Part 10

674 34 2
                                    

Jessica:   (3 months later)

pagkatapos nang araw na yun biglang gumuho lahat ng pangarap ko, lahat ng gusto kong marating parang bulang naglaho..

you are pregnant...salitang nagpahinto ng mundo ko, uo buntis ako, nabuntis ako nang akala ko panaginip lang.

simula ng araw na yun tinalikuran ko lahat ng magagandang bagay na nag aabang sa akin, nasira lahat ng pinaghirapan ko, lahat ng pinagpaguran ko nabalewala ng ganun ganun nalang..

jessica ano ba bilisan mo dyan..sigaw ng tita ko, nandito kasi ako sa bahay nila ngayon, umuwi ako dito nung malaman kong buntis ako..

opo tita..nahihirapang sagot ko, nahihirapan ako sa pagbubuntis ko,sabi ng doctor kailangan ko daw mag ingat dahil maselan ang pagbubuntis ko..

ano kaba naman mag ayos ka nga..parating na si james..inis na sabi ni tita kaya napahinga ako ng malalim, si james yung anak nang pinakamayang tao dito sa lugar nila tita, nakilala niya ako nung unang buwan ko palang dito, nagkabanggaan kami sa plaza nung sinama ako ni tita..

simula nung araw araw na niya akong kinukulit.

bakit ba siya pupunta dito tita?..takang tanong ko saka umupo sa upuan na nasa harap niya, hindi ako makatayo ng matagal..

pag uusapan yung kasal niyo..seryosong sagot niya kaya nanlaki yung mata ko

kasal? paano nangyari yung tita? wala naman kaming pinag uusapan tungkol dyan..tarantang sabi ko kaya sumama yung mukha ni  tita..

nagbigay siya ng pera sa akin, kapalit nun yung magpakasal ka sakanya, saka jessica pabor na sayo yun, magkakaroon ka ng magandang buhay at yang magiging anak mo..galit na sigaw ni tita kaya napatayo ako..

ano? binenta mo ako ganun ba tita? sobra naman po kayo, kung ayaw niyong nandito sana sinabi niyo! hindi yang ganyan ang gagawin niyo sa akin..galit na ring sabi ko, pero nagulat ako nung bigla niya akong sampalin..

wala kang utang na loob, baka nakakalimutan mo nandito ka sa pamamahay ko..galit na sigaw niya, napahawak naman ako sa pisngi kong sinampal niya..

hiyang hiya naman po ako sa utang na loob na yan, ilang buwan palang akong nandito at nagbibigay naman ako nang panggastos dito sa bahay tapos wala akong utang na loob? simula ba nung suportahan ko yung pag aaral ng mga anak niyo may narinig ba kayo sa akin?..paliwanag ko at naiiyak na sa sama ng loob pero lalo lang nagalit yung mukha niya..

bastos ka lumayas ka dito sa pamamahay ko..sigaw niya kaya pumikit ako at huminga ng malalim, gusto ko lang naman munang lumayo sa magulong mundo ko kahit saglit lang pero mas magulo pa pala tong napuntahan ko..

aalis talaga ako at hinding hindi po ako susunod sa gusto niyo..matigas na sabi ko saka siya tinalikuran, kailangan kong umalis sa lugar na to, kilala ko ang pamilya de jesus, alam kung hindi ako titigilan ni james hanggat hindi niya nakukuha yung gusto niya.. james elliazar de jesus nag iisang anak na lalaki ng pamilya de jesus at pinakamayamang pamilya sa lugar na to..

pagkatapos kong iayos lahat ng gamit ko nagmadali akong umalis ng bahay nila tita, dahil alam kong pag naabutan pa ako ni james dun hinding hindi na ako makakaalis..

best nasan kana? si kyla sa kabilang linya, tinawagan ko agad siya kanina nung pag alis ko sa bahay nila tita, wala naman akong ibang tatakbuhan kundi sakanya lang.

nasa bus na ako best..tipid na sagot ko habang nakahawak sa tiyan ko, nakakaramdam ako nang konting sakit.

sa tatlong oras na biyahe mula sa lugar nila tita hanggang sa lugar namin hindi nawala yung kaba ko na baka habulin ako ni james, wala akong balak magpakasal sakanya, kaya kong buhayin ang magiging anak ko, at kahit ganung yung nangyari wala akong pinagsisisihan na dumating siya sa buhay ko..

pagdating ko ng bahay hinayaan muna ako ni kyla na makapagpahinga dahil kita daw sa mukha ko yung sobrang pagod at nag aalala siya sa magiging inaanak niya, hindi muna siya nagtanong kung bakit bigla akong umuwi..

ok kana?tanong ng bestfriend ko nung  makita akong lumabas ng kwarto,tumango lang naman ako bilang sagot saka naupo sa tabi niya.

akala ko safe ako sa sarili kong pamilya pero hindi pala, gusto ni tita ipakasal ako kay james..seryosong sabi ko kaya napaharap bigla sa akin si kyla..kilala niya si james dahil naikwento ko na sakanya,siya rin yung may sabi na wala siyang tiwala sa taong yun..

nakakaloka yang tita mo! sa lahat ng nagawa mo para sakanila tapos ganun yung gagawin niya sayo sa inyo nang inaanak ko...inis na sabi niya kaya napahinga ako ng malalim., hindi ko din akalain na magagawa sa akin yung ng mismong kapatid ni papa..

sumama nalang kayo sa akin sa japan, dun magbabagong buhay tayo..

YOUHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin