Part 1 of 10

5K 119 78
                                    

This story has only 10 chapters. I hope you enjoy reading this story..

♥♥♥♥

Part 1

"Dito ang selda mo," sabi sa akin ng isang pulis. Binuksan nya ang gate na sinasabi nyang selda ko at agad na akong pumasok doon. "Mamaya kakausapin ka ni Hepe para pagbigyan ka sa hiling mo." Sinara naman na nya ang gate.

Tumingin ako sa paligid at nakita ko ang isang lalaki na seryosong nakatingin sa akin. Napabuntong hininga nalang ako. "Wag kang matakot sa akin, ako si Henry," banggit nya.

"Martin Flores pare," sagot ko.

"Anong kaso mo?" Tanong nya.

Umupo ako sa bakanteng upuan bago sumagot. "Murder."

"T*ngina! Hindi nga? Pumatay ka?"

Bahagyang natawa ako at tumingin sa kanya. "Biro lang. Holdaper ako sa labas."

"Parehas pala tayo. Eh bakit ka nahuli? Baka naman mabagal kang tumakbo."

"Hindi ako nahuli, umamin ako." Nanlaki ang mata ni Henry sa gulat.

"Walanjo. Bakit ka umamin?"

"Gusto kong magbagong buhay eh. Gusto kong pagdusahan ang mga kasalanang nagawa ko."

"Ibang klase ka, ngayon lang ako nakakita ng ganyang holdaper."

"May malalim kasing dahilan."

"Ulol! Ang dami mong alam. Ano naman yang malalim na dahilan na yan?"

"Tulad ng pag-ibig."

Tumawa naman ng malakas si Henry dahil sa sinabi ko. "Sa ating mga holdaper, hindi uso ang pag-ibig. Ang alam lang natin, droga, bisyo, sex at kung ano-ano pa."

"Ibahin mo ako sa inyo."

"Bakit? Pareho lang tayong masama. Ano naman ang pinagkaiba mo sa akin?"

.

.
Hindi ko matatawag na simple ang buhay ko dahil ang totoo, napaka-kumplikado.

"Alerto ka," banggit sa akin ni Jemar. Tatakbo na sana sya pero agad ko syang nahawakan sa braso. "S-Sandali lang, babae yan eh. Iba nalang," sambit ko.

"Tsk! Martin naman, mas maganda kung babae para hindi na makapalag!" Tumalikod sya sa akin para salubungin ang naglalakad na babae.

Umalerto naman ako. Nagmasid-masid ako sa paligid para masigurong walang makakakita sa gagawin ni Jemar. Ilang beses na naming ginawa ito pero hindi pa rin maiwasan na dagain ako sa dibdib.

"Holdap 'to!" Sambit ni Jemar sa babae habang nakatutok sa kanya ang patalim.

"W-Wag! A-Anong kailangan nyo sa akin?" Takot na takot na tanong nung babae.

"Ibigay mo sa akin yang bag mo kung gusto mo pang mabuhay." Agad din namang binigay nung babae ang kanyang bag. "Martin!" Agad na hinagis sa akin ni Jemar ang bag ng babae at dali-dali na kaming tumakbo.

"MAGNANAKAW!" Dinig pa naming sigaw nung babae.

"Dito tayo Martin!" Natatarantang sabi ni Jemar habang patuloy kaming tumatakbo. Napansin kasi namin na hinahabol na kami ng mga otoridad. Pumasok kami ni Jemar sa isang madilim na eskinita at doon nagtago.

Nang makalagpas ang mga tanod na humahabol sa amin ay agad na kaming tumakbo papunta sa bahay nila Jemar.

Tawa kami ng tawa ni Jemar nang makapasok kami sa bahay nila. Hindi naman makalimutan ang takot na takot na itsura nung babaeng ninakawan namin.

Taken Away (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon