Chapter One.

137K 1.6K 194
                                    

Her POV:

           “Hindi ka ipinanganak ng nanay mo para sumuko lang Rash.”

            Yakap-yakap ko ang makapal kong libro habang tagaktak ang pawis at sabog ang buhok na tinatakbo ang daan patungong skwelahan. Bakit? Lunes ngayon, unang araw ng pasukan  at ang pinakahuling pwedeng mangyari sa kaisa-isang mahirap na iskolar sa isang nagsusumigaw sa kamahalan at karangyaang paaralan ay ang ma-late.

            Wala na akong pakialam sa kung ano ang itsura ko habang tumatakbo. This is a matter of life and death ika nga. Tanaw ko na ang dambuhalang gate ng paaralan ko kaya halos tumalon sa tuwa ang puso ko.

            “Ayan na! Malapit na ako!” Isang kanto na lang at matatapos na ang napakaaga kong marathon.  

            Tahimik na akong nagbubunyi at patawid na sana ng kalsada ng biglang may marinig akong sunud-sunod na busina ng kotse. Diyos ko! Ang lapit na! Baka naman maawa to at magpreno man lang kaya tinitigan ko muna ang kotse pero anak ng kambing na may bangs! Mukhang walang plano itong tumigil kaya automatic akong napatakbo sa kabilang parte ng kalsada.

            “Ano ba naman yan— Ayyy!” akala ko nakaligtas na ako sa panganib pero sabi ko nga, akala ko lang pala. Oo at nakatawid na nga ako pero lumanding naman ako sa parte ng kalsadang punung-puno ng putik.

            Sinipat ko ang damit ko at halos maiyak ako sa natuklasan ko. Punung-puno ng putik ang palda ko at ang ilalim na parte ng pang-itaas ko. Napahawak ako sa sentido ko dahil sa inis. Handa na sana akong pumatay ng kahit na sinong nakasakay sa kotseng itim ng biglang marinig ko ang tunog ng bell ng school.

            Bumalik ang atensyon ko sa school. Shit! 5 minutes na lang! Patay! Bahala na! Tumakbo ako papunta sa school. Pagdating ko sa gate. Pinagtinginan na ako agad ng mga tao. Paano ba naman, ang dumi ng damit ko!

            "Excuse me miss. Can I check your ID?" sabi nung guard. Talagang sinigurong dito ako nag-aaral. Akala siguro eh pulubi ako eh. Pero nagmukha nga ata akong pulubi.

            Binigay ko naman yung ID ko. Tapos imbis na papasukin ako eh, tinignan ako mula ulo hanggang paa.

            "Ikaw ba talaga si Rash Yu?" tanong nung guard.

            Ang sarap sungalngalin nitong damuhong guard na to ah. Binigyan ko na nga ng ID ayaw pa maniwala.

            "Oo nga po guard. Kailangan ko pa po bang magpa- DNA test para maniwala po kayong ako 'yan?" malapit na maubos ang pasensya ko habang nakatayo sa harap ni Manong guard.

            "Sige, pasok ka na." sabi niya.

            Habang mabilis akong naglalakad sa hallway ay ang sama ng tingin sa akin ng mga tao.

            "Look at her. She looks like a trash." sabi nung isang maldita.

            'Di ko sila pinansin. "Hey you!" tawag nung isa.

            Hindi ako lumingon. Malay ko ba kung ako ba ang tinatawag neto.

            "Hey you trash!" asik nung isang maldita at hinila niya ang ID ko kaya parang feeling ko binigti ako. Doon na ako napaharap sa kanila.

            "What the hell are you doing in this school? Baka langawin kami dito," nakakauyam ang tono nung malditang babae. Nakataas pa ang isang kilay niya kaya parang pwede ko ng sampayan ng nilabada kong damit.

To już koniec opublikowanych części.

⏰ Ostatnio Aktualizowane: Sep 07, 2014 ⏰

Dodaj to dzieło do Biblioteki, aby dostawać powiadomienia o nowych częściach!

Babysitting the Young Master - published under Lifebooks.Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz