"Okay okay fine" sambit nito

"Here, look at this" sunod ko namang binigay sakanya ang nakalap kong impormasyon tungkol kay Belinda.

"Hmm? Belinda Anna Armstrong? Wow ha magkaapelyido kami. What a coincidence" saad niya

"Babe, it's not a coincidence. You share the same surname, because she's the daughter of your father's twin brother" I explained to her

"Ohh kaya pala." sambit niya "wait a minute, bakit may picture ako dito?" saad niya

"That's not you babe. That's Belinda." at mas nagulat siya sa sinabi ko

"Wait. Are you sure babe? Is this her?" she asked

"Yes babe, mahirap man paniwalaan pero hindi ikaw ang nasa picture na yan kung hindi si Belinda" saad ko

"Pero babe, pano mo siya nahanap?" tanong niya sakin

"Ilang araw na di mawala sa isip ko si Belinda simula nung makita ko siya sa ospital. Don't get the wrong idea babe ha. Kasi nacurious lang ako. Like how can I not be curious about her if she looks exactly like you. That's why kinuha ko ang information niya sa ospital and pinaimbistigahan. And bukas ibibigay ng private investigator ko yung iba pang impormasyon na nakuha niya about kay Belinda" saad ko

"Can I meet her babe?" she asked

"Ahmm you sure you want to?" balik kong tanong sakanya

"Yes babe, well she's my cousin. And siya lang din ang relative na kilala ko" aniya.

"Okay sa sabado babe, you'll meet her. But I think I need to go there first on my own to explain everything on her first, para naman di kayo magkabiglaan" saad ko

"Hmmm okay babe" saad niyang nakangiti, ngunit maya maya lang ay biglang nawala ang ngiti niya at lumabas sa mukha niya ang isang dragon. "Teka nga lang. Bat kikitain mo siya nang di ako kasama? Siguro may balak kang ipalit siya sakin dahil ako losyang na and sya fresh na fresh pa" litanya ni Becky sakin

"Hey hey babe, walang ganong mangyayari. At kahit magkamukha pa kayo, hinding hindi niya kailanman matatapan si  Rebecca Patricia Armstrong Chankimha dito" saad ko sabay turo sa puso ko.

"Sus, ayan nanaman siya. Oo na oo na. Porke alam mo pano ko masuyo eh."  aniya sabay hampas sa braso ko nang malakas

"Aray ko naman babe. Ang sakit naman nun" reklamo ko sakanya habang hinihimas himas ang braso ko. Well di naman masakit gusto ko lang kasi nang kiss. Nataranta naman siya.

"Hala babe sorry sorry. Ikaw naman kasi eh. Masakit ba?" tanong niya

"Ang sakit babe sobra. Parang kailangan ko nang kiss" saad ko sabay nguso. Tinulak naman niya ako ng mahina

"Nako Freenie, ayan ka nanaman sa mga tricks mo" saad niya

"Parang kiss lang eh, damot mo" sambit ko

"Oo eto na. Isa lang ha" saad niya at tumango naman ako.

Nang palapit na ang mukha niya ay hinapit ko ang bewang niya at hinawakan siya sa batok, and I kissed her torridly. Nagpupumiglas siya, pero maya maya lang ay bumigay din. Ilang minuto ang lumipas ay bumitaw din siya.

"Napakapilyo mo talaga, jan ka na nga baka umiiyak na mga anak natin" saad niya at tumayo na

"Kunwari ka pa nagrespond ka rin naman, mamaya ulit ha" biro ko sakanya

LOVE IN MISTAKEWhere stories live. Discover now