Part 4

964 35 5
                                    

Jessica:

hindi parin ako makapaniwala sa resulta, seryoso? napili ako?..

hui best ano tulala?..si kyla habang naglalakad kami papunta sa grocery store, kahapon yung pinuntahan naming event at hanggang ngayon para parin akong nananaginip..

sabi ko naman kasi sayo sa atin yung isang spot dun, ikaw naman kasi wala kang bilib sa sarili mo..daldal niya kaya natawa ako, hays buti nalang may bestfriend akong naniniwala sa kakayanan ko.

uo na uo na , ikaw na yung swerte sa akin..natatawang sabi ko kaya yung ngiti niya abot hanggang tenga..

ay matagal ko nang alam yan best..sabay hawi ng buhok niya kaya mas lalo akong natawa, buti nalang talaga nandyan para alalayan ako..

napatigil naman kaming dalawa sa pagdadaldalan nung  biglang magring yung phone niya, pinakita niya sa akin yung caller id, sa wong empire yung caller..

hello good day ma'am ireremind ko lang po kayo about sa dinner mamaya..boses ng isang babae sa kabilang linya, kaya yung best friend ko abot tenga yung ngiti.

ahh yes po ma'am..thank you..sagot niya pabalik, binigay lang yung pangalan ng resto at ibang details bago binaba yung tawag.

may pa dinner kasi sa lahat ng model na pumunta kahapon.

eto na talaga best, malapit na tayo sa katotohanan..kinikilig na sabi ni kyla na may patalob pa kaya natawa ako.

best thank you ha..nakangiting sabi ko mabilis naman siyang ngumisi ng nakakaloko..

eehheemm  siguro naman best tataas na yung talent fee ko..ngising sabi niya kaya napahagalpak ako nang tawa, sabi ko na yun yung sasabihin niya e..

uo naman noh, alam ko naman yun..at ang bruha yumakap sakin saka tumalon talon, parang baliw lang.

pagkatapos naming mag bumili nang mga gamit sa bahay na wala na umuwi na din kami agad dahil sobrang excited tong bestfriend ko sa pupuntahan namin, sino ba namang hindi maeexcite eh sa isang luxury hotel and resto yung venue, hindi naman nakakapagtaka dahil pag aari yun ng wong empire.

susulitin ko talaga yung stay natin dun..si kyla habang nag aayos ng gamit niya, nandito na kasi kami sa bahay at nag aayos na nang gamit naming dalawa, dun kasi kami mag oovernight.

masaya naman akong nakikita siyang ganito, sa mga hirap ba naman nang pinagdaanan naming dalawa deserve niya yung ganitong pahinga., si kyla na kasi yung nakasama ko nung nawala sila mama at papa, may mga kamag anak naman ako pero ayaw ko namang lumapit sakanila dahil aminin man natin o hindi may mga kamag anak talaga tayong mababa ang tingin sa atin at hindi tinuturing na kamag anak.

sa dami naming napagkwentuhan hindi na namin namalayan yung oras, kaya pareho kaming nagmadali kasi baka mamaya matraffic pa kami nakakahiya kung late kaming dadating sa venue.

wow best bongga..si kyla pagpasok namin sa d' wongst hotel and resto..

maam pangalan po?..tanong nang receptionist 

jessica galanza po..sagot ko, tiningnan naman niya yung computer na nasa harap niya.

maam room 315 po..magalang na sabi niya saka inabot yung keycard..

maam exactly 7:00pm po pumunta kayo sa function hall..nakangiting sabi niya kaya ngumiti din ako at sinabing ok, ang babait at galang naman ng mga receptionist dito..

hayyyysss ang lambot..sigaw ni kyla nung patakbong pumunta sa bed saka pabagsak humiga, napangiti naman ako sa ginawa niya para siyang batang naibigay yung gusto, napakaganda naman kasi ng kwartong to, siguro sobrang mahal din nang bayad sa pagstay dito..

grabe best ang sarap dito..manghang sabi niya habang nandito kami sa may viranda, ang ganda view at sobrang nakakarelax..

best mauna kanang maligo ha..utos niya sa akin nung maupo na kamo dito sa loob, malapit na din palang mag 7:00pm kaya tumayo na ako para maligo..

pagkatapos naming magbihis bumaba nadin kami para pumunta sa function hall,nakita ko na din yung mga model na kasama namin kahapon, kanya kanya na kaming bati sa isat isa.

si ced at michelle agad yung nakasundo ko sakanilang lahat kaya ngayon kami yung magkakasama dito sa table, tamang kwentuhan at tawanan kaming apat.

bottoms up..sabay sabay naming sigaw nung itaas namin yung mga hawak naming glass wine.

para sa tagumpay..sigaw ni kyla kaya natawa kami, maiingay na din yung mga nasa kabilang table, mga lasing na at sa totoo lang marami naring kaming nainum..

oh my G nahihilo na ako..si ced habang nakahawak sa ulo niya..

me too..si mg pero sige parin sa pag inom..

ang hihina niyo naman..si kyla pero halata sa boses niya na lasing na..

ako? eto ako parin at nakayuko na dito sa table, lasing na ako, as in hilong hilo na..

kyla tara sa kwarto hindi ko na kaya..lasing na boses na sabi ko at pipikit na rin yung mata ko..gggrrr hindi ko alam na ganun pala kalakas yung tama ng wine na nainum ko..

mauna kana best mamaya na ako dali na..taboy niya sa akin at inalalayang tumayo, seryoso ba siya hindi niya ako ihahatid? jusko hilong hilo na talaga ako, bahala na kaya ko naman sigurong makarating sa kwarto.

hoy best wag mong ilolock yung pinto ha..huling sigaw ni kyla na narinig ko..

pagdating ko sa kwarto bagsak akong napahiga sa kama, hindi ko na talaga kaya hilong hilo na ako..

YOUWhere stories live. Discover now