Hindi ako papayag na matali ako sa isang lalaki na hindi ko naman mahal. Lalaking mahal ko lang ang may karapatan na magsuot sa daliri ko ng singsing. Siya lang ang may karapatan na lumuhod sa harapan ko at mag makaawa na pakasalan ko siya.

 "I'm so sorry po.. Sorry, Dad." Tumakbo ako paalis. Narinig ko pa ang tawag ni Dad pero hindi ko siya pinansin. Hindi ko alam kung saan ako pupunta. 


Napadpad ako sa isang madilim na garden. What should I do? Paano ako makakaalis dito? Tama ba ang ginawa ko? Paano ako uuwi? siguradong lagot ako kinabukasan. Pero ayos lang hindi naman ako papatayin ni Dad.

Lumabas ako at nag para kaagad ng taxi. 


Walang kaalam alam ang mga tao sa labas kaya nakalabas kaagad ako. Saan na ako pupunta ngayon? Ayokong umuwi sa bahay, siguradong hahanapin ako doon ni Dad. Mag layas kaya ako? hell no. Wala akong sapat na pera. Siguro kailangan ko ngayong mapag-isa. Gusto kong iparating kay Dad na mali 'yung desisyon niya para sa akin. 

Wala na ba akong halaga? Bakit ganon ganon na lamang niya akong ipamigay? tsk.

Engagement party ko pala ang pinuntahan ko? wow lang, ah? Wala bang tiwala sa akin si Dad sa pagpili ng lalaki? Iniisip niya rin pala ang kapakanan ko kahit na parang wala akong halaga sa kanya. 

 Panay ang pagtawag sa akin ni Dad at Kit. Pinatay ko ang phone ko para hindi na nila matawagan. Hindi nila ako mapipilit! Kinginang buhay. Bakit ba ganito ang buhay ko? ang daming drama. Bwiset. Tapos ngayon umaambon na. Putangina bakit? 

 Bumaba ako sa isa isang waiting shed sa terminal ng bus. Pinagtitinginan pa ako ng mga tao dahil sa suot ko. Hindi ko na lang sila pinansin. Mga trabahador sila na hindi pa umuuwi. Nag aantay ata sila ng bus.

 Umupo ako sa isang tabi.

Tenext ko si Ian para humingi ng tulong. Siya kasi ang naisip kong lapitan. Hindi ko alam kung saan ako pupunta, magpapatulong ako sa kanya. Sinabi ko sa kanya kung nasaan ako. Bigla siyang tumawag. 

 ("I'm busy.") bungad niya. 

 "I need your help. Hindi ko alam kung saan ako pupunta."

 ("What happened? Okay ka lang?") 

 "I'm not okay." 

 ("Nasaan si Dad? Mag taxi ka kaya?")

 "Nasa party pa. Siguro hinahanap na nila ako.. Kung ayaw mo akong sunduin, eh di wag. Bye sorry sa istorbo." I hanged up the call.

I can handle myself. Ewan ko lang kung kayanin ng konsensya niya. Hindi niya ako kayang tiisin. Napangisi ako dahil nag text siya. 

 From Ian:

I'm with Francess right now. Pero susunduin na kita. Just wait. Wag kang aalis diyan 

 That's my Ian. Sige iwan mo 'yang girlfriend mo para sa akin. Unahin mo 'ko. Maganda 'yan.

 Isang oras at kalahati ko siyang inantay. Naabutan na ako ng mga pulubing matutulog dito sa waiting shed. Buti na lang walang snatcher. Siya lang ang lalaking hinintay ko ng ganon katagal. Nangatal na ako sa lamig. Kaya nung dumating siya halos ibato ko sa mukha niya 'yung sandals ko. Pero hindi ko na siya sinaktan kasi ako naman ang humihingi ng tulong.

Ipinatong niya sa balikat ko ang itim na jacket.

 "Traffic. Bakit ka ba andito?" hindi ko sinagot ang tanong niya. Pumasok na lang ako sa kotse. 

"Dalhin mo ako sa lugar kung saan tayo lang ang may alam." halos matawa ako sa sinabi ko. Naalala ko kasi 'yung kinanta niya noong nasa Cagayan kami. Kailangan kong pumunta doon para hindi ako mahanap ni Dad. I need some space. 

Living With my Step-Brother [completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon