Her stories were like a PowerPoint presentation sa sobrang dami. Right, it's her birthday but I'm only expecting a little celebration at her friend's house while doing their school stuff. House, hindi resort. Nakalagay pa ang location kung nasaan siya.



Last, I stalked her followings and the three of them were on the list. Obviously, naka-hide sa kanilang tatlo 'tong stories. Nang matapos magpa-gas ay nagpatuloy ako ulit. Madadaanan ko ang lugar kung nasaan siya. Crazy but I'm already hearing voices in my head that I should pick her up.


🏁


"Shit!" Bumusina ako ng malakas nang mayroong tumawid bigla. Hindi ko man rinig pero alam kong "sorry" ang sinabi niya nang mapatigil siya saglit. Huminga ako ng malalim at napahampas sa manibela dahil sa nerbyos. "Muntik na 'yon," mahina kong sambit.



Nilingon ko ang babae na patuloy pa rin sa paglalakad. Sinilip ko rin kung saan siya galing. Tinignan ko sa GPS at nakitang malapit na lang ako sa resort. There, I realized who that girl was. I didn't think twice following her. It was all dark for her to walk alone.




Nakahanap ako kung saan pwede mag-park. No one's around but the two of us so it's safe not to wear a mask, I hope. Binilisan ko ang paglalakad hanggang sa maabutan ko siya. She stopped at the bridge near waters. Lalapitan ko na rin sana pero napatigil ako nang marinig ko siyang umiiyak. My mind's already asking what happened.


Without a doubt, I put on my leather jacket to cover her up from the cold wind. Ewan ko rin, but I feel like she needed it. "Sorry, I followed you. I got worried."



Dark brown eyes, caramel brown short curls, definitely a 5'5 - she got taller a bit since the last time I saw her in a race with someone I definitely hate the most. Intimidating looks, and obviously a headache. That's how I see her. I don't hate her, nor like her. I just don't feel the need to babysit someone who can handle herself.

🏁

"This is kidnapping!"

One thing the three didn't warn me about - she was hell noisy, malditang madaldal. "Your brothers are my boss, then," I replied. Kung feeling niya wala siyang choice, ako rin. Mayamaya'y tumawag sa'kin si Kenzo, nagtatanong kung kamusta na ang lagay ng kapatid niya.

Nandito, amoy alak. If only I can say that... Nang tumagal kaming dalawa sa byahe ay napansin kong medyo tumahimik na siya. Hanggang sa makarating kami sa club kung nasaan si Raven.


Ang pag-sundo lang talaga ang dapat kong gagawin ngayon but now I have to babysit two headaches. "So? Nagkabalikan na kayo?" tanong ko habang inaakay na siya palabas. Umiling lang siya at natawa. "Kawawa ka naman," asar ko pa.


"Yabang, palibhasa moved on na sa cheater niyang ex."

"At sana ikaw rin."

"Miss ko na siya." That's his favorite line this year and I've been hearing that over and over for months now.


"Tumigil ka na. Para kang gago." Mahina ko siyang binatukan at ipinasok na sa kotse. "Damn, this kid." Inayos ko na rin ang seatbelt niya. Gusto ko na siyang maka-move on dahil tinatamad na akong sunduin siya sa kung saan gabi-gabi. Inaalok ko na sa bahay na lang uminom, ayaw naman. Parang tanga.


I'm not really a fan of drinking outside. Ang hirap lang dahil lapitin ng disgrasya. Mas okay na sa bahay na lang dahil mas mababantayan ko siya ro'n. And back to the other person in my car, nakipagtalo pa si Keira sa'kin na hindi raw siya tumakas. Nakakatuwa naman ang paggawa nila ng thesis, may kasamang pool party.

At The End Of The String (Insomniacs Series 2)Where stories live. Discover now