"Ok, don't worry di naman tayo maglalasing." Binuhay na nya ang makina.

"Eh paano kung malasing ako? Mabilis pa naman akong malasing." Mababa kasi ang tolerance ko sa alak.

"Eh di iuuwi kita sa bahay ko."

Namimilog ang mga matang lumingon ako sa kanya.

Tumawa lang sya.

"Joke lang. Syempre iho-hotel kita -- aray!" Daing nya ng paluin ko sya ng malakas sa braso.

Lalo lang lumakas ang tawa nya. Samantalang ako ay parang sinilaban ang mukha sa init.

"Siraulo ka."

"Joke nga lang. Uy namumula sya." Natatawang sabi nya at pinausad na ang sasakyan sa gitna ng kalsada.

Ako naman ay nagkasya na lang na pagmasdan sya habang tumatawa at nagkukwento. Pero hindi ang kwento nya ang nakapukaw sa akin ng interes kundi ang gwapo nyang mukha. Nakatawa sya, nakasimangot, nakanguso o kahit galit ay gwapo pa rin talaga ang kumag. Pero gustong gusto ko kapag nakatawa sya o nakangiti. Yung mga mata nya bahagyang naniningkit tapos kapag nakangiti sya lumalabas ang pantay pantay nyang mapuputing ngipin. Yung ngiti nyang may bahid ng kapilyuhan. Yung ngiti nyang tumutunaw sa puso ko.

Makalipas ang kulang kulang dalawampung minuto ay nakarating na kami sa isang high end club. Marami ng nakaparada na mamahaling sasakyan sa parking. Sunod sunod na rin ang pumapasok na mga tao mapalalaki man o babae. May mga foreigner pa nga. May grupo, meron namang magkasintahan. Halatang mga mayayaman at may mga sinasabi sa buhay. Ang ibang mga babaeng pumapasok ay medyo revealing pa ang mga suot na damit. Yung huling tatlong babaeng pumasok nga ay halos kita na ang kuyukot at lumuwa ang mga dibdib.

Nagdududang tiningnan ko si Kester. Kasalukuyan na nyang pinapark ang sasakyan. Ina-assist sya ng isang bouncer. Ng huminto na ang sasakyan ay tumingin sya sa akin. Tumaas ang kilay nya.

"Bakit?"

Umingos ako. "Siguro kaya gustong gusto mong pumunta dito sa club dahil sa mga babaeng halos mga nakahubad na."

Ngumisi sya sabay pisil ng pisngi ko.

"Aray!" Tinampal ko ang kamay nya. Pero hindi naman malakas ang kanyang pisil.

"Di pa nga tayo nagseselos ka na."

Umusli ang nguso ko at humalukipkip.

"Hindi no! Ang kapal mo." Sabi ko pero tila labas lang yun sa ilong. Dahil di ko maitatangi naninikip ang dibdib ko sa isiping titingin sya sa mga babaeng yun.

Kuh! Huwag lang talaga syang magkakamali basted agad sya!

"Sanay na ako sa mga babaeng halos mga nakahubad na kung manamit. Wala na silang dating sa akin."

Tumaas ang isang kilay ko. "Talaga lang ha."

Tumawa sya at humarap sa akin.

"I'm telling the truth. Ikaw na lang ang malakas ang dating sa akin."

Umusli ang nguso ko at kumibot kibot. Parang sumirko sirko ang puso ko sa loob.

"Malakas ang dating ng mga kagaya kong wholesome sayo dahil sawa ko na sa mga babaeng halos mga nakahubad. Eh kung magdamit din kaya ako ng kagaya nila."

"Ayos lang. Pero dapat ako lang ang makakakita kahit maghubad ka pa." Nakangising sabi nya.

Pinandilatan ko sya ng mata at pinalo sa braso. Puro talaga sya kapilyuhan.

"Aray! Hindi pa tayo pero bugbog sarado na ko sayo." Natatawang sabi nya habang hinhimas ang brasong pinalo ko.

"So ano, suko ka na?"

DG Series #4: I'm Yours And You Are Mine OnlyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon