Chapter 3 - Goodbyes

2 1 0
                                    

--CHAPTER 3--

Goodbyes

Nagising ako sa ingay ng mga ibon sa labas. Nang bumangon ako ay biglang sumakit ang ulo ko. Napapikit ako dahil sa sakit nito.

Habang nakapikit ako ay naalala ko ang aking panaghinip. Nakaramdam ako ng kalungkutan. Sayang... sayang dahil panaghinip lamang iyon. Gusto kong makalimutan ang lahat ng problema ko doon...

Namiss ko na si Mama. Gusto ko na siyang makita ngunit wala na akong magagawa dahil inilibing na siya kahapon. Grabe yung iyak ko kahapon. Doon ko nalaman na hindi pa pala na ubos mga luha ko, unlimited ata.

Si Tita Sharie ang nag-asikaso sa lamay ni Mama. Sa paglamay kay mama ay sa kwarto lang ako at hindi ako masyadong lumalabas. Pinapadalhan lang ako ng pagkain ni Tita. Of course, binibisita ako nila Aye at Ake.

Tumayo ako at lumabas sa kwarto. Naglakad ako pababa sa hagdanan at nakita si Tita na nagluluto ng umagahan. Noon, si mama iyon... tuwing umaga, sasabihan niya ako ng, "Uy, gising na ang moon ko" tapos bibigyan ako ng kiss.

"Oh, gising ka na pala" sabi ni Tita at ibinaba ang sandok upang yakapin ako. Hinimas himas ang aking buhok.

Na-miss ko ang aking Tita. Ilang taon na nang huli ko siyang nakita, mga apat na taon na. Siya ang tanging kapatid ni mama at siya ay nakatira sa siyudad dahil doon siya nag trabaho... habang kami ni Mama ay dito lang sa bayan.

"Ano? Ready ka na ba?" Tanong niya.

Kumalas ako sa yakap niya at yumuko. "Pwede ho bang makausap ko muna sina Ake at Aye?" Tanong ko.

"Oo naman" Sabi ni tita habang tinatapos ang pagluluto.

Ngumiti ako. "Sige Tita"

Sabi ni Tita ay doon na raw ako tumira sa bahay nila sa siyudad. Doon na rin daw ako magpapatuloy sa pag-aaral.

Si Tita Sharie ay may pamilya. Mayroon siyang dalawang anak na sina Kuya Fier at si Ate Fiorie. Sila ay mababait kagaya ni Tita.

Ayaw ko mang iwanan ang lugar na ito ngunit kailangan kong sumama kay Tita at magsimula muli.

Magsimula muli... nakakatakot ang change. Hindi mo kasi malalaman kung makakabuti ba ito sayo o hindi. Pero ang change ay nandiyan for a reason. Naniniwala ako diyan.

--

"Mami-miss ka namin Selena Amethyst Calamba" sabay na sabi ng kambal. "Lalo na sa grey eyes mo"

"Ano naman ang trip niyo at bakit kailangang sabihin ang full name ko?" Pati pa kulay ng mata ko, sinabi.

Naalala ko, sabi nila, foreigner daw Papa ko. Kapag tinatanong ko kay Mama, palagi niyang sinasabi, "Grey ang mga mata mo kase always kong ina-admire ang moon noong buntis pa ako. Nakuha mo sa moon"

So moon ang ama ko?

Tumawa sila. "Gusto lang namin na memorable ang sinabe namin" Sabi ni Aye.

Nandito kami sa kwarto ko at nakahiga sa higaan. Ako ang nasa gitna.

"Baka makalimutan mo na kami ah" ani Ake.

"Hindi no! Bakit ko naman kayo kakalimutan?"

"What if doon mo makikita ang forever mo? Ayieeee" tukso ni Aye. Hayy, magkambal sila ni Ake pero kabaliktaran ang mga priorities.

"Hayyy, 'yan nalang talaga nasa isip mo Aye?" ani Ake.

"Sino pa ba? Edi siya" ani Aye at ngumiti.

"Ha?" Napakamot nalang sa ulo si Ake. Ako naman ay napangiti.

"Basta Selena, always mong tatandaan na andito kami ah. Pag may problema ka, sabihin mo sa amin..." sabi ni Ake.

"I-update mo rin kami sa mga pangyayari ha. Pag may crush ka, sabihin mo lang..." sabi ni Aye.

Hindi ko sila kakalimutan... hindi ko rin sila papalitan.

"Mahal ko kayo... my moonlights" sabi ko at niyakap sila.

"Mahal ka rin namin... Moon" sabi ng kambal na lumuha na.

--

Lost In Your WorldOù les histoires vivent. Découvrez maintenant