i'm coming home.

1 1 0
                                    

I just came home from my aunt's house in the province. Super traffic kanina, but it was really good naman and i enjoyed talking to the person next to me on the bus. If hindi lang nasira ang earphone ko, i have no intention of talking to that cute guy. At first i feel uncomfortable kasi grabe 'yung titig niya sakin, parang kakainin ako, pasalamat siya cute siya, kaya kinausap ko siya.

November 28 in the morning, i was there na agad sa Terminal. She called me because she wanted me to help her prepare for her eldest daughter, Keziah's 7th birthday. She even suggested, if i could just make a cake for Kez, kasi mahal daw if magpapa-customize pa ng malaking cake.

“Vian? Pwede bang gumawa ka na lang ng cake para sa pinsan mo? Ang mahal naman kasi kapag nagpagawa ako sa iba..” She looks disappointed, siguro kulang ang budget niya.

“Sure po, anong theme po ba?” Mas okay na pumayag ako. Wala lang, tipid tips.

“Frozen theme. Kilala mo naman ang pinsan mong gustong-gusto si Elsa, kulang na lang ay pumasok pa sa loob ng TV sa tuwing pinapanuod na nila ang Frozen HAHA” I'm glad nagbago na ang mood niya.

“I see.. daan po muna tayo sa market para makabili na po ako ng ingredients.”

“Hindi ko dala ang wallet–”

“It's okay, tita. Ako na po bahala. Samahan niyo na lang po ako.”

“Mukhang paldo ka ah. Ang dami mo sigurong kupit sa papa mo.” Pang-aasar niya.

“Kupit, you say? Sarili ko pong pera 'to HAHAHAHA don't me.”

“Sariling pera? Bakit? May trabaho kana ba?” Nagtataka pa siya, syempre ako na 'to oh !

“Yes, I have a lot of work. Nakakapagod na nga po, e. Actually, if babayaran niyo po ako sa gagawin ko ngayon, trabaho na po ang tawag ko rito.”

“As long as na binabayaran o babayaran ka, may trabaho ka? Okaaay.”

After that day, nag tagal pa ako roon ng 3 days. Kahit walang signal ang network na gamit ko ay nag-enjoy pa rin naman ako. Ikaw ba naman ang pag-agawan ng mga bata at matatanda. Lahat ng tao roon, gusto ang atensyon ko. Ang dami ko tuloy nalamang chismis.







You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Mar 17 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

231201Where stories live. Discover now