THE FIRST KISS

669 2 0
                                    

Dayana pov

I HATE IT!!!
It's been 3 years since namatay si Daddy. So dapat kong respetuhin ang desisyon ni Mommy.

Kahit ayokong mag-asawa siya ulit, ayoko namang hadlangan ang kasiyahan niya.

Kakatawag niya lang sa akin.
Kailangan ko daw mag-empake kasi titira na kami sa bagong bahay namin. Okay naman kami dito sa nirerentahan naming bahay.

Isang Highschool Teacher si Mama sa isang pampublikong Paaralan dito sa amin.

Mags-sampong taon na siyang nagtuturo. Pero dahil sa hirap ng buhay at lalo na nung namatay si papa, Nagkada-utang-utang kami kaya nauwi kami sa pagrerenta ng bahay.

Tapos ngayon, dalawang linggo lang sila nung Boyfriend niya. Ni hindi ko nga alam kung sino yun eh.

Ang sabi nya lang, magtiwala ako sa kanya. Tsk.
Nakakainis talaga!!!

Biglang may kumatok sa pinto.
Hindi ko muna binuksan at hinintay ko magsalita.

"Dayana? Andyan ka ba? "

Hayst. Si mama lang pala. Binuksan ko ang pinto at pumasok siya.

" Tapos ka na ba? "

Tanong niya. 😒 Kung tinulungan niya sana ako ede sana tapos na ako.

" Well okay lang yan. Kahit di mo maimpake lahat. Kumuha ka na lang ng mga kunting damit mo. "

" Huh? Bakit naman? Paano tong mga gamit natin dito? "

" Pamigay nalang natin sa mga kapit-bahay. "

" Ano?? Ayoko nga! Maibebenta ko pa to lahat saka swerte naman ng mga maretes dyan kung bubigyan mo ng ref? Saka washing machine? "

" Ayy. Bahala ka. Balikan mi na lang yan pag free time mo. Sasabihin ko sa Land Lady na wag galawin ang mga gamit dito. "

" Tch. 😒"

" Bilisan mo! Andyan na sundo natin.! "

Hinila niya ako palabas at tanging bagpack lang ang dala ko na may mga kunting damit ko.

Sa tabi ng kalsad ay naghihintay ang isang lalaking naka formal attire. Tipong naka tuxedo talaga tas may shade pa.

Pero sa tindig at tayo niya masasabi kong may dating siya. Tipong kaya kang ipaglaban sa ano mang kapahamakan. Body guard ang datingan kumbaga.

Siya kaya ang boyfriend ni Mommy?

" Nako, pasensya na sa paghihintay Arthur huh. "

Paumanhin ni Mama. Pinagbuksan nya si Mommy ng pinto. Sabay nagsalita ng...

" Okay lang po Ma'am. "

Huh?! Nag Ma'am kay Mommy? Studyante kaya to dati ni Mommy? Feeling ko kasi nasa mid 2Os pa tong lalaking to eh.

Sa back seat umupo si Mommy. Pumasok na din ako sa kotse katabi ni Mommy.

Sinara niga agad ang pinto saka sumakay.

"Alis na po tayo Ma'am? Paki seatbelt lang po."

Ang galang naman nito. Sinunod ko siya saka nagsimula na siyang magdrive

"Ma?"

Bulong ko kay Mama.

Tiningnan niya lang ako na may pagtatanong.

"Bakit?"

"Boyfriend mo?"

Bulong ko. Biglang natawa si Mama, at nahampas pa ako. Ouch huh. Ang sakit! 🙄😐

Daddy's DesireWhere stories live. Discover now