part 27

1.4K 45 4
                                    

Freen's POV

Lumabas muna ako saglit para asikasuhin ang bills nang mag iina ko. Medyo malaki laki ang bahayadan kasi nga tatlo ang babies ko. Pero that's fine kasi pera lang yun, di matutumbasan nang pera ang sayang nadarama ko right now.

"Okay sir. It's settled in cash. I'll call the nursery section para maihatid na po yung mga babies sa room ni mommy" saad nung nasa cashier

"Okay thank you" tugon ko at naglakad na pabalik sa sa taas.

Habang naghihintay ako ng elevator ay nilabas ko ang phone ko para itext si Mike na sunduin na kami dito sa ospital. Pagbukas ng elevator ay bumungad sakin si becky.

"Babe what are you doing here? Diba sabi ko sayo hintayin mo na lang ako sa kwarto" nakakunot ang noo nito nang lumapit ako.

"Hoy sino ka ba ha? Di naman kita kilala bakit mo ako tinatawag na babe? Tarantado pala tong siraulong to eh" sambit niya at lumabas bigla sa elevator

"Anyare dun? Iniwan ko lang saglit eh mainit agad ulo" saad ko sa sarili ko.

Nagpunta na lang ako sa kwarto niya para ayusin ang gamit. Panigurado ko namang pinagtritripan nanaman ako nun. Pagdating ko sa kwarto ay nagulat ako nang madatnan ko dito si Becky na nakahiga at nagcecellphone. Agad ko siyang nilapitan.

"Babe, lumabas ka ba nang kwarto mo?" agad kong tanong sakanya.

"Pano ako lalabas nang kwarto aber? Eh hindi ko nga kaya maglakad mag isa" tugon nito sakin na siyang pinagtataka ko. "Bakit ba?" tanong niya sakin

"Ah wala wala babe. Namalikmata lang siguro ako. Akala ko kasi lumabas ka nang room mo" saad ko sakanya

"Sus palusot ka pa. Aminin mo na, may nakita ka sigurong maganda at sexy na babae sa labas no. Kaya kunwari tinatanong mo kung lumabas ako nang room" anito sa isang tono na mahahalata mong naiinis

"Hala hindi kaya babe" pagdedepensa ko

"Sabihin mo lang kung ayaw mo na sakin, kung hindi ka na nagagandahan o nasesexyhan sakin. Anakan mo ba naman ako nang apat syempre malolosyang ako" saad nito

"Kahit ano pang maging itsura mo babe. Ikaw lang ang pinakasexy at pinakamaganda sa mata ko." kinuha ko ang kamay niya at inilapat sa dibdib ko "at dito, ikaw at ang mga anak lang natin ang nanjan. Wala nang iba" panunuyo ko sakanya

"O sya sige na. Nabola mo nanaman ako. Palibhasa alam mo kung pano ako paamuhin" saad niya. Agad ko naman siyang ninakawan nang halik sa labi na ikinagulat niya

"Aayusin ko na mga gamit natin para makauwi na tayo" sambit ko

"Sus magnanakaw na nga nang halik. Ganon lang haha. Humihina ka na ata ngayon?" pang aasar niya sakin

"Babe kung alam mo lang gaano ako kaexcited na gumaling ka na. Smack lang muna ngayon. Tignan lang natin if masabihan mo pa akong mahina after 3 months" bawi kong pang aasar sakanya.

"Talaga ba? Sige tignan lang din natin if matabihan mo pa ako" sambit niya "dami dami mong sinasabi tapusin mo na nga yan, saka abutan mo ko nang damit magpapalit na ako ng damit" agad ko naman siya inabutan nang damit.

Becky's POV

Pagkatapos namin mag asaran ay nagpaabot ako sakanya nang damit para makapagbihis na ako.

"Dami dami mong sinasabi tapusin mo na nga yan, saka abutan mo ko nang damit magpapalit na ako ng damit" agad naman niya akong inabutan nang damit. Pero ang loko loko kong asawa eh bigla na lang akong hinalikan sa leeg. "Ikaw talaga kahit kelan" sambit ko

LOVE IN MISTAKEDonde viven las historias. Descúbrelo ahora