"Sky anak, that's not mommy. Go bless to tita" saad ni Freenie sa anak namin kayat nagmano naman ito kay Belinda "Yaya mot pakiakyat na muna si Sky sa kwarto niya or dalhin niyo na lang sa mga kapatid niya" utos ni Freenie kay yaya mot at agad din naman niya itong dinala sa taas.

Dumiretso na ako sa kusina upang kumuha nang snacks namin. Pagbalik ko ay nililibot pa rin ng mga mata ni Belinda ang bahay at manghang mangha pa rin.

"Eto kumain ka muna" saad ko sakanya "ah pagpasensyahan mo na yung anak ko" ani ko

"Ay anak mo pala yun. Ang cute, kamukhang kamukha nitong tatay" sambit niya

Saglit na katahimikan ang bumalot sa buong sala. Nagkakahiyaan kung sino ang mauunang magsalita. Nang walang anu ano'y nagsalita si Freenie.

"Ah babe, Belinda. Maiwan ko muna kayong dalawa dito para makapag usap na kayong magpinsan ng masinsinan" saad ni Freenie at umakyat na ito sa taas.

"Ah Rebecca Patricia Armstrong Chankimha. Anak ako ni Raymond and Patrice Armstrong" pag uumpisa ko

"Belinda Anna Armstrong, tatay ko naman ang kakambal ng papa mo si Richmond Armstrong. At ang nanay ko naman eh si Annaliza Marcos. Di kasal ang mama at papa ko dahil nabuntis lang ni papa si mama" saad niya "nakwento ka na sakin ni papa dati, nung minsang nalasing siya" dugtong niya

"Ganon ba? Pasensya ka na dahil wala akong kilala ni isa sainyong mga relative ko dahil wala namang nababanggit si papa sa akin." sambit ko

"Hindi ayos lang. At tungkol nga pala sa papa mo at sa papa ko. Ginusto din kitang makilala dahil ito na ang panahon para sabihin sayo ang ugat ng lahat nang to. Kung ano ang dahilan ng pagkawala ng parents mo at nang papa ko" saad niya na pinagtataka ko.

"Anong ibig mong sabihin?" tanong ko sakanya at biglang naging seryoso ang expression ng mukha niya.

"Umalis ang papa mo dahil hindi sila tanggap ng mama mo. Si Tita Patrice ang dahilan ng alitan ni papa at ng papa mo." umpisa niya

"What do you mean si Mama ang dahilan ng away ng papa natin?" tanong ko sakanya

"Unang nagkagusto si papa kay Tita Patrice. Mahal na mahal niya ito. Kinailangan ni papa na umalis para magtrabaho sa ibang probinsya. At doon na nagkakilala ang papa at mama mo. Nagkagusto si Tito Raymond kay Tita Patrice. Nagalit si papa nung nabalitaan niyang madalas silang magkasama. Kayat umuwi si papa upang bawiin sana si Tita Patrice sa papa mo. Pero huli na si papa dahil pinagbubuntis ka na ni Tita." nagugulat ako sa mga nalalaman ko sa mga kwento niya

"Humadlang si papa at lolo sa papa at mama mo. Galit sila kay Tito Raymond dahil nagawa daw nitong agawin ang babaeng pinakamamahal ni papa. Umalis ang papa mo at si Tita Patrice nung time na yun. Nabuntis ni papa si mama matapos ang dalawang taon na pilit niyang kinalimutan ang mama mo. Then after 3years ay bumalik sila Tito Raymond nung nanghihina na si lolo dahil gusto ni lolo na makita si papa mo sa huling pagkakataon. Bata pa lang tayo ng mga taon na yun. Nang mamatay si lolo ay hindi pa rin nawala ang galit ni papa sa papa mo. Hanggang sa nagpang abot sila dahil iniwan ni lolo sa papa mo ang bahay at ibang lupain ni lolo." -Belinda

"Dahil ayaw nang papa mo na madagdagan pa ang galit ng papa ko sakanya, eh iniwan lahat ng papa mo ang binigay ni lolo sakanya sa papa ko. Pero lumipas ang maraming taon hindi pa rin nawawala ang galit ni papa. Hanggang ang galit niya ay nagdulot ng kagustuhan niyang maghiganti" saad niya nagtataka ako sa sinasabi niyang paghihiganti. Nagulat ako ng bigla siyang lumuhod sa harap ko at umiiyak.

"Anong ginagawa mo? Bat ka nakaluhod? Tumayo ka jan Belinda" sambit ko

"Becky, sana mapatawad mo ang papa ko sa nagawa niya. Sana mapatawad mo kami" nagtataka pa rin talaga ako sa sinasabi niya

"Belinda ano bang sinasabi mo?" tanong ko dito.

"Alam kong mahihirapan kang tanggapin Becky, pero sana mapatawad mo kami." nagpause siya saglit, bumuntong hininga at nagpatuloy "si papa ang dahilan ng aksidente ng papa at mama mo. Si papa ang nagmamaneho ng sasakyang nakabangga sa sinasakyan ng mga magulang mo. Becky sana mapatawad mo kami" napahagulhol na ito.

Diko namamalayan na tuloy tuloy na ang pag agos ng mga luha ko saking mga mata. Tulala pa rin ako dahil sa nalaman ko.

"Becky kung gusto mong gumanti sa papa ko. Nandito ako, handa kong saluhin ang lahat ng gagawin mo sakin, mapatawad mo lang kami" saad niya.

Gusto ko siyang saktan. Gusto ko siyang murahin, pero wala siyang kasalanan dito.

"Handa ako ibigay ang buhay ko kung kinakailangan, upang mabawasan kahit konti yung sakit na nararamdaman mo" aniya "Hmm ah aghh" napansin ko ang paghawak niya sa kaniyang tiyan na parang may iniindang sakit. Naglabas ito nv papel at ballpen at may isinulat "ito ang number ko tawagan mo ako kung kelan mo gustong gumanti, nakahanda ako Becky" saad niya at umalis na lang bigla.

"Teka Belinda!" pagpigil ko sakanya ngunit dirediretso lang siya hanggang makalabas na nang bahay. Bigla namang lumapit si Freen sakin

"Babe there's one more thing you need to know" saad niya kayat napatingin ako sakanya nang nakakunot ang noo. "Belinda has a stage 4 stomach cancer" dagdag niya

"What?!" sambit ko

"Yes babe, and di niya magawang magpagamot dahil sa baon sa utang mga magulang niya at siya ang nagbabayad dito" nagulat ako sa mga sinasabi ni Freen

"Maam! Sir! Si maam Belinda po, nahimatay!" sigaw ni Mike kayat agad kaming lumabas at nakita si Belinda na nakahandusay sa may gate.

Agad akong tumakbo palapit sakanya. Pilit ko siyang ginigising ngunit hindi siya magising.

"Mike yung kotse! Bilisan mo!" agad namang kinuha ni Mike ang kotse at dali dali naming dinala si Belinda sa ospital.

Nasa ospital na kami at kasalukuyan pa ring natutulog si Belinda. Naipaliwanag na nang doktor sakin ang kalagayan ni Belinda. Maya maya lang ay nagising ito.

"Nasan ako?" narinig ko ang boses niya kayat agad akong lumapit

"Bakit hindi mo sinabi sakin kanina na may sakit ka pala?" tanong ko

"Wala nang dahilan para sabihin pa Becky." Napansin ko ang pagbaba ng heart rate niya. "Ma.. masaya a..kong nakilala kita" nahihirapan na itong magsalita

"Freen call the doctor!" sambit ko kay Freen at agad naman itong umalis para tumawag ng doktor

"Wag na Becky. Hin...hindi na kai...langan." tumutulo na ang mga luha namin habang hawak ko ang kamay niya "ito na ang panahon para sumunod kay papa. Gusto ko nang magpahinga pinsan" saad niya na naghahabol na ng hininga.

"No, wag mong sabihin yan. Lumaban ka, bumawi ka sakin. Ikaw na lang ang pamilya ko. Please Belinda!" saad ko sakanya

"I... i'm sorry" sambit niya hanggang sa tuluyan nang pumikit ang mga mata nito at ang tanging narinig ko na lang ay ang monitor na nakakabit sakanya na nagsasabing wala na siyang buhay.

"Please save her doc. Please!" saad ko nang dumating ang doktor. Ngunit wala silang ginagawa "dok ano ba! Iligtas niyo yung pinsan ko!" pakiusap ko sakanila

"Pasensya na maam. Pero Ms. Armstrong signed a DNR (Do Not Resuscitate). And hindi namin to pwedeng baliin" lumapit ang doktor at sinabing "time of death 11:11 am" kayat napahagulgol na lang ako.

Lumapit ako sa tenga ni Belinda at bumulong dito habang hawak ko pa rin ang kamay nito.

"You're forgiven pinsan" ang tanging nasambit ko.

Alam kong malaki ang kasalanan ng papa niya sa akin. Pero wala na akong magagawa upang maibalik pa ang mga magulang ko. Kailangan ko na lang tanggapin na wala na sila. Masakit man sa akin na ito ang una at huling pagkakataon na magkikita kami ng pinsan kong si Belinda.

"Salamat sa pagsasabi sakin ng lahat ng kailangan kong malaman, Belinda. Magpahinga ka na pinsan, pinapatawad na kita" sambit ko sakanya

LOVE IN MISTAKEМесто, где живут истории. Откройте их для себя