Chapter 33
Hindi ko pa rin magawang idilat ang mga mata ko dahil sa sobrang sakit ng ulo. Binigyan na nga ako ni Kleir ng ice bag para itapat sa sintido ko pero wala pa ring epekto. Binibiyak pa rin sa sorbang sakit ang ulo. Bwisit na hang over.
"Ano? Pulang kabayo pa?" tinaasan ako ng kilay ni Kleir matapos nyang maglapag ng isang tasang kape sa harapan ko.
"Kleir, pwede ba?" inismiran ko sya saka patuloy pa rin sa paghilot ng ice bag sa ulo ko.
"Kasi naman girl, matapos mong uminom ng hard kagabi hindi ka pa nakuntento. Ilang mucho nga ba ng red horse ang ininom mo? Pati ako hindi ko na maalala," umupo si Kleir sa katapat kong upuan.
"I don't know, and I don't care. Pwede bang matulog na lang ulit ako?" umamba na akong patayo nang bigla akong hawakan ni Kleir sa aking braso. Hinigit nya ako ulit paupo.
"Rovainn ano ka ba? Wala ka bang balak gawin sa buhay mo ngayon araw kundi ang matulog? Hindi matatapos ang problema mo n'yan, hindi rin mawawala n'yan ang sakit na nararamdaman mo at mas lalong hindi magbabago ang lahat pagkagising mo," sermon nya sa akin.
Isang beses kong tiningnan ang mukha ni Kleir pero inirapan ko sya at muli akong sumubok na tumayo. Ngunit hinigit nya lang ulit ako pabalik sa upuan.
"Rovainn! Hindi maaayos ang lahat kung matutulog ka lang dito sa apartment ko, harapin mo ang problema. Tanggapin mo na ang nangyari, harapin mo sila at ayusin nyo kung maayos nya pa. Kung hindi man, magpakatatag ka para sa mga anak mo. Ewan ko nga ba sa'yo kung bakit nandito ka e, may mga anak ka na dapat mong inaalagaan ngayon," umiling-iling si Kleir at bumaling sa kanyang kape. Ramdam ko ang pagkadismaya nya sa akin dahil sa inaasal ko ngayon.
She's right. Kleir's right. Bakit nga ba hindi ko naisip ang mga anak ko kagabi habang diretso kong iniinom ang mga alak na dala ko dito sa bahay ni Kleir. Bakit nga ba imbes na sa mansyon ako umuwi ay mas pinili kong dito sa kanya magpalipas ng gabi at ng sama ng loob.
I was so wasted. Hindi ko alam kung saan ako pupunta, hindi ko rin alam kung anong gagawin ko. Nakakabaliw, nakakasalit ng ulo, nakakawasak ng pagkatao.
I bought some liquors at dito ako nagtungo sa apartment ni Kleir. Mainit nya akong tinanggap kahit na mukha akong ginahasa noong tumambad ako sa harapan nya. Nagpabili pa nga ako sa kanya noon ng beer kahit na lango na lango na ako at halos gumapang na sa sahig. Dahil kung hindi sya papayag, aalis talaga ako ng apartment nya para uminom sa ibang lugar. At iyon ang ayaw ni Kleir, pinabayaan nya ako sa paglalasing ko kahit na ayaw nya. At least daw alam nyang safe ako dahil kasama ko sya.
My babies. Namiss ko sila bigla. Hindi ko tuloy napigilan ang sarili ko na umiyak.
"Girl.." mabilis na tumayo si Kleir at dinaluhan ako. Hinimas-himas nya ang likuran ko habang umiiyak ako sa braso nya.
Naiinis ako sa sarili ko dahil ganito ako ngayon. I hate it dahil nagiging selfish ako, hindi ko naiisip ang mga anak ko na naghihintay sa akin. But what will I do? Ang hirap-hirap ng sitwasyon ko ngayon. Ni hindi ko na nga alam kung saan ko ilulugar ang sarili ko. Ni hindi ko na rin magawang magisip pa ng tama dahil lutang pa rin ako. Pinaghalong problema na at epekto ng alak ang namumutawi sa isipan ko.
Paano ko maayos ang bagay-bagay kung maging ako ay wasak na wasak na?
Patuloy pa rin sa pagcomfort sa akin si Kleir nang biglang may kumatok sa pintuan ng apartment nya.
Tinapik ako ni Kleir sa braso ko saka sya nagtungo sa may pintuan, pinagbuksan nya ang taong nasa labas.
"Rovy," lumingon ako nang marinig ko ang pamilyar na boses ni Kuya Gid.
YOU ARE READING
The Muse in Distress
General FictionBaby, sometimes love and.. sex are not enough. ~~ Muse Series 2 ** May group na rin po pala ako sa facebook! Just please search for Sacchariferousdreams' Stories or use this link: https://www.facebook.com/groups/351491661702412/
