Wala siyang ideya kung saan kami pupunta pero patuloy pa rin siya sa pag-sunod sa'kin. Ayos lang sa lakad si Aggy kaya kahit medyo malayo ay hindi ko siya narinig na nag-reklamo. Hanggang sa makarating na kami sa sementeryo. Takang-taka pa siya kung bakit kami narito.




Itinuro ko ang isang puntod sa harapan namin. Mayroong mga bagong bouquet ng sunflowers doon, mukhang nag-punta na si Jacob dito. "Mitch, si Aggy. Siya ang nag-bigay nitong singsing sa'kin." Turo ko sa aking daliri. "Aggy, si Mitch. Kagaya mo, masipag din siya, mabait at sobrang maalaga." Ibinaling ko ang tingin kay Aggy ulit. "Iyong second floor ng coffee shop namin? Dati niyang apartment 'yon na madalas din naming takbuhan," saad ko.




Umupo ako upang linisin ng kaunti ang kanyang puntod. Sumunod din naman si Aggy sa ginawa ko. "Siya ba 'yong babae na sa pang-anim na polaroid?" inosente niyang tanong. Ngumiti naman ako tumango bilang sagot.



"Hi, Mitch. Hindi ko man alam kung paano ka mag-alaga bilang kaibigan ni Keira pero sisiguraduhin kong aalagaan ko rin siya katulad ng ginawa mo, hindi lang bilang kaibigan, bilang kapatid na rin." Haplos ni Aggy sa pangalan nito. Napatitig ako sa kanya nang marinig ang kanyang sinabi. Nang mapansin niya ay nginitian niya ako.



"Totoo 'yon pero h'wag ka masyadong kiligin. Baka ma-bakla ka sa'kin niyan. Hindi tayo talo. May engineering akong gusto," biro niya kaya mahina ko siyang hinampas. Speaking of engineering, sabay kaming nagulat at napalingon nang may marinig kaming pamilyar na boses.



Nang makita ni Aggy kung sino iyon ay agad siyang napatayo at nag-pagpag ng kanyang sarili. Natatawa ako habang pinagmamasdan siyang hindi mapakali sa harap ng crush niya. Mayamaya'y tumayo na rin ako at binati si Jayden. Pinakilala ko na rin ang kaibigan ko na magiging future niya.


"Hm." Tango ni Jayden at ngumiti sa kanya. "Nakikita ko nga siya minsan sa library mag-isa."



Agad kong pinigilan ang aking kilig sa kanilang dalawa. Naramdaman ko rin ang kurot ni Aggy sa aking tagiliran kaya hindi ko na napigilang matawa. May pang-asar na rin ako. Naisipan ko tuloy iwanan silang dalawa ro'n at naupo sa malapit na bench. At dahil supportive akong kaibigan, kinuhaan ko sila ng picture nang makita kong nag-uusap na sila.



Habang inaantay kong mag-send sa kanya ang litratong iyon ay saktong nag-text si Joaquin na malapit na siya sa bahay namin. Mukhang ipapaalam na niya ako sa tatlong hari ng mansyon namin. Bumalik ako saglit sa dalawa upang mag-paalam.



"Hala, h-hindi ko alam pauwi galing dito! S-sabay na 'ko sa'yo!" Bigla na namang nataranta 'tong bruhang 'to.



"Alis ka na, Kei? Hatid ko na kayo pauwi. Sakto may pupuntahan din ako," Jayden insisted which I didn't resist! Inunahan ko agad si Aggy sa backseat nang marating namin ang sasakyan ni Jayden para doon siya sa harap maupo. Hindi na siya nakaangal dahil sinakop ko na ang buong pwesto.


To: Agatha
happy friday bitch

From: Agatha
pakyu.


"Dito na lang Jayden, thank you!" sabi ko nang makalabas na ako ng sasakyan. Naiwan si Aggy sa loob kaya malapad ang ngiti ko - dalawa na lang kasi sila. I trust Jayden, but still, I reminded my girl to call me when something goes wrong. Napatambay ako saglit sa aking kinatatayuan dahil ka-text ko pa si Aggy. Para tuloy akong baliw na tumatawa mag-isa rito.



Nang mapansing palubog na ang araw ay nag-simula na akong mag-lakad pauwi. Tuwing ganito ang oras ay tumitigil ako sa paglalakad upang kunan ang anino ko ng litrato o hindi naman kaya ay mag-seselfie ako.



At The End Of The String (Insomniacs Series 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon