CHAPTER 04: Reasons

3.4K 71 39
                                    

LOUCILLE

Ups! Tento obrázek porušuje naše pokyny k obsahu. Před publikováním ho, prosím, buď odstraň, nebo nahraď jiným.

LOUCILLE

NAGTAGPO ang kilay ko dahil sa sinabi niya. Ngayon ay labis ang pangungunot ng noo ko habang mariin ang titig sa lalaking nasa harapan ko.

Tama ba narinig ko? Did he just call me bride? Why would this stranger call me his bride? Baliw ba siya?

Inilibot ko naman ang paningin sa paligid, nilingon ko rin ang likod ko baka kasi mamaya ay hindi pala ako ang kausap niya... ayoko namang maging assumera.

Ilang sandali pa'y narinig ko ang mahinang tawa niya kaya muling nabaling ang atensyon ko sa kaniya.

"Look how cute you are with that confused face, Lucy," aniya habang manghang nakatitig sa'kin. "I'm referring to you, ok? There's no way I'll see another woman as my bride other than you."

Napakurap ako ng ilang beses dahil sa sinabi niya. Parang ilang segundo pang nagtravel ang mga neurons sa ugat ko bago tuluyang magsink-in sa utak ko ang mga tinuran niya.

Muli kong sinuri ang lalaki.

I was trying to examine any familiarity from him because I believe I already saw his face before. Pero kahit doon ang atensyon ko ay hindi maiwasang sumalisi sa utak ko kung gaano ka gifted sa physical appearance ang lalaking nasa harap ko.

Kahit madilim at tanging mga street light lang ang nagbibigay liwanag sa paligid ay litaw na litaw ang magandang features ng mukha at katawan nito. Sa totoo lang ay wala naman talaga akong hilig mag- compliment ng itsura ng isang tao. Wala nga akong standard para masabing gwapo at maganda ang mga iyon. Pero ang sinungaling ko namang tao kapag itinanggi kong attractive ang lalaking ito.

Like, he's only standing there but how can he be so... argh... para siyang male lead na laging ibinabalandra sa akin ni Viene sa mga nababasa niyang romance novel!

Ngayon naman gusto kong kultukan ang sarili dahil sa mga naiisip. Kailan pa ako nagcompliment sa itsura ng lalaki?! Nababaliw na yata ako, wait no! Jet lag lang 'to! Oo, tama! Jet lag!

Samantala, habang tumatagal ang pagtitig ko sa kaniya ay tuluyan ding lumakas ang kutob ko na tama nga ang hinala ko kanina pa.

That guy I saw on the billboard... I knew it.

It's him.

"Magnus."

Unti-unti namang sumilay ang ngisi sa labi niya nang marinig ang pagbanggit ko sa pangalan niya. Para bang kanina pa nito hinihintay na gawin ko ang bagay na iyon.

Ilang sandali pa'y nakapamulsa itong naglakad papunta sa kinatatayuan ko. Nanginginig ang kamay ko namang itinutok ang baril sa kaniya. I shouldn't have let my guard down. This man might be dangerous!

"Stay in your place, Magnus!" mariing utos ko sa kaniya. "Don't let me pull the trigger, I warn you!"

"I told you I'm not your enemy," seryosong aniya ni hindi man lang nakinig sa sinabi ko at nagpatuloy sa paglapit. Mabilis ang mga sunod na nangyari dahil hindi ko namalayang nakuha na pala nito ang baril na kanina ay nasa palad ko.

Breaking Cupid's ArrowKde žijí příběhy. Začni objevovat