pagtakbo.

Napaungol siya, nasisindak na iniwan na lang siyang basta ng malaking aso. Wala siyang pagpipilian kundi ang sundan ang dinaanan nito. Sa pagitan ng mga bato at bundok at dagat. She must have walked for another thirty minutes or so.

Hindi na niya matanaw ang tuktok ng bahay na tila tore dahil nasa ibaba na siya ng bulubunduking bato. Kung sa bahay man na iyon nakatira ang amo ng aso, paano siya papanhik doon? Hindi na niya makita ang aso.

Tiningala niya ang mataas na bulubunduking bato. Squinting her eyes with her hands. Nakalabas na ang araw sa silangan. Napahugot ang hininga niya sa nakita. May mga mumunting waterfalls sa batong dingding at humuhugos iyon pababa sa karagatan. Ang tubig ay umaagos sa pagitan ng mga batong dinadaanan niya patungo sa dagat.

PHR GOTHIC ROMANCE: The Wolf & The BeautyWhere stories live. Discover now