Chapter 1 Angela

5 0 0
                                    

Sa isang malayong nayon.

Isang matandang lalaki ang hinihingal na tumatakbo pauwi sa kanyang tahanan. Dala-dal niya ang isang heganting itlog. Pag karating sa kanilang bahay ay agad niyang tinawag ang kanyang asawa.

Mario   : Mahal tignan mo.
Tina   : Sandali lang may ginagawa pa ako.
Mario   : Bilisan mo na.
Tina   : Dios ko.  Ano yan?
Mario   : Isang anghel bigay ng panginoon saatin.
Tina   : Sigurado kabang anghel yan?
Mario   : Tignan mo may pak² siya. Isa siyang anghel.
Tina : Puti ang pak-pak ng mga anghel. Brown yung sa kanya oh. Parang pak-pak ng lawin.

Sa kadahilanang walang anak ang matandang mag asawa ay naisipan nilang palakihin ang batang may pak-pak at ituring na sariling anak.

Lumipas ang panahon. 3 taon ang nakalipas ay lumaki narin si Angela. Na pansin niya na itinatago siya ng kanyang nanay at tatay sa tuwing may pupuntang bisita. Na pansin rin niyang kakaiba ang kanyang hitsura sa mga taong nakikita niya. At kahit kailan ay hindi pa siya naka labas ng bahay.

Angela   : Nanay ano po ba ang hitsura sa labas ng bahay?
Tina   : Angela, anak. Hindi kapa pweding lumabas.
Angela   : Dahil po ba kakaiba ako?
Tina   : Anak, ano kasi-
Mario   : Gusto mong lumabas?
Tina   : Mario.
Mario  : Mahal, tatlong taon na si Angela. Panahon na para mapagmasdan niya ang mundo.

Sa unang pagkakataon nakita ni Angela kung gaano ka ganda at kalawak ang mundo.
Hindi niya mapigilan ang sarili sa pagtalon sa subrang saya. Niyakap niya isa-isa ang mga puno. At hinalikan ang mga bulaklak.

Tina   : Angela kailangan na nating pumasok. Gabi na. Baka may makakakita sayo.

Kinagabihan habang matutulog na sana ang mag asawa ay may sumagi sa isip ki Mario.

Mario   : Mahal, paano natin mabibigyan ng normal na buhay si Angela?
Tina : Mahal, alam natin pareho na hindi tao si Angela.
Mario: Mahal may na isip ako.
Tina : Ano naman iyon?

Kinabukasan.

Nilagyan ni Mario ng foam ang batok ni Angela, na kinatataka naman ng bata.

Angela : Tatay bakit mo nilagyan ng foam ang batok ko?
Mario : Anak, para yan hindi makita at mapansin ng mga tao ang pak-pak mo.
Tina : Simula ngayon maluwag na damit na ang susuotin mo para maitago ang pak-pak mo.

Ipinag-aral ni Mario si Angela sa munting paaralan ng kanilang baryo. Itinago nila sa lahat ang sekreto ng bata. Lumipas ang 2 taon ng pag-aaral ni Angela ay may nakita siyang batang lalaki na binubully ng iba pang kabataan.

Charlie : Ano ba, tama na.( maiyak-iyak na pakiusap ng bata)
Vince : Ano, lalaban ka? (sabay suntok at sipa kay Charlie)
Charlie : Tama na sabi. (Hindi nalang siya lumaban)
Angela : Huy, Vince. Tama nayan.(inawat ang kamay ni Vince)
Vince : Huy, taba lalaban ka? O baka gusto mong ikaw ang suntokin ko. Tadyakan kita diyan.
  
Hindi sumagot si Angela at tinignan lang si Vince namay galit.

Vince : Bigay mo saakin baon mo(hinablot ni Vice ang bag ni Angela)
Angela : Hindi ka talaga titigil?

Hinablot pabalik ni Angela ang bag niya at na bitawan ni Vince.

Angela: Gusto mong kunin baon ko?
Vince: Ibigay mo na kung ayaw mong masaktan.

Kinuha ni Angela ang baong tinapay sa bag at agad na ipinasok sa bibig ni Vince na buo.

Angela : O, ito. Ito gusto mo diba?(habang sinusubo ang tinapay)

   Napaluha si Vince, na bulunan na pala ito. Isinuka ni Vince ang tinapay at tumakbong umuiiyak.

Vince : Teacher Zahra!(iyak-iyak siyang humihingi ng tulong)
Charlie : Salamat,ha.
Angela : Wala yon.
Charlie : Ako nga pala si Charlie.
Angela : Tawagin mo nalang akong Angela.

Dahil sa tagpong iyon ay naging magkaibigan ang dalawa.

Umuwing masaya si Angela at ikweninto niya sa kanyang nanay ang nangyari.

Angela: Nanay, may kaibigan na po ako.
Tina : Talaga?
Angela : Charlie ang pangalan niya.
Alam mo ba nay , kahit mataba akong tignan hindi niya ako inaway.
Tina : Basta anak, tandaan mo walang sino man ang pweding makakaalam sa totoo mong hitsura.
Angela : Nanay, bakit po? Ano po ba tagala ako?

+++++
Author : Lorean a.k.a Sydra

ANGELAWaar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu