HE COULDN'T ESCAPE

136 6 1
                                    

(author note)

This story is purely a product of my imaginative mind, and it is not based on any animated series/manga that you may have watched or read. I am creating it entirely on my own.

xoxoxo|Breakerdreamer|✓
******

SYNOPSIS

     Sakuragi's whole life revolves around being a troublemaker. He is a first-year high school student at Shohoku High, but he couldn't behave properly. Sakuragi was orphaned at an early age, and he only relies on himself to survive. He thought his life would never improve until he met Haruko Akagi, a girl he never expected to fall deeply in love with. And in that moment, he also never expected that he would be willing to do anything she wanted, even joining the basketball team that he hated so much, just for Haruko.

However, Haruko is deeply infatuated with Rukawa, who is Sakuragi's ultimate rival in everything. Despite being hurt by Haruko's disregard for his feelings, Sakuragi remains determined. What if the day comes when he gets tired? Will Haruko notice him, or will she still prefer Rukawa?

******

"Sakuragi! Pambihira, Saan ka na naman ba pupunta?" Pagpigil ni mito sa kaibigan ng makitang bagsak ang magkabilaang balikat nito habang nag lalakad sa kabilang direksyon.

"Mauna na kayo, hindi ako papasok." Tamad na sagot ni sakuragi habang nakababa parin ang balikat.

Nagkatinginan naman ang apat bago mabilis na ang lakad at inunahan si sakuragi para lamang makita ang itsura nito.

Sabay na nanlaki ang mata ng apat sa nakitang luha sa mata ni sakuragi. Hindi nila mawari kung ano ang mararamdaman nila sa kalagayan ng kaibigan.

"Ayaw ko nang manligaw, pang ilang beses ko na itong subok pero ni isa wala parin akong nagiging shota." Ngitngit na saad ni sakuragi bago sinipa ang malaking bato na nasa tabi ng kalsada.

Napaiwas nang tingin ang apat, kapansin pansin rin ang kanilang pagpipigil ng tawa dahil baka magalit pa si sakuragi sakanila at ma'head butt pa sila.

Bumuntong hininga si mito bago inakbayan si sakuragi..

"Hanamichi, parang hindi ka naman kasi nag seseryoso eh! Lahat ng pinopormahan mo na babae,  dinadaan mo sa takot kaya hindi ka nila magawang seryosohin. Tapos basta mo nalang lalapitan at itatanong kung pwede siyang maging 'shota' pambihira! Mawe'weirduhan talaga sayo ang mga girls." Anas ni mito sabay iling iling kay sakuragi

"Uh huh! Hmm hmm.." sang ayon ng tatlo sa sinabi ni mito

"Eh mga siraulo pala kayo e, sainyo ako humingi ng tulong, sinunod ko lang mga sinabi niyo." Inis na saad ni sakuragi bago binatukan ang mga ito.

"Pag sayo kasi nang galing parang may mali e." Sabi ni takamiya kay sakuragi na ikinangiwi ni sakuragi.

"Wow ha!? Lapitin kaba, tabachoy? Kung makapag salita ka, eh ikaw nga unang nilalayuan ng mga babae pag nakikita ka e." Laban naman ni sakuragi pabalik na ikinausok ng ilong ni takamiya

"Mayabang ka, hanamichi. Bugok ka naman." Saad nito habang pinipigilan siya ng dalawa na sumugod kay sakuragi.

"ANONG SABI MO, TABA!!" giit ni sakuragi sabay head butt kay takamiya, nadamay pa ang dalawang humahawak kay takamiya kaya lumpasay silang tatlo sa semento.

"Huminahon ka sakuragi, imbes na mag bulakbol tayo bakit kaya hindi tayo pumunta ng school. Ang dami na nating absent, gagalitan ako ng ermats ko." Saad ni mito na kaharap si sakuragi na magkadikit parin ang dalawang kilay.

"Tsk! tara na nga, mamaya niyan kulitin niyo pa ako sa mga nangyari sakin." Pangungunang saad ni sakuragi bago ito nagpatiuna sa paglalakad.

Naiiling na lamang ang mga kaibigan dahil sa inaasta ni sakuragi, ilang beses ba namang nareject e. Hindi naman panget si sakuragi, natatakot lang talaga ang mga babae sakanya dahil baka madamay sila sa gulo na meron si sakuragi.

HE COULDN'T ESCAPEWhere stories live. Discover now