"Kunwari ka pa." Tawa niya. Pinatakbo na niya ulit ang sasakyan niya dahil nag-go signal na ang traffic light.

Tawa ako ng tawa dahil sa mga pinagsasabi ni Valentine. Ipinagpipilitan niya talaga na pinagnanasahan ko siya. Grabe 'tong lalaking 'to. Ang feeling!

"You know, you can fantasize with my body any time you want." Pilit niya pa. Sabay kaming napasulyap sa isa't isa. Kumindat pa siya at ngumisi sa akin.

"Mukha mo, Val." Irap ko.

"Gwapo?" Hagalpak niya.

Hindi na ako nagsalita. Ibinaling ko na lang ang tingin ko sa labas ng bintana at sinisikap na magpigil ng tawa. God, Valentine's crazy. Really!

HININTAY kong makalabas ng sasakyan si Valentine. Nag-ring kasi ang phone niya nung paglabas ko. Nakatayo ako ngayon sa may gate ng bahay nila Dominic.

Kinapa ko ang kwintas na ibinigay ni Valentine. First time kong makatanggap ng ganitong kwintas. Iyong regalo sa birthday ko. Usually kasi mga damit, pabango at accessories ang natatanggap ko maliban sa necklace.

Bakit kaya susi ang pendant nito? Tinitigan ko ang pangalan kong nakaukit dito. Magkano kaya ang magpagawa ng ganito? Yung may nakaukit na pangalan? Maybe I'll ask him na lang mamaya.

Kumalabog ang sasakyan ni Valentine. Binitawan ko ang pendant sa kwintas na ibinigay niya at hinayaan iyon sa may dibdib ko. Nag-angat ako ng tingin sa kanya.

"Ba't di ka pa pumasok?" Tanong niya.

"Eh, hinintay kita." Ngisi ko. Napakurap naman siya sa sinabi ko. Bakit?

"T-tara na nga." Aniya saka nag-iwas ng tingin. Nauna siyang pumasok sa gate. Kumunot naman ang noo ko. Anyare dun?

Nagmadali akong sumunod sa kanya. Kumapit agad ako sa braso niya nang maabutan ko siya. Bahagya pa siyang natigilan sa ginawa ko. Lumingon siya sa akin. Kinindatan ko siya at nginisihan. Akala mo ikaw lang ang marunong nito ha.

"Shit!" Narinig ko pang bulong niya.

Kumatok agad si Valentine sa pintuan nila Dominic. Naka-tatlong subok na siya pero wala pa ring nagbubukas sa amin.

"Wala yata sila." Sabi ko. Pero imposibleng walang tao dahil nakabukas naman ang mga ilaw nila sa taas.

Pinihit ni Valentine ang doorknob at laking pasalamat ko kasi bukas ito.

"Galing mo--"

Napatili ako bigla dahil may narinig akong pumutok galing sa loob. Tapos biglang nagliwanag ang sala ng bahay nila Dominic.

Napanganga ako sa dami ng tao na nandito ngayon sa bahay ng pinsan ko. Nandito yung mga kaibigan ko sa dati kong school. Kumpleto din ang barkada namin.

"HAPPY BIRTHDAY HELAINA!" Sabay-sabay nilang sigaw. Nagkikislapan din ang mga flash ng camera nila.

"Oh, my God!" Bulong ko sa sarili ko.

"Happy birthday, Helaina." Bulong naman ni Valentine sa akin. "Surprise?"

Dahan-dahan akong lumingon sa kanya. Naabutan ko ang mukha niyang may malaking ngisi sa mga labi.

"Alam mong may ganito?" Wala sa sarili kong tanong. Tanging kindat lang ang isinagot niya sa akin at naglakad siya ng tuluyan, papasok sa bahay ng pinsan ko.

"Happy birthday, bestfriend!" Bati ni Shane sa akin at hinila niya ako papasok.

"Happy birthday, girl!" Bati rin ng magkapatid na sina Bub at Tamar sa akin. Sabay pa nila akong hinalikan sa pisngi ko.

HelainaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon