Chapter 7: Halloween Party

1 0 0
                                    

IMPOSIBLE! HINDI KO SIYA PWEDENG MA-MISS!



Mabilis na lumipas ang mga araw at ganun pa rin ang set up. Kada hapon pumupunta akong T-Homes para hintayin si Papa at sabay kaming umuwi.




Minsanan ko lang rin kung makita si Rod. The last time I talked to him is nung nasa tindahan kami and the rest wala na. Nahihiya na rin akong lumapit baka ipagtabuyan ako o di kaya iwan na naman. Edi ako lang napahiya!?




"Vene, ano isusuot mo bukas?" Kalabit sa'kin ni Italya.



"Anong isusuot? Edi damit?" Tanong ko pabalik.



"Dang! Halloween Party bukas ah nakalimutan mo na?"




Bahagyang nanlaki ang mata ko at naka-ow. Nakalimutan ko 'yon a? Bukas na pala 'yon.




"Ah, may white dress naman ako. No choice. Wala akong ibang masuot. Buti nga sayo siguro ang ganda?"



"Anong maganda tsk ang pangit nga ng binili ni Mama kagabi na cloak parang may design na pamg party. Tingnan mo," tsaka niya pinakita ang picture na nasa cellphone niya.




Black cloak ito pero may mga design na pink at yellow parang torotot sa birthday party. Hindi ko mapigilang matawa.



"Sabi ko na e pagtatawanan mo rin," reklamo niya sa gilid at pinagsasapak ako.




"Ouch! Maganda naman.. sorry na agad!"




"Magwa-white lady na lang din ako bukas. Bahala na. Ayokong isuot 'yon para akong bata."



"Bata ka naman talaga?"




"Hehe funny!" Sarkastikong sagot niya at inirapan pa ako.




Tinatawanan ko pa rin siya hanggang sa makabalik kami sa room. Hindi pa rin ako maka move on. I can imagine her wearing that cloak. Para siyang superhero ng mga may birthday parties.




"I hate you na talaga!" Muli pang bulyaw niya sa'kin. "You kept on laughing at me!?"




Mahina ko namang inabot ang pisngi niya para kurutin.



"Suotin mo 'yon bukas. I dare you!"



"No!"




"I dare you!"


"Wala akong pake, Vene!"

*****

Kinabukasan maaga akong pumunta sa school. May pasok kami by 7:30 am at strict 'yong teacher kaya walang tatamad tamad.




"Tangina niya ayaw pa tayong pagbigyan na mag-break," bubulong bulong si Italya sa tenga ko.



Agad ko naman siyang sinaway baka marinig siya ng instructor.



"Manahimik ka nalang diyan. Malapit na 12 oh," sabay tunghay at on ko sa selpon ko para tingnan ang oras.



"Anong malapit na e 10:26 pa oh. Uh! Kainis! Ba't ba kasi may klase pa siya. Kung binigay nalang niya 'tong time na 'to para maka-prepare tayo edi sana peaceful ang life."




Ang tinutukoy niyang mag-prepare ay 'yong prepare mismo sa Halloween Party na magaganap mamayang gabi. Ewan ba't trip pa nila magpagabi kung pwede naman ngayong umaga nalang para maaga kami makauwi. Ang ending na nasa invitation ay start ng 6:00 p.m at mage-end ng 10:00 p.m. Nakakatangina! Makakamura ka nalang talaga.




Timberland Homes #1: Rodill ZanderTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon