Chapter 38: Revelations

1.5K 43 5
                                    

Chapter 38: Revelations

Cheska's POV

''Ano? Hindi ka aatend? Bakit naman?'' bulyaw sakin ni Kimly

''Hindi naman ako kailangan dun sina mama at papa lang naman ang kailangan.''

''Teka lang ha? Parang kakasabi mo lang sakin kahapon aatend ka sa birthday ni Timothy, bakit nag iba yata ang ihip ng hangin ngayon? Ches hinay hinay lang sa pagiging chix'' inis niyang sabi

Masanay na kayo diyan kay Kimly ganyan talaga 'yan pag masama ang araw niya lalo na't makikita niya mamaya si Travis. Mainit na agad dugo niya kanina pang umaga.

''Sorry na Kimmy.'' Sabay yuko ng ulo ko

''Ano ba kasing nangyari kahapon?'' nagulat ako sa tanong niya kaya tumingala ako at nagsimulang umiyak.

*flashback*

Tatlong linggo na ang nakakalipas simula nang wala na akong natatanggap na mga sulat at libro mula dun sa taong palaging nagbibigay sa akin nito.

Minsan napapaisip ako kung sino siya at pakiramdam ko sobrang malapit siya sa akin. Isang araw, naabutan ko siya na pumasok sa student council room agad akong nagtago sa katapat nitong classroom ngunit hindi ko naaninagan ang mukha niya pero may hinala na ako.

At kadalasan, kapag naghihinala ako nagkakataong nagkakatotoo ito.

Naglalakad ako papuntang classroom laking gulat ko na nakapalibot ang mga kaklase ko sa kinauupuan ko.

Ngayon lang ito nangyari na may naglagay ng mamahaling bulaklak at isang libro dito. May sulat na nagsasabing...

''To: Francheska Celestine

No one in this cosmic world can even compare to your beauty. Goodmorning gorgeous.''

Ayos ah! Ganda ng penmanship iba sa nakasanayan kong penmanship dati. Ngiting ngiti yung mga kaklase ko samantalang yung dalawa kong bestfriend nakasimangot.

Nginitian lang ako ni Cheene ng mabilis masama ang araw siguro nitong dalawang 'to o baka naman naiingit sila sa akin. Hahahaha

Pagkatapos ng klase sumabay ako kay na Kimmy at Cheene pauwi. Nakakatuwa na wala ako masyadong gagawin ngayon sa school kaya maaga akong umuwi.

Ang saya din na nakasabay ko mag-dinner ang buong pamilya ko. Nagkakatuwaan kami nang masingit sa usapan ang birthday ni Timothy bukas. Bahagya naman akong nabilaukan nang sambitin ni mama na ako na daw ang mag isip ng ireregalo namin bukas kay Timothy tutal magka close naman daw kami noon.

NOON 'yon mama. Nakaraan na, hindi ko na alam kung ano ang hilig niya ngayon. Masyadong mahilig sa throwback ang pamilya ko. Kahit hindi nila alam na may something samin ni Timothy dati -________- Pinipilit kong abutin yung fried chicken sa gitna ng lamesa pero kasi si kuya nakakainis inilalayo pa sa akin. Napansin din niya na hindi ko suot yung bracelet na palagi kong suot suot. Bigay pa sa akin 'yon ng lola namin.

Napatayo ako sa lamesa at nagsimulang hanapin ito, bata palang kasi ako yun na yung palagi kong suot suot. At parang kalahati ng buhay ko mawawala kung mawawala ko yon.

Hindi kaya? Naiwanan ko sa school? Nagpahatid ako sa driver namin papuntang school. Kahit gabi na maliwanag pa rin naman sa school dahil sa napakadaming ilaw dito. Dali dali akong pumuntang classroom hanggang sa student council room.

Bukas ang pinto ng council ngunit patay ang mga ilaw pumasok ako sa loob at binukasan ang ilaw na malapit sa pinto nang madatnan ko ang isang lalaki na nakatalikod at naglalagay ng mga bulaklak sa table ko.

Engaged to a Mafia PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon