"Nasaan siya?"

"She's in my friend's house. Sa ngayon, hindi pa po safe kung dadalhin ko po kayo sa kinaroroonan niya."

"Maghihintay kami kung kailan namin siya pwedeng dalawin. Protect her at all costs. If you fail to protect her, you'll never see her again."

Tumango ako bilang sang-ayon. Lumabas na ako ng kabahayan at pumunta sa bahay nila Amery.

Nakatulog ako sa byahe. Ginising lang ako ni Amery ng makarating kami.

"Ang sabi ng doctor. Kailangan daw niyang gumalaw galaw pero hindi madalas dahil naglalaban ang gamot at ang lason sa katawan niya. Kailangan niyang pag-pawisan kahit minsan. Yung mga dapat kainin naihanda ko na. Pati yung gamot mayroon na rin—"

Walang pasabing niyakap ko si Amery.

"Maraming salamat." kahit papaano ay gumaan ang bigat na dinadala ko sa isiping may mga tumutulong sa'kin para mabawasan ito.

"Ako dapat yung magpa-salamat dahil kung hindi dahil sa'yo. Hindi ako makakabalik ng pilipinas."

Kakalas na sana ako sa yakap namin ng mapansin ko ang isang bulto na nakatayo sa hagdan.

Walang emosyon siyang nakatayo at nakatingin sa amin.

"I think she's mad."

Nagkibit-balikat lang ako saka umakyat ng hagdan.

"Bakit hindi ka pa natutulog?"

Hindi siya sumagot at nanatiling nakatayo.

"Babe?" hindi pa rin ito sumasagot at naka-tingin lang sa baba.

"Celeste."

"Are you alright?"

"Sana hindi siya katulad ni Zoe." ang tanging nasabi lang niya bago ako talikuran.

Sumunod ako at laking pasalamat ko dahil hindi niya isinara ang pinto.

"Babe, hindi mangyayari yun kaya huwag ka ng mag-isip ng kung ano-ano."

Niyakap ko siya mula sa likod habang nakatayo kami sa gilid ng kama.

"I hate those pillows."

Napakunot ang noo ko sa sinabi niya. Iyon naman ang unan niya sa bahay, dinala ko lang rito.

"Why? Gusto mo palitan natin?"

Pumihit siya paharap sa'kin.

"I want this." hinawakan niya ang braso ko.

Nakuha ko naman ang gusto niyang sabihin. Nag-palit muna ako ng roba saka humiga sa kama.

Pinaunan ko siya sa braso ko. Tahimik pa rin siya kaya medyo nag-aalala na 'ko.

"Babe, bakit ang tahimik mo?"

"Kasi nag-iipon ako ng energy para bukas." mabilis na sagot niya habang naka-pikit.

"Ah oo nga pala. Kailangan mo mag-exercise."

"I need a different kind of exercise."

"Ano ba ang gusto mo?"

"Secret." she giggles.

Pipikit na din sana ako para matulog ng biglang tumunog ang tiyan ko. Mas lalo akong napapikit ng pingutin niya ko.

"Ouch! Aray babe!"

"Sabi ko h'wag magpapalipas ng gutom diba?"

"Ouch!" hawak hawak pa rin niya ang tainga ko habang naka-ngiti.

"Why?"

"Parang lalo kang gumaganda." wala sa sariling ani nito.

What did she say???

"Hah?" pag-ulit ko dahil baka mali lang ako ng rinig.

"Sabi ko mas lalo kang gumaganda." hinawi niya pa ang hibla ng buhok ko.

Naramdaman kong uminit ang pisngi ko at siguradong pagtatawanan na naman niya ako kapag nakita niya akong namumula.

"Ahm...kakain lang a—"

"Are you blushing?" panunukso nito.

"Am I?" kalmadong ani ko kahit na nagwawala ang kalooban ko.

Inilapit niya ang labi niya sa labi ko dahilan para mapapikit ako. Naghintay lang ako na magdikit ang labi namin nang marinig ko siyang malakas na tumatawa.

"HAHAHA!" wala pa rin itong lubay habang ako ay naka-simangot lang.

"K-kumain ka m-muna. HAHAHA!" malakas pa rin ang tawa niya. Parang walang sakit ah.

Tumayo na ako para kumuha ng pagkain ng makarinig kami ng katok. Nagtinginan kaming dalawa at ako naman ay binuksan ang pinto.

"Alam kong hindi ka pa kumakain. Ayan pagsaluhan ninyong dalawa." ani ni Amery na nakasuot na ng night gown.

"Thanks!"

"If you need anything tawagin niyo lang kami." ang tinutukoy nito ay siya at ang mga kasambahay.

Tumango ako. "Salamat ulit."

Naka-ngiti kong ipinasok ang tray.

"Hmm...mukhang may bagong karibal si Pau." pabiro niyang ani.

"Pero sa tingin ko ay magkaka-sundo silang dalawa."

TBC...

MY UNBIOLOGICAL SISTER (G×G) Where stories live. Discover now