"May buffet ba na nakakapayat?" tanong ni Voice kay Bitz.
"Magugulat ka kung sino ang may-ari ng restaurant na ito." nakangiting sagot ni Bitz.
Napagdesisyonan nilang apat na pumasok sa loob ng restaurant at kaagad silang sinalubong ng mga nakangiting crew ng resto. Puno ng maliliit na nakapasong halaman ang
restaurant at agad na naaamoy ang masarap na halimuyak mula sa mga nakalatag sa isang mahabang mesa.
"Welcome Sir Bitz!" bati ng manager ng restaurant.
"Bali heto po ang lahat ng nasa menu namin. Papunta na rin po dito si Madam."
"Matanong ko lang Ma'am, bakit po Skinny Buffet?" tanong ni Voice na hindi talaga maitago ang kuryosidad.
"Ah yun?"
"Let me explain it to them." singit ng isang pamilyar na boses at paglingon nila ay nanlaki ang mata ni Voice nang makita ang kaibigan ng ate niya - si Sue. Maayos ang
pananamit ni Sue at kahit na may dalawa na siyang anak ay maganda pa rin ang pigura ng kanyang katawan.
"Ate Sue?" mabilis na nagyakapan si Voice at Sue.
Agad namang napansin ni Sue sina Chill at H na panay ang sulyap sa kanilang dalawa. Pataas-pababang pinagmasdan ni Sue ang dalawang binata bago inilipat ang
nagtatanong niyang mga titig kay Voice.
"Sino sa kanilang dalawa?" tanong ni Sue.
"Huh?"
"Hay naku Voice nung bata ka eh mabilis kang makapick-up sa station ng utak ko at ngayong nasa edad ka na tapos hindi mo magets yung tanong ko? Sino sa kanilang dalawa
ang boylet mo?" diin ni Sue.
"Hi-hindi ganun ate. Nagkakamali ka." namumulang pagtatanggi ni Voice.
"At bakit magkasama kayo ng Kuya ng ex-love interest mo?" alam din kasi ng mga kaibigan ni Serene ang tungkol kay Gig.
"Gutom lang kami Sue." si Bitz ang sumagot.
"Don't forget to leave good comments huh. Asawa ko kaya ang nag-research ng mga paraan para lahat eh mababang calories lang. Halata naman sa katawan ko di ba?"
ipinagmayabang ulit ni Sue ang maganda nitong pigura.
"Balita ko nga na maganda ang performance ni Blake sa research department."
"Hindi mo yun maihihiwalay kay Hale." tipid na sagot ni Sue.
"So, you want to begin the feast?"
Masayang tinikman nila Voice ang halos lahat sa nakalatag na pagkain habang si Bitz ay abala na inisa-isa ang lahat ng pagkain tsaka siya may isinusulat sa dala niyang
maliit na notebook.
Habang abala ang lahat sa pagkain ay tahimik na hinila ni Sue si Voice.
"Halika nga dito." bulong ni Sue.
"Mukhang type mo naman yung dalawang kasama mo eh. So sino talaga sa kanila?"
"Wala."
Mahinang binatukan ni Sue si Voice.
"Huwag kang ganyan girl. Hindi ko mapapangasawa ang Kuya Blake mo kung hindi ako naging mapursige. Aba noon eh nakikita ko nga ang sarili ko sa iyo. Kung paano ka
kapursigido na makuha yung si Gig noon tapos ngayon eh mag-aala Rapunzel ka? Wake up girl!"
"Nagbabago ang mga tao ate Sue." tipid na sagot ni Voice.
![](https://img.wattpad.com/cover/40593994-288-k314774.jpg)
YOU ARE READING
Love Calculation
HumorAhuh! Ako na ang pasimuno sa magandang lovelife ng ate ko. Pero What happened to mine? Love is like a math problem. Matagal ng may problema si Math at hanggang ngayon ay wala pang isang henyo ang nakasagot sa problema niya. Voice Kreiss. Dakilang mo...
Problem 3 : The Damian Conspiracy?
Start from the beginning