Chapter 1 - Consequences

8 3 0
                                    

--CHAPTER 1--

Consequences

Naglalakad ako pauwi galing sa school. Habang naglalakad mag-isa, may taong tumawag sa akin.

"Selena!"

Paglingon ko ay nakita ko si Akesh, tumatakbo patungo sakin. Huminto muna ako sa paglalakad at hinintay na maabot siya sa akin. Nang nasa tabi ko na siya, tinanong ko siya kung ano ang problema.

"Iniwan na kasi ako ni Ayesh. Akala ko nagkasabay kayong naglakad" Sabi niya.

Nagsimula na kaming maglakad.

"Ahhh, oo nga. Nagkasabay kaming lumabas, pero nakita niya si Kevin. Sabi niya-" hindi pa ako tapos sa pagsasalita ay nag react siya.

"Ayan! Inuuna niya boyfriend niya kaysa sa atin!"

Hinaplos ko ang likod niya. "Okay lang yan, Ake. Magkakaroon ka din ng ganyan" Sabi ko na may halong tukso.

"Ayoko no! Mas importante kaya ang studies kaysa sa jowa" Sabi niya.

Napatawa nalang ako nang marahan. Kambal sila Akesh at Ayesh pero magkaiba naman ang mga mindset. Sila lang ang friends ko simula bata pa. Wala rin akong planong palitan sila o dagdagan ang friends ko.

"Hi!"

Nagulat kami ni Akesh dahil bigla na lang sumulpot si Ayesh sa gitna namin.

"Hoy, saan ka galing?" Si Ake, na parang ina kung maka akto.

"Nakipag usap lang kay Kev... ito naman. 'Wag kanang magalit sa akin oh" si Aye, na sinusuyo si Ake.

Napahinto ako sa paglalakad at napahinto rin ang kambal. May mga pulis at ambulansya sa tapat ng bahay namin. May mga kapitbahay na nakapalibot na nagchi-chismisan.

"Anong mayroon?" Tanong ni Aye.

Ang puso ko ay hindi makapalagay dahil kutob ko na may nangyaring hindi maganda. Tumakbo kaagad ako patungo sa bahay namin.

"Hoy, Selena!" Sigaw nila Ake at Aye ngunit hindi ko sila pinakinggan.

Pagkalapit ko ay lalong hindi napakali ang bugso ng aking puso. Tumulo ang aking luha sa sumunod na nakita.

Binuhat ng mga tao ang mama kong may tama ng baril sa katawan.

"Mamaa!" Sigaw ko. Ibinaba ng mga tao ang aking ina. Pagkababa ay niyakap ko ito. 

"Dead on the spot, Sir" Sabi nung isang nagbuhat kay mama.

Lalo lang akong napaluha. Ang mga luha ko ay nagpapalabo ng aking paningin. Gustohin ko mang buhayin ulit ang aking ina ngunit kung ito ang dapat na mangyayari ay wala na  akong laban dun. Napaupo nalang ako sa lupa, patuloy na umiiyak.

Si mama nalang ang mayroon ako. Nawala pa. Ano na ang gagawin ko sa buhay kong ito kung ang aking tanging inspirasyon ay wala na?

"Ma, Ma. Gumising ka. Ma, 'wag ka namang gan'yan ma. Huwag mo akong iwan"

May dalawang tao na lumapit sa akin at hinaplos ang aking likod.

"Maa, Maa" paulit ulit kung tawag kay mama, nagbabakasakali na gumising ito.

"Iha, dadalhin na namin mama mo.." paalam nila. Dinala na nila ang mama ko sa loob ng ambulansya.

"Pasensya na iha, hindi ka makakasabay sa iyong ina. May iba ka bang kapamilya o kamag-anak iha?" Tanong ng pulis ngunit hindi ko ito pinansin. May mga tanong pa ang pulis pero sina Aye at Ake na ang nagsagot habang ako ay patuloy sa pag-iyak.

Bakit ba kailangang mawala ni mama? Una, iniwan kami ni papa. Ngayon, si mama. Paano na ako? Gusto kong sumama kay mama.. Ano naman ang silbi ko sa mundong ito kung ang dahilan ng paglaban ko sa buhay ay wala na?

"Sir, sabi ng mga kapitbahay ay mayroon daw mga taong pumunta sa bahay ng biktima. Ang mga taong ito ay naka mask at shades kaya hindi nila namataan ang mga itsura. ..." rinig kong sabi ng isang pulis.

Pinatay... ang aking ina... S-sino? Bakit? Hindi naman isang masamang tao si mama upang patayin...

Ako ay unti-unting nahihilo dahil sa mga pangyayari. Sumisikip ang aking dibdib at hindi ako makahinga nang maayos...

Nanghina na ako ng tuluyan at naging itim na lang ang lahat...

---

Lost In Your WorldWhere stories live. Discover now