Tumango naman si Courtney. Sandali naman silang natahimik dahil mukhang nagkayayaan na sila sa group chat. Nilibot ko na lang ang tingin ko at mula dito ay kita ko ang pamilyar na mukha.

Nakapamulsa si Enoch habang naglalakad papunta rito sa canteen. Kasunod niya rin ang mga kaklase niya. Teka lang. Ang layo ng department nila dito. Paanong napadpad sila dito?

“Uy, malapit na pala UAAP. Sino na ba captain ng basketball team ngayon?” tanong ni Autumn.

Nilingon naman ako ni Courtney. “Si Enoch na ba? Naka-graduate na kasi si Franco diba?”

“Siguro? Bakit ako tinatanong niyo?”

Hindi pa sila nakakasagot nang maramdaman ko na may malaking tao na nasa likuran ko. Paano ba naman kasi ay kitang-kita yung anino sa lamesa namin?!

Nag-angat naman ako ng tingin kay Enoch. Malaki ang ngisi niya habang nakatingin din sa akin. Parang gago lang! Akala mo Diyos na tinitingala ko dahil sa sobrang tangkad.

“Napadpad ka dito?” iritado kong tanong.

He raised both of his hands. “Chill ka lang. Nasa iisang school lang tayo. Bawal ba ako dito?”

“Hindi naman. May malapit naman na kainan sa department niyo kaya bakit dito pa?”

“Uy, huwag ka magdamot. Parehas lang tayo ng binabayaran na tuition,” humalakhak naman si Enoch at ginulo ang buhok ko.

I scoffed. “Mama mo tuition.”

“Mali,” he smirked. “Mama ko, mama mo soon.”

Ang tarantadong iyon! Sinubukan ko naman siyang sapakin pero naglakad na siya papalayo. Iwinagayway pa ang isang kamay at halatang nang-aasar pa.

Halos malaglag naman ang panga ni Autumn at Courtney habang nakatitig sa akin. Muli pa nilang sinulyapan si Enoch na nakapila na para siguro bumili ng makakain niya. Nagkibit na lang ako ng balikat.

Ang lakas talaga ng tama ng isang iyon! Nangungulit pa rin kahit ilang beses ko nang sinabi na ayaw ko sa kaniya. Hindi pa rin natinag dahil lang pinakitaan ko ng interes noon.

“Close kayo?!” bulalas ni Autumn sa akin.

Umiling ako. “Feeling close lang siya.”

“Siya pa talaga?!” saad naman ni Courtney.

“Uy, tangina nito. Ayaw maniwala! Siya nga kasi nakikipag-close sa akin.”

Humalukipkip naman ang dalawa. Palipat-lipat ang tingin sa akin at kay Enoch na umupo malapit sa table namin. Ramdam ko rin ang nanunusok niyang titig sa akin.

Gusto ko ng celebrity boyfriend, okay? Pero hindi naman si Enoch ang gusto ko! Si Simon po. Baka mamali ng dinig itong si Lord. Kailangan ko na yata maging specific sa mga dasal ko.

“So, gusto ka niya?” tanong ulit ni Autumn.

“I don’t know. Hindi naman ako naniniwala sa kaniya,” sagot ko bago ko hinigop yung sabaw ng ramen.

“Alam mo bang hindi pa nagkakaroon ng girlfriend si Enoch?” si Courtney naman iyon.

“Alam ko. Big deal ba?”

Sabay naman silang tumango. “Big deal talaga!”

“Hindi ko siya gusto. Kung gusto niyo inyo na iyan. Reto ko na lang,” dire-diretso kong sinabi.

Natahimik naman ang dalawa. Umarko ang kilay ko nang makitaan ko ng ningning ang mata nila. Tanginang iyan! Mukhang gusto pa yata nila maireto kay Enoch.

“Imagine ikaw ang first girlfriend ng isang Enoch Sandoval. Ang swerte mo siguro,” Courtney said dreamily.

Halos mangiyak-ngiyak na ako sa anghang ng ramen tapos sila parang lunod na sa daydream nila kay Enoch. Umiling na lang ako at nagpatuloy sa kinakain ko. Si Simon lang ang gusto ko kahit hindi na naman kami nag-uusap.

Endless Harmony (The Runaway Girls Series #3)Where stories live. Discover now