Chapter 20

216 6 0
                                    

Chapter 20

Hawak ni Nikolaus ang kamay ko habang pababa kami ng hagdan. Sobrang higpit nga ng pagkakakapit niya sa kamay ko na tila ayaw akong pakawalan. Tila ayaw niya rin akong mawala sa paningin niya lalong lalo na sa tabi niya.

Alam kong delikado pang manatili rito... pero kahit anong pilit ko sa sarili ko na umalis na at iwanan na siya... hindi ko magawa.

"Nikolaus, saan na tayo pupunta?" Nagtanong ako.

"To the laboratory. It's much more safier there than here." The laboratory. Iyon 'yung siya lang at sina Briggs lang ang puwedeng pumasok. Hanggang ngayon, curious pa rin ako kung ano ang mayroon sa loob niyon.

Tango nalang ang tanging naisagot ko kay Nikolaus habang hawak niya pa rin ang kamay ko papunta roon.

Pagkapasok namin sa loob ng laboratory, nandoon sina Theron at Briggs. May ginagawa sila na hindi ko matukoy kung ano dahil nasa loob pa sila ng isang room na puro glass lang ang nakaharang kaya matatanaw mo pa rin sila mula rito sa labas.

"Anong ginagawa nila?" Curious kong tanong.

"A formula." Napakunot ang noo ko.

"Formula?"

"I'll tell you later. Can you stay here for a while?" Pinaupo niya ako sa couch. Tumango naman ako at tumahik nalang. Ayoko rin naman manggulo sa kanila lalo na sa sitwasyon ngayon.

Pumasok si Nikolaus sa room kung nasaan sila. Nakita ko pang lumingon sa akin si Theron at tila nagbago ang anyo nang makita ako. Mukhang hindi siya natuwa na dinala ako sa laboratory ni Nikolaus.

Bukod sa glass na makikita rito sa loob, puro puti rin. May parte rin sa bandang dulo na walang ibang lumalabas kundi usok? Kung titingnan mo iyon na mabuti, para iyong malaking refrigerator.

Ano kaya ang mayroon doon?

Nang makitang abala sila sa ginagawa nila, curious akong lumapit dito para tingnan kung ano ang mayroon sa loob niyon. Habang papalapit ako nang papalapit, mas lalo kong nararamdaman ang lamig na nagmumila rito. Ngunit hindi pa man din ako tuluyang nakakapasok dito ay nakarinig ako ng taong nagsalita mula sa likod ko.

"Are you that curious about what's inside?" It was Theron. Lumingon naman ako sa kanya.

"Ano nga ba ang mayro'n sa loob?" Curious pa rin ako. Imbes na sagutin ako, lumapat lamang ang ngisi sa kanyang labi.

"A deadliest poison that I can use to you." Napakunot agad ang noo ko.

"Deadliest poison?"

"It was a poisonous drug called Botulinum Toxic. It's the world's most dangerous poison that can kill a human."

"Hindi ko maintindihan..." naguguluhang sabi ko. "G-Ginagamit niyo ba 'to... para pumatay ng tao?" Mas lalong lumaki ang ngisi sa kanyang labi.

"It depends on the person." Mas lalong napakunot ang noo ko. "A kilogram of this cause a million of dollars."

"Nagbebenta kayo ng ganitong... d-drug?" Hindi ako makapaniwala.

"Nope. Only the antidote."

"In Italia, this kind of drugs was my parents all doings. They are the mastermind of this and executed the drugs to the whole world," lumabas si Nikolaus at lumapit sa amin habang sinasabi iyon. "Doctors treat botulism with a drug called an antitoxin, which prevents the toxin from causing any more harm. But antitoxin does not heal the damage the toxin has already done. Depending on how severe your symptoms are, you may need to stay in the hospital for weeks or even months before you are well enough to go home." Pagpapatuloy niya pa, pinapaliwanag kung ano talaga itong drug na nabanggit ni Theron sa akin kanina lang.

Hide and Seek (A Dark Mafia Needs A Wife) - CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon