Chapter 21

13.4K 489 63
                                    

Kester

"TSS, sabi ko naman sayo tama na eh. Ang kulit mo. Hayan lasing ka na." Palatak ko habang inaalalayan si Crizel na sumusuray ng maglakad palabas ng club.

Nakapitong bote lang sya ng light beer at heto lasing na lasing na. Mabilis syang malasing. Gusto ko rin sisihin ang sarili ko dahil hinayaan ko lang sya. Ayoko lang naman kasing mainis sya sa akin.

"Hindi nga ako lashing. Nakainom lang ako."

"Kung di ka lasing bakit di ka makalakad ng diretso?"

"Bitiwan mo ko maglalakad ako ng diretsho." Aniya ng makalabas na kami ng club. Pumipiglas pa sya sa akbay ko pero di ko sya binitawan dahil baka mabuwal sya.

"O huwag ka ng malikot." Saway ko sa kanya.

"Ikaw kashe hinahamon mo ko eh.. Teka yung bag ko pala naiwan sa loob." Lumingon sya sa club.

"Nasa akin ang bag mo." Sabi ko at pinakita ang bag nyang hawak ko.

Ngumiti naman sya. Namumungay na ang mga mata nya sa kalasingan.

"Thank you. Akin na yan." Akmang kukunin nya ang bag pero iniwas ko iyon.

"Ako na ang magbibitbit."

"O..kay."

Giniya ko na sya sa parking lot kung nasaan ang sasakyan ko.

"Shayang di ako nakashayaw. Ang ganda pa naman ng tugtog kanina. Ikaw kase eh. Nag aya ng umuwi." Reklamo nya.

"Tss, as if naman payagan kitang sumayaw."

Lumingon sya sa akin. "Bakit hindi mo ko papayagan?"

"Paano kung mabastos ka ng mga lalaki dun? Eh di napaaway ako." Sabi ko.

Kanina nga lang may mga lalaki ng patingin tingin sa kanya eh. Hindi lang makaporma ang mga ito dahil sinasamaan ko sila ng tingin. Subukan lang talaga nilang lumapit lalabas sila ng club na mga basag ang mukha.

"Aww.. concern ka pala shaken."

"Of course. Future boyfriend mo ko kaya dapat pangalagaan kita."

Humarap sya sa akin at dinutdot ng daliri ang dibdib ko.

"Future boyfriend ka dyan. Shiguradong shigurado ka na magiging boyfriend kita ah."

Ngumisi ako. "Bakit magiging boyfriend mo naman talaga ako ah."

"Ang kapal mo." Nakangusong sabi nya  at susuray suray na lumapit sa sasakyan ko.

Agad ko naman syang nilapitan at inalalayan. Binuksan ko ang pinto sa passenger seat at inalalayan syang sumakay. Inabot ko ang seatbelt para ikabit sa kanya pero nakipag agawan sya sa akin.

"Ako na." Aniya pero di naman maikabit ang seatbelt.

"Ako na nga." Inagaw ko sa kanya ang seat belt.

"Ako na nga shabi kaya ko na." Tinabig nya pataas ang kamay ko at di naman sinasadyang nasagi ng kamay ko ang ibabaw ng kanyang dibdib.

"Manyak ka!" Bigla nya akong binatukan.

"Aray! Bakit nambabatok ka?" Hinimas ko ang ulo. Hindi naman masakit nabigla lang ako.

"Hinipuan mo ko eh." Matalim ang tingin nya sa akin.

"Hindi ko sinadya yun, tinabig mo yung kamay ko eh." Natatawang sabi ko na lang.

Sumimangot sya at pilit ng kinakabit ang seatbelt. Hinayaan ko na lang sya at hinintay na makabit ang seatbelt.

DG Series #4: I'm Yours And You Are Mine OnlyWhere stories live. Discover now